Episode 6

1233 Words
Dinala sya ni Alvin sa isang mamahaling Restaurant. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na makakapasok sya sa ganito ka garbong kainan. Walang-wala to sa Eatery ni ate sally. Kinakabahan sya kahit mahigpit ang kapit sa kanya ni Alvin na para bang tatakbo siya palabas. At naisipan niya talagang tumakbo kanina lalo na nang makita niya ang mga hindi basta bastang tao. Sa tv lang niya nakita ang mga ito dati tapos ngayon nakakasalubong na niya na parang nasa iisang istado lang sila. Nakakaloka! May nakita din syang artista kanina nong papasok palang sila. Pero nadismaya sya kasi bakit mukha itong anghel sa tv? Putok nang make up ang mukha nito at halatang fake ang boobs kasi hindi pantay. Naloka talaga sya nang slight! Kilala din ito ni Alvin at binati. May pahaplos pa ito sa braso nang kasama niya at ang gunggong, ay todo ang ngiti. "Long time no see Vin. I hope we could hang out soon." Nang aakit itong tumitig sa kasama niya. "Excuse me Wendy. My date is already hungry, we'll go now." Dinig niyang sabi nang lalaki. Sabay hila sa kanya patungo sa mesang nakalaan para sa kanila. Ang harot beh! Selos yern? Pagdating sa kanilang pwesto ay ipinaghila sya nang lalaki nang upuan. Nagpasalamat sya kahit medyo my kaba syang nararamdaman. Iba kasi ang titig nang lalaki sa kanya, parang may init at nakakakapaso. Mabuti nalang at medyo tago ang pwesto nila. Hindi sila masyadong kita dahil naka reserve pala ang lalaki nang VIP pass. Ganern! Tumabingi ang ngiti niya nang pasadahan nang kanyang mata ang mga presyo nang pagkain doon. "Susmaryosep! Sa iba nalang nalang kaya tayo kumain? Baka kahit isang buwan akong maghugas nang plato dito hindi padin bayad yong kinain ko!" Hindi niya mapigilang ibulalas. Tumawa lang ang lalaki sa sinabi niya. Anong nakakatawa? "Just order what you want babe. Its on me. Akong bahala. " sabi pa nito pero nakangiti parin. "Sureness? Sabihin mo lang kung anong plano, mabilis naman akong tumakbo. You know?" Ang lakas nang halakhak nito sa sinabi niya. Natulala naman syang nakatitig sa lalaki. Ang gwapo talaga nito kahit tumatawa. Parang isang minuto nalang iaalay na niya ang matres niya! Ibinalik niya ang tingin at pumili na nga nang order, pero wala talaga syang mapili eh. 29 thousand ang isang putahe? Ano bang sahog nito, ginto? "Ikaw nalang ang bahalang mag order. Naduduling ako sa presyo e." Pati ang waiter na nakabantay sa kanila ay nangingiti rin. "Okay. Please give us two order of steak, medium rare, and pasta. A bottle of red wine would be perfect too,." Agad naman nilista nang waiter ang sinabi niya. "That would be all sir?" "Yes. Thankyou." Taray ang sosyal, pati waiter English spokening! Habag kumakain sila ay panay ang sulyap nang lalaki sa kanya kaya mukha syang constipated sa kinauupuan. Nagkwentuhan din sila at nalaman niyang CEO daw ito nang isang kompanya. Minana daw nito sa Lolo ang lahat at may bukod na kompanya ang mga magulang nito. Single and 30 years old." Pinagdiinan pa talaga nito ang huling salita. Nag iba din ang tingin niya dito, parang hindi na ito yong lalaking kinukulit sya araw araw sa Eatery. Tinablan sya nang hiya nang napatunayan niyang hindi talaga sila bagay nito. Ika nga, langit ito at nasa putikan sya. Kaya napagdesisyonan niyang ilayo ang sarili dito. Wala syang alam sa pag ibig, ang alam lang niya ay delikado ang puso niya. Hindi pa sya gaga para hintaying dumating ang araw na mahulog nang husto ang loob niya sa lalaki. Ay hindi pa ba gurl? Denial Queen! Hanggang matapos ang ang dinner nila at hinatid na sya nito ay hindi nawala ang agam agam niya. Hanggang sa makatulugan na niya ang pag iisip. Two days had passed since that dinner night. Sinabi nitong mawawala ito nang ilang araw dahil may siminar daw ito sa ibang bansa. Hindi niya alam kung bakit may lungkot syang naramdaman. Siguro ay nasanay syang palagi itong nakikita sa Eatery. Pero gusto niyang panindigan ang desisyong dumistansya rito kaya tiis tiis ang drama niya ngayon. Kumunot ang noo niya nang makarinig sya ng ingay sa labas. As member sya nang marites sa probinsya nila, dali dali syang lumabas para lang magulantang sa nasaksihan. May ibat ibang klaseng bulaklak na ede-niliver sa eatery nila at ang pinaka nagpagulat sa kanya ay ang lalaking lumabas sa puting sasakyan na may bitbit na life size teddy bear. "A-alvin? A-ano to?" Nautal pa sya sa pagtatanong. "Surprise! I hope you'll like it. Sorry, Im not good at this.. s**t! I mean this is my first time doing this kind of stuff." Hind ito makatingin nang deretso sa kanya at kakamot kamot sa buhok nito. Gusto niyang kurutin ito sa pisngi pero nagpigil sya. "Ahm- s-salamat. Pero hindi mo kaylangan gawin to." Hindi niya alam paano ipapaliwanag ang sasabihin niya sa lalaki. "Why? You did'nt like it? I knew it, this is not a good idea at all." May halong pagkadismaya at lungkot ang boses nito. "Hindi Alvin, hindi ganon, ano kasi..bakit mo to ginagawa?" "Is'nt it obvious?" Linawin mo kasi, ayaw kong mag assume! Sigaw nang isip niya. Hindi sya nakapagsalita dahil wala talaga syang masabi. Ayaw niyang bigyan nang kahulugan ang lahat dahil siguradong may katapusan ang lahat nang ito. "Listen babe, all my life ,I've never been this eager to get a woman's attention. But with you i felt like a fool! I missed you very much in that f*****g two days, to the point that I cancelled everything to get back here, so I could see you." Nalito sya sa sinabi nang binata. Titig na titig lang sya dito at wala nang pakialam kung pinag titinginan sila nang mga tao. Nabigla nalang sya dahil hinila sya nito patungo sa sasakyan at pinasok sa loob. Gusto niyang mag protesta pero pinaandar agad nito ang kotse papalayo sa lugar na iyon. "Te-teka Alvin hindi pa tapos ang trabaho ko! Magagalit sakin si ate sally dahil bigla nalang akong umalis. Baka mawalan ako nang trabaho! Ano ba.." Natataranta na sya, hindi sya pwedeng mawalan nang trabaho. Shet! "Dont worry, ako ang magsasabi kay ate sally. Gusto kong mag usap tayo nang tayong dalawa lang." Parang balewala nitong sabi. "San mo ba ako dadalhin? Baka wala na akong trabahong pagbalik." Naiisip pa lang niya na wala na syang trabaho ay namomroblema na sya. San na sya titira? "That's not a problem. I can give you a better work." "At ano naman magiging trabaho ko sayo aber?! "You can be my assistant. I mean personal assistant, all you have to do is take care of me and be with me all the damn time." Napasimangot sya sa sinabi ng binata " Gagawin mo pa akong maid mo? Personal assistant ka pa dyan! Pinaganda mo lang ang pangalan e. " Ngumiti ito sa kanya nang nakakaloko. "Why? Is'nt it a brilliant idea? You will get to see my handsome face everyday and guess what? there's a freebie, you're free to touch anything. I won't mind really." Painosente nitong paliwanag na para bang ang talino nito dahil sa naisip. Ang sarap talaga nito jumbagin e pa fall masyado ang koya niyo ! Hindi niya mapigilan ngumiti dahil sa kalokohan nito. "Ewan ko sayo! Yabang ah." Tumawa lang ito nang mahina. "I have all the right babe." And he winked at her. So ano heart? Talo naba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD