EPISODE 4

1059 Words
ELENA'S POV-- Busy sila nang araw na iyon dahil maraming customer. May building na ginagawa sa tapat kaya halos lahat nang mang-gagawa ay sa kanila kumakain. Improving na talaga tong eatery ni ate sally dahil mas lumaki at gumanda kesa noong bago pa siya namasukan dito apat na buwan na ang nakakaraan. Pinagawan na din sila ni ate sally nang boarding house sa kabilang kanto. Apat na kasi silang nag trabahante dito kaya hindi na kasya sa lumang tulugan nila. Oh diba bongga! May sarili na silang kama at kasama parin niya si ate Jelay sa kwarto. "Uhm, hi Lena magkano ba lahat?" Si Leo ang engineer sa tapat ng pinagawang building. Ni-totall niya lahat nang kinain nang lalaki at ibinalik ang tingin dito. "953 po sir, kasama na doon iyong softdrinks niyo." "Sabi ko naman sayo tawagin mo nalang akong Leo diba." Nahihiya pa itong tumingin sa kanya. Tatlong araw na mula nang makilala niya si Leo, panay hingi nito nang number niya at nagpapa-cute din sa kanya. Matangkad ang lalaki at gwapo naman, maamo ang mukha nito at may salamin sa mata. "Sige Leo, yon 953 lahat." Napangiti siya dahil parang namula ang mukha nito. Dumukot ito nang pera sa wallet at inabot sa kanya. Kinuha niya ang bayad at pumunta sa kahera nila. Yes may cashier na! Improving diba? "Ikaw Elena ha! Lapitin ka talaga nang mga gwapo dzai. Ikaw na talaga! may nanalo na. Skin care reveal naman diyan" Sabi ni Isang, bagong hire nila. Dinutdot pa nito ang tagiliran niya. "Tse! Ganda lang to no! Pramis ganda lang talaga. " pakikisakay naman niya sa biro nito.Parehas silang natawa sa sinabi niya nang bigla itong tumigil at naningkit ang matang nakatingin sa kanyang likod. "Teka 'yong pogi oh? Nakatingin dito at parang galit te? Anyari?" Tumingin din siya sa tinitingnan nito at nakita niya si Alvin na madilim ang mukha na nakatingin sa kanya. Bigla siyang kinabahan na hindi niya mawari. Feeling niya may kasalanan siya kahit wala naman siyang matandaang ginawa dito. Ngayon nalang din ito bumalik mula nang iniwan niya ito sa divisoria noong linggo. Tatlong araw na ang lumipas. Parang uminit ang pakiramdam niya sa klase nang tinging ibinibigay nito. Seryoso ang mukha at umiigting ang panga. Mey keselenen be eke? Halleluia ! Bakit kasi ang gwapo nito kahit mukhang galit? Yan tuloy pati pagsasalita niya parang tanga! At napansin niya ang suot nito. All black suit and tie. Para itong naligaw nang pinuntahan. Mukha itong boss sa tindig at hitsura. Baka boss talaga sya gerl? Ay hala! Sinabihan mo pa syang kidnaper! Binawi niya ang tingin dito at nag fucos sa trabaho. Sana lang wag siya nitong lapitan dahil hindi niya alam ang isasagot sa lalaki. Baka e-demanda pa siya nang mapanirang puri dahil sa mga pinag-sasabi niya dito noong nakaraan. Hanggang sa magsara ang Eatery ay hindi na siya muling tumingin kay Alvin. Alas 7 nang gabi at magsasara na siya, siya ang nakatukang mag lock ngayong gabi. Agad naman niyang nilock ang pinto pagkalabas. Muntik pa siyang matumba nang may magsalita bigla sa kanyang likod. "Are you going home?" Matigas at seryoso ang boses na kilalang-kilala niya ang nagsalita. Nanlaki ang kanyang mata at hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Tumaas din ang buhok sa kanyang batok dahil malapit na malapit talaga ang mukha nito sa likod nang tainga nya. "Susmaryosep! Palagi mo nalang akong ginugulat! Ano bang ginagawa mo dito?" Dahan dahan siyang humarap sa lalaki at naningkit ang mata niyang tinitigan ito. "Why? Do you prefer that asshole here than me?" Nakasandal na ito sa motor at ang kamay ay nasa bulsa ng suot nitong pants. Iba na din ang suot nito kanina, v-neck white shirt and gray pants. Gwapo talaga ito at pinagpala sa lahat. "Sino?" "The guy at the eatery a while ago. He seems to be hitting on you." "Malisyoso ka pala. Mabait lang yong tao no.. At teka ano bang paki mo?" Tinaasan niya ito nang isang kilay. "Hmm. I guess you still don't know that you are mine since I saw you?" Waaat? Hindi siya makapagsalita dahil hindi nag proseso sa utak niya ang sinabi nito. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at seryoso lang ang tingin na nagpanginig sa mga tuhod niya. Bahagya siyang napa-atras hanggang lumapat ang likod niya sa hamba nang pinto nang eatery. Tinukod nito ang isang kamay sa pader at nakulong siya sa mga malalaking braso nang lalaki. The intensity of his stare is causing a havoc inside her heart. It beats faster than normal, akala niya ay lalabas na ang puso niya sa dibdib niya. Hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha niya at hinaplos ng bahagya sa likod nang kamay nito ang labi niya. Kung ibang lalaki siguro ay tinuhod at nag tatakbo na siya pero iba ang epekto nang lalaki sa harap niya. Parang hinihigop nito lahat nang energy niya kaya wala siyang lakas na gumalaw man lang. "Im going to mark you mine to be able you to know who owns you baby. "Mapungay ang mga mata nitong naka tingin sa labi niya at parang nanghina ang katawan niya sa bango nang hininga nang lalaki. Dahan dahang lumapat ang labi nito sa labi niya, padampi dampi lang nang una pero nang hindi siya tumutol ay ipinasok nito ang dila nito at ginalugad ang bibig niya na parang may hinahanap. Hindi niya alam kung anong gagawin kaya ipinikit niya ang mga mata. Idiniin siya nito sa pader at hinawakan ang beywang niya dahil para siyang matutumba sa kinatatayuan. Hala be! Hindi na virgin ang lips mo!. Hiningal talaga siya nang bitawan siya nang lalaki. Ang galing humalik ang hayof! Kahit wala siyang karanasan ay hindi maipagkakaila na maka laglag panty talaga ito humalik. Walang namutawing salita sa kanya at parang nalulon niya ang kanyang dila. "Don't make me jealous baby, because I wont be promise , that next time, a kiss would be enough to be your punishment." Bulong nito sa tenga niya na nagpalaki lalo sa kanyang mga mata. Hindi na niya namalayan na naka-alis na pala ito dahil natulala nalang siya sa bilis nang lalaki at wala na talaga siyang nasabi. Patay malisya siyang humawak sa labi niya at napunit ang bibig niya sa isang kiming ngiti. Kurot sa singit talaga aabutin mo sa nanay mo girl! Ano nga uli yong goal?Apakalandi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD