"Bogz! Nakauwi kana pala!"
Napahinto sa paglalakad si Bogz patungong mini bar sa living room nila, para sana kumuha ng alak, ng marinig ang pagtawag ng Mommy nya. di kasi sya makatulog kahit gustuhin man nya.. Panu ba naman sya makakatulog, kung may nakahilatang magandang babae sa sarili nyang kama? Kahit ilang beses na syang nag shower, naiinitan pa rin sya at tagaktak ang kanyang pawis... 'Kasalanan lahat 'to ng sleeping beauty na yun eh!'
"Hi, Mom! Ba't gising pa po kayo?"
Nilapitan nyang Ina saka humalik sa pisngi nito.
"Kaaalis lang kasi ng Tito Prince at Tita Mia mo, ikaw ba't gising kapa?"
"May nere research lang po, na work Mom!"
"Huhumm.. Okay! Matutulog na'ko. Ikaw rin, pagkatapos mo dyan sa work mo, eh! Matulog kana rin ha!"
"Yes Mom! Goodnight!"
Sya ng humalik sa kanyang Mommy, at sinadya pa nyang ihatid ito sa silid, para ma sure nyang matutulog na nga ito, nasilip pa nyang Ama na nakahiga na sa kama't humihilik pa nga ito.
"Sweet dreams.. Mom! Mwahh!"
"Huhumm.. Goodnight, Anak!"
Pagkasara nito ng pinto, kaagad syang bumalik sa sala, deretso sa mini bar, namili kaagad sya ng alak na maiinom dun. Isang bote ng brandy ang kanyang kinuha at isang wine glass.. Dinaanan nyang ref at kumuha ng isang bucket ng yelo.. Pakanta kanta pa sya habang naglalakad pabalik ng kanyang kwarto.
♪ ♪
Just smile for me
And let the day begin♪
You are the sunshine
That lights my heart within♪ ♪
♪
And I'm sure that you're
An angel in disguise
Come take my hand♪ ♪
And together we will ride.
♪♪
Binuksan nyang pinto ng kanyang silid, kaagad na kay sleeping beauty napatutok ang kanyang tingin.
'Grabe! Tagal namang magising ng babaeng 'to!'
Naiiling na isinara nyang pinto. Saka tinungo ang kanyang music room, inilapag ang mga dala sa ibabaw ng piano saka umupo at nagsalin ng alak, naglagay ng konting yelo, sumimsim ng alak sa baso.. Bago tinugtog ang pyesa ng kantang 'On the wings of Love' na kanyang pinaka paborito.
♪♪
Hmm... ♪♪ On the wings of love
Up and above the clouds
The only way to fly
Is on the wings of love
On the wings of love
Only the two of us
Together flying high
Flying high upon
The wings of love
You look at me
And I begin to melt
Just like the snow
When a ray of sun is felt
I'm crazy 'bout you baby
Can't you see?
I'd be so delighted
If you would come with me
♪♪
'Huh! Sino yung kumakantang yun?'
Dahan dahang bumangon sa pagkakahiga sa malambot na kama si Heart, napapangiwi pa sya ng sa bawat paggalaw ng kanyang katawan, kasabay nitong kumikirot ang kanyang mga sugat.. Napalabi sya ng mapansing may mga bandage na ang malalaking sugat nyang natamo sa mga manyak na sangganong tinambangan sila ni Rowena, dun sa parteng matataas at malalagong talahiban sa Antipolo.
'Araayyy... Kadami namang sugat nito!'
♪♪
On the wings of love
Up and above the clouds
The only way to fly
Is on the wings of love
On the wings of love
Only the two of us
Together flying high
Flying high upon
The wings of love
♪♪
Dahan dahan syang tumayo, tinantya ang kanyang sarili kung kaya na ba nyang maglakad. Napangiti sya ng maihakbang na nyang mga paa.. Nagpapasalamat pa sya't dina sya nahihilo ngayon, di kagaya kaninang una nyang magising dahil sa lakas ng pagbagsak ng pintuan.
♪
Yes, you belong to me
And I'm yours exclusively
Right now we live and
Breathe each other
Inseparable, it seems
We're flowing like a stream
Running free traveling
On the wings of love
♪♪
Sinundan nyang tunog ng piano at boses na kanyang naririnig. Tumigil ang mga paa nya sa isang pinto na di nakasara.. Bahagya syang sumilip sa loob.. Napaawang ang kanyang labi ng makita ang isang lalakeng nakatalikod sa kanya, at nakaupo sa harap ng piano.. Hubad baro ito, at kitang kita ni Heart ang makukulay na burda sa likod nito.. Kapareho ng mga burda sa katawan ng tagapagligtas nila kanina.
'Sya bang nagligtas sa amin ni Weng?'
Pinaka titigan nyang mga tattoo nito sa likuran, nanghihinayang sya kasi, hindi nya makita ang mukha nito, nakatalikod ang pwesto ng lalake sa pintuan, kaya tanging likurang bahagi lang ng katawan nito ang kanyang nasisilayan.
♪♪
On the wings of love (on the wings of love)
Up and above the clouds
The only way to fly
Is on the wings of love
On the wings of love
Only the two of us
Together flying high
Together flying high
♪ ♪
'Napakalamig ng kanyang boses.. parang hindi bagay sa personality nyang burdado..!'
Napatutok ang kanyang mga mata sa batok ni Bogz, may tattoo kasi dun na nakakuha sa kanyang pansin.. Ang burda ay dalawang kamay na magkahawak at sa gitna nun ay may letrang...
'U, N, O...?' Basa nya sa mga letrang naka tattoo dun. 'UNO! Ano kayang ibig sabihin nun?'
Tuloy tuloy lang ang pagkanta ni Bogz, wala syang kamalay malay sa silent audience nyang binabasa ng lahat ang mga burda nya sa katawan.
♪♪
On the wings of love
Up and above the clouds
The only way to fly
Is on the wings of love
On the wings of love
Only the two of us
Together flying high
Flying high upon
The wings of love
♪
Huminto na sya sa pagtugtog ng piano, inabot nyang kopita ng alak, ininom nya ng deretso ang laman nun, ng maubos, nagsalin ulit sya. Akma na nyang iinumin ang laman ng kopita ng marinig nyang pagbukas at pagsara ng pintuan. Mahina man ang tunog na likha ng pagkakasara, malinaw pa rin nyang narinig yun.
'Ha! Nagising na kaya sya?'
Dahil sa naisip, kaagad syang napatayo at malalaki ang mga hakbang na lumabas ng kanyang music room. Tumambad ang malinis na kama, umikot ang kanyang tingin sa buong paligid ng kanyang silid.
"San nagpunta ang sleeping beauty na yun? Haizt! Siguradong nanghihina pa ang babaeng yun!"
Hinagilap nyang cellphone, paikot ikot na sya sa buong silid dipa rin nya makitang hinahanap... Naiinis syang lumabas ng kanyang kwarto at tinungong kitchen, kung saan ang intercom na lang ang naisipan nyang gamitin..
"Hello..!"
"Mang Danny! Si sleeping beauty, dumaan ba dyan?"
"Opo, Sir Bogz! mga 5 minutes na po syang nakalabas ng gate."
"Bakit hindi nyu pinigilan? Mang Danny naman eh!"
"Hala! Eh! Ang sabi po sakin, pinauuwi nyu na daw po sya, Sir! Kaya, pinalabas na po namin! Pasensya na Sir, pahahabol ko na lang po kay Edgar at Cesar, malamang dipa yun nakakasakay ng Taxi."
Napabuntong hininga na lang syang sumagot ng... "Huwag na! Mang Danny, okay lang, hayaan nyu na syang makauwi!"
"Sige ho, Sir! Kung yan po ang gusto nyu!.."
"Salamat Mang Danny..."
"Eh! Sir! yung tungkol po pala sa bonus... pwede po bang... "
"Goodnight! Mang Danny...!" Kaagad nyang binaba ang tawag,
'Kala nyu maiisahan mo ako ha! No way! Mang Danny! Wag ako!'
Pagkabalik nya ng intercom.. Humihikab na syang naglakad pabalik ng kanyang silid.
"Grabe! Namang babae yun! Kanda hirap akong magbuhat madala lang sya sa kwarto ko! Pati mga kasambahay at gwardya namin dito aligagang tulungan ako... saka nag effort pa akong gamutin ang mga sugat nito! Ni pasasalamat lang.. dipa nya nagawa, tinakasan pa ako! Walang utang na loob..!"
"Ha! Sinong walang utang na loob Anak?"
Napaigtad pa si Bogz ng marinig ang boses ng kanyang Ama.
"D- Dad! Kanina pa po kayo dyan?" Nasamid pa sya. 'Ba't gising na'to? Eh! Kanina lang ke lakas lakas ng hilik nito ah!'
"May narinig kasi akong ingay sa kusina, iche check ko sana!"
"Ahm... Ako po yun Dad, may tinanong lang po ako kay Mang Danny."
"Ahh.. Ganun ba!"
"Sige, po Dad, pasok na po ako sa kwarto!"
"Son! Sino yung babaeng lumabas ng kwarto mo kanina?"
"Po?"
"Who's that girl, Son?" Ulit na tanong ng kanyang Ama.
"Girl?"
Natulos sa kanyang kinatatayuan si Bogz ng biglang sumulpot sa tabi ng kanyang Ama, ang ngayon ay nakakunot nuo ng mukha ng kanyang Ina.
"Sinong girl ba yung pinag uusapan nyu, Zylven? Nag uwi ba ng babae yang Anak mo dito! Ha?"
Nagkatinginan ang mag Ama! Pareho nilang alam na kapag nagalit si Princess Tamara Kendler, dila lang nila ang walang latay.
"M- Mom... Relax! Walang babae, okay! Baka namalik mata lang si Daddy.. Di nya nakilala si Felisa!"
"Felisa? You mean, si Felisa na kasambahay natin?"
"Opo! Nagpaluto po kasi ako ng pagkain kay Felisa, kaya baka syang nakita ni Daddy."
"Sa ganitong oras Bogz? Nanggising kapa ng kasambahay para magluto? Bakit hindi kana lang omorder at nagpa deliver dito?"
"Sorry Mommy, nawala po sa isip ko! Promise! Hindi ko na po uulitin!"
Nagdududang palipat lipat ang tingin ni Tamara sa Asawang si Zylven at sa Anak na si Bogz. Minsan na syang pinagkaisahan ng kanyang mag Ama, kaya di malabong maulit pa yun, parehong pareho kasi ng ugali ang dalawa.. Kaya alam nyang nagtatakipan, nagtutulungan at nagkakampihan ang dalawa.
"Honey, matulog na tayo! Maaga kapa bukas, diba may lakad kayo ni Mia?"
"My God! I forgot!!! Halika na! Matulog na tayo!"
Hinila na nitong asawa papasok ng kwarto nila, pero bago pa ito tuluyang makalayo, may pahabol pa itong sermon kay Bogz.
"Son!"
"Yes! Mom!" Kinakabahang sagot nya.
"I don't believe you! and you know that I hate liars, so don't lie to me ever again..!! I am your Mother, so respect me! Do you understand?'
"Sorry Mom!" Napayuko sya dahil sa pagkapahiya at higit sa lahat sa pagsisinungaling na dinamay pa nyang kanyang Ama. "Dad, sorry!"
Napapiksi pa sya ng may tumapik sa kanyang balikat. Ng mag angat sya ng tingin, nakangiting mukha ng kanyang Ama ang bumungad sa kanyang paningin.
"It's okay Son, I understand you!"
Bahagyang ginulo pa nitong buhok nya. Kahit na barako na sya.. Hindi pa rin nagbabago ang turing ng kanyang Ama. Parang baby pa rin ang trato nito sa kanya.
"Thanks Dad! Love you!"
"And we love you too! Son."
Ng biglang marinig nila ang pasigaw na boses ni Tamara.
"Zylven! Matulog na tayo!"
Nagkatinginan pa silang mag Ama at sabay na mahinang napatawa. Tumango ang kanyang Ama, alam na alam na nyang ibig nitong iparating sa kanya. Nakangisi syang nilakasan ang kanyang boses, para malinaw na marinig ng kanyang Ina. Na batid nyang nakasilip sa kanilang mag Ama.
"Love you, Mom! Your the best Mother in the world! Thank you! and again... I'm sorry!"
Magkaakbay pa silang mag Ama, na sabay naglakad patungong mga silid nila.
'Ang daming ganap ng gabing ito sakin... Hoohh.. nakakapagod...'
Padapa syang bumagsak sa kanyang kama, kung anuman ang posisyon nya ngayon, hindi na sya nag abala pang umayos sa kanyang pagkakahiga.
Pagod ng kanyang katawan, mas lalo ng kanyang isipan.. Dahil ng pumikit ang kanyang mga mata.. nahulog na sya sa malalim na pagkakatulog..
Naglalakbay ang kanyang diwa.. naghahanap, nananabik.. At ng matagpuan nitong nais na makita.. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi.. Kumibot kibot ito, na tila may tinatawag..
'Sleeping beauty....'
Mga salitang ibinubulong ng kanyang labi..
?MahikaNiAyana