Sleeping Beauty ꨄ

2535 Words
Dahan dahang nag park ng kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada malapit sa bahay nila si Bogz. Di nya maipasok sa garahe nila ang sasakyan, dahil nakita nyang bukas pang ilaw sa balkonahe nila. Bumaba sya ng sasakyan at naglakad, huminto sa tapat ng gate, kaagad na lumabas si Mang Danny, isa sa mga guard nila ng makita sya. "Sir Bogz! Bakit po kayo naglalakad? Nasiraan po ba kayo ng sasakyan?" "Shh... Hinaan mo lang ang boses mo..!" "Pasensya na po, Sir!" Kakamot kamot ng batok na napalinga linga pa si Manong Danny sa kalsada. Nakita nitong kotse ni Bogz di kalayuan sa lugar nila. Nakakaunawang sumenyas pa ito kay Edgar, na lumapit naman kaagad sa kanila. "Gud ebneng po Ser Bogz!" Natatawang tinapik ni Bogz sa balikat ang bisaya nilang guard. Natutuwa talaga sya kapag nagsasalita na ito.. matigas na malambing kasi ang tono ng boses nito, sabi ng Mayordoma ng Tito Keros nya, ulila na daw itong si Edgar at magkababayan sila, kaya si Nana Maring na ang kumopkop dito.. Hindi lang nito matagalan ang pag uugali ng Tita Hydra nya, kaya dinala ito ng Tito Keros nya sa bahay nila, at mula nun dito na tumira si Edgar sa kanila. "Sinong nasa balcony, Edgar? Gising pa ba si Mommy?" "Ay opo, Ser! May beseta po se Madam Tamara." "Bisita?" Kunotnuo nyang tiningnan ang suot na rolex.. 1:48 am.. "Sa ganitong oras?" "Opo Ser, Bogz." "Sino ang mga bisita ni Mommy?" "Sena Ma'am Mea at Ser Prence po!" 'Pakengshet! Panu ko maipapasok ang babaeng yun sa loob ng bahay? Siguradong makikita nila ako pagpasok ko palang sa gate! Haizt.. wrong timing naman 'tong reunion ng mga oldies na'to.' Sa pagkakaalam nya, tatlong taon ng naninirahan sa Italy ang Saji family.. Mula ng mag retiro sa Hainsha ang kanyang Tito Prince. Kagaya ng kanyang Daddy, nagsosyo na lang ang dalawa sa mga negosyo. Apat ang Anak nito, tatlong lalake at isang babae, na kahit minsan hindi pa nya nakikita at nakilala isa man sa mga ito. Ang tanong nya ngayon.. Bakit nasa Pilipinas ang mag asawa? "Sir Bogz! May problema po ba kayo? Baka makatulong kami ni Edgar, sabihin nyo lang po samin, Sir!" Napasulyap muna sya sa balcony ng bahay nila, bago nalipat ang tingin kila Mang Danny at Edgar na naghihintay sa kanyang iuutos. Malalim syang nag isip kung anubang mabuting gawin sa walang malay nyang pasahero. 'Ito kasing si Paolo eh! Sinabit pa'ko sa sitwasyong ganito! Tsk.. tsk..' Ng tawagan kasi sya kanina ni Paolo sa Fiftyfive Tinta Pilipinas at sinabi nitong 911. Napasugod kaagad sya ng Tikling, Antipolo. Napadpad sya sa isang kalye ng subdivision na hindi naman dinadaanan ng mga sasakyan. At ng matunton nyang kinaroroonan ng kaibigan, dalawang babae lang ang kanyang nadatnan, parehong walang malay na nakasandal lang sa isang malaking puno. Hindi nya makita si Paolo dun, kaya naalarma syang baka may masamang nangyari sa kanyang kaibigan, kaya tinawag nyang pangalan nito. "Bro! Dito na'ko!" Tawag ni Bogz habang naglalakad palapit pa sa malaking puno. "Ohh... Sandali! Malapit na'ko! Hahh.. Hahh!" Sigaw sa namamaos na boses ni Paolo. "Gago! Lupit mo! Lakang pili na lugar, pati ba naman dito nagsasalsal ka? Hahaha." Nakapamewang na pinagmamasdan ni Bogz ang dalawang dalaga ng makitang lumabas mula sa likod ng puno ang kanyang kaibigan. "Sinong mga 'yan Bro?" Kaagad na tanong nya dito. "Maya na'ko magkukwento, tara na tulungan mo'kong maisakay sila sa kotse mo." Tinapik pa ni Paolo ang kanyang balikat, saka nilapitan nito ang babaeng kulay pink ang buhok, maingat nitong binuhat ang walang malay na dalaga. Napasunod na lang ang kanyang tingin, sa bawat galaw ni Paolo. Hindi nakaligtas sa matalas nyang mga mata ang dumudugong sugat nito sa tagiliran. "May saksak kana naman? Tsk! Kakaburda ko lang sa'yo ah! Ba't mu naman agad pinasira Bro?" Napatampal pa ng kanyang nuo si Bogz. "La, eh! Nataranta kasi ako ng makitang nasaktan ang pinapantasya kong babae." "You, mean?" Nanlalaki ang mga matang napabaling ng tingin si Bogz sa kaibigan. Ng makita nyang pag ngiti nito, bumaba ang tingin nya sa dalagang buhat buhat ni Paolo. "No wonder! na nagpasaksak ka ng dahil lang sa kanya, ang lagay ba nito eh! Anuna? totohanan na ba ang drama mo ngayon o gaya pa rin ng dating nakagawian mo na, ha?" "Lets say na... Bahala ng tadhana ang gumawa ng happy ending namin.. Diba mas interesante ang ganun, Brother?" "Sige, sabi mo eh! Oh! Tara na! San kaba magpapahatid?" Buhat ang isang walang malay din na dalaga, nauna ng naglakad si Bogz papunta sa sasakyan nitong nakahinto sa harap ng motorsiklo ni Paolo na nakabalandra lang sa kalsada. "Sa bahay syempre!. San pa nga ba?" "Mapipingot kana naman ng Inay mo kapag nakita yang hitsura mo, Uy!!" "Hahaha.. Sanay na'ko dun! Kaya 'alang problema." "Dika na naawa sa Inay mo, kelaki mo ng bakulaw ka, nagpapasaway kapa sa kanya!" Maingat na iniupo ni Paolo sa backseat ang buhat nitong dalaga, bago binuksan ang passenger seat para maipasok naman ni Bogz ang isapang walang malay din na dalaga sa loob ng kotse. Matapos nun ang motorsiklo naman nito ang binalingan, isinakay nya yun sa trunk ng kotse ni Bogz. "Kaligayahan na ni Inay ang sermunan at pingutin ako Bro, kaya wag ka ng anu dyan! Bilisan mo na lang mag maneho at nanghihina na'ko, kelangan ko ng magamot dalian mo na!" Pagkapasok ni Bogz ng kotse, napahinga na lang sya ng malalim. Ini start ang sasakyan, saka pinaharorot paalis sa lugar na yun. "Syanga pala Bro, san ko naman ihahatid ang isang 'to?" Tinuro pa ni Bogz sa kaibigan ang katabing babae. "Bahala kana kung san mo dadalhin yan, basta iuwi mo na kami sa bahay, para magamot na'ko ni Inay..." "Bahala ako? Sige, iuuwi ko na rin 'to." May himig kapilyuhang sagot nya dito. "Ikaw? Kung kaya mong panindigan, di gawin mo! Good luck na lang sa'yo..!" Mariing napapikit ng kanyang mga mata si Bogz.. 'Yeah right! Good luck na lang talaga sakin!' Napadilat sya bigla ng marinig ang pagtikhim ni Manong Danny. "Sir! Ayos lang po ba kayo?" May himig pag aalala pa sa boses nito. "Yeah! Okay lang ako! Ahm... Mang Danny, matutulungan nyu ba akong makapuslit papasok ng bahay na hindi nakikita nila Mommy?" "Bakit naman po kayo pupuslit papasok ng bahay, Sir? Eh! Sanay na naman po sila Madam Tamara at Senior Zylven na umuwi kayo ng ganitong oras?" Nagtatakang tanong ni Mang Danny sa kanya, nagkatinginan pa ngang dalawang gwardya na tila ba nawe weirduhan sa kanyang mga sinasabi. "Eh kasi, Mang Danny... May sabit akong dala sa kotse... Hindi ko madaling maipupuslit papasok ng bahay, kasi anlaki..!." "Ganun ba! Eh! Sir, pwede ba munang makita namin ni Edgar, yang sabit na sinasabi mo? saka tayo mag iisip ng solidong plano, para di tayo mahuli ng Mommy mo!" Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi, ng marinig ang sinabi ni Mang Danny.. Ito ang gusto nya dito, kasi, kahit na ikapapahamak pa nitong madalas na pagtulong sa kanya, hinding hindi nito makuhang tanggihan sya. Kaya bilang kabayaran sa kabutihan at katapatan nito sa kanya, kung anu anong bagay na lang ang inaabot nya dito, na madalas nitong tanggihan pero, kapag nag galit galitan na sya, wala rin naman itong magagawa, kaya kusa na lang nitong tinatanggap sa ayaw at sa gusto man nito.. "Sige, tara sa kotse ko!" Walang imik na sumunod sa kanya ang dalawa. At ng sapitin nilang black sedan nyang sasakyan, kaagad nyang binuksan ang passengers seat, bumulaga sa dalawang gwardya ang isang walang malay na babae.. may mga pasa ito sa mukha, braso at mga hita na kitang kita sa liwanag ng ilaw sa kotse nya. May mga sugat din itong sariwa pa't dumudugo. "Susmaryosep! Ser Bogz, benogbog nyo po? Kawawa naman!" "F-ck! Hindi ako nananakit ng babae, Edgar!" "Oo nga! Hindi nananakit ng babae si Sir Bogz, Edgar! Dahil sya ang sinasaktan." "Mang Danny naman... Kala ko ba kampi tayo! Eh! Bakit naman nilalaglag nyu na ako ngayon?" "Hehe... Biro lang Sir! Pinapa relax ko lang po kayo!" Napahilamos na lang sya ng kanyang mukha. "So, ano ng plano natin ngayon? Kapag nakalusot tayo dito, may bonus kayo sakin!" "Kahit wala ng bonus, Sir Bogz! Tutulungan kapa rin namin ni Edgar." Napasimangot syang bigla. Heto na naman si Thank you Mang Danny.. Haayy... "Basta! May bonus kayong dalawa sakin!! Kapag hindi nyu tinanggap... Buburdahan kong mga katawan nyu!" "Wag naman, Sir Bogz! Mapapalayas ako ni Epang , kapag nakitang may tattoo ako sa katawan! Sasabihin pa nun sakin... na kung kelan pa ako tumanda saka pa ako nag bisyo! Tapos walang katapusang talak na naman ang aabutin ko!!" "Kaya nga! Bonus na lang!" Pangungulit pa nya dito. "Ayos lang talaga sakin Sir! Walang kaso po sakin ang mga ganitong gawain!" "Tattoo o bunos! Mang Danny?" Di nagpapatalong hirit pa nya sa gwardyang napapakamot na lang ng ulo. "Ako po Ser Bogz, bunos na lang... wag na tattoo... salamat po ng marame!" Napangiti syang ginulo ang buhok ni Edgar, buti pang isang 'to! Madaling kausap. "Oh! Sya.. sya.. Sige, bunos na kung bunos! Dina talaga ako nanalo sayo eh! Hala! Bilisan na natin, bago pa magising ang dalagang 'to, mas malaking suliranin kapag nangyari yun!" Akmang aabutin na nito ang walang malay na dalaga ng may maalala. Humarap ulit si Mang Danny sa dalawang naghihintay sa sasabihin nito. "Ganitong plano natin... Sir Bogz, kayo po ang magbubuhat sa kanya!" "Okay!" "At ikaw naman Edgar, dun ka pumwesto malapit sa balkonahe, ikaw ang magbabantay dun at sesenyas kay Sir Bogz.. kung okay na bang pumasok o hindi. Ako naman ang mag ga guide kay Sir sa loob ng bahay.. Sa kusina tayo dadaan Sir ha! Teka lang! Saang kwarto ba natin ipapasok ang babaeng yan, Sir?" "Ahmm.. Siguro sa kwarto ko na lang din Mang Danny, para madali ko syang maitago kay Mommy!" "Mabuti pa nga!, Sige, Edgar! Mauna ka ng pumasok dun! Sabihan mo na rin si Cesar na lakihan ang bukas ng gate ha! At magbantay na rin!" Kaagad namang tumalima si Edgar sa utos ni Mang Danny. Binuhat na ni Bogz ang walang malay pa ring si Heart. Isinara ni Mang Danny ang sasakyan saka lakad takbo ang ginawa.. Nauuna itong tinungo ang gate, bahagyang sumilip sa loob saka kinausap ang naiwang nagbabantay dun na si Cesar. 'Grabeng bigat naman ng babaeng 'to! Pasalamat ka't ipinagkatiwala ka ni Paolo sakin! Kung hindi, iiwanan kita sa motel saka hahayaan na lang kitang mag isa dun!' Huminto sya sa gilid ng gate, nag abang kay Mang Danny. Maya maya sumilip si Cesar sa kanya. Sumenyas ito na pwede na syang pumasok ng gate. Malalaki ang kanyang mga hakbang na lumapit kay Cesar. "Sir Bogz! Deretso po kayo kay Felisa, nasa hardin po sya nag aabang." "Okay, sige! Salamat! May bonus ka sakin bukas!" "Salamat po, Sir! Good luck!" Natatawang pumasok na sya ng gate pagkabukas ni Cesar dito.. Kaagad nyang nakita ang kasambahay nila na nakakubli sa matataas na halaman ng kanyang Ina, nasulyapan nya rin si Edgar na naka thumbs up ang kamay sa kanya. Mabilis syang tumakbo papasok ng gate. 'Here we go.. Sleeping beauty!!! Ruunnn... Bogz..!!Hiiyaaww...!!' Hingal kabayo sya ng sapitin ang halamanan.. Dahan dahan syang napaluhod sa bermuda grass, pinahiga saglit ang dalaga saka sunod sunod na huminga ng malalim.. "Inom po muna kayo Sir, oh!" Inabot nyang bote ng malamig na mineral water mula kay Felisa. "Salamat! May bonus ka rin sakin bukas!" "Naku! Sir! Wag n- " "Wag ng umangal, Felisa! magagalit ako!" Tikom ang bibig na tumango na lang sa kanya ang mabait nilang kasambahay. Ng maubos nyang bote ng mineral water. Kinarga nya ulit si Heart. "Saan ako dadaan ngayon, Felisa?" "Sa basement po kayo dumeritso Sir!" "Ha! Bakit dun? Sabi ni Mang Danny sa kusina daw kami dadaan ah..." "Eh kasi, nasa kusina po ang Daddy nyu at si Sir Prince!" 'F-ck! What a nice midnight for me!' Nagngingitngit sa inis na pumihit sya paharap sa daan patungong basement. "Nasaan si Mang Danny?" "Nasa basement na po Sir, dun na daw nya kayo hihintayin." 'Shet! Grabeng pahirap sakin 'to ha!' Napayuko sya't napasulyap sa maamong mukha ng dalagang kanyang buhat buhat. 'Sisingilin kita ng may interest, sa oras na dumilat na yang mga mata mo! Sleeping beauty.. ako ang magiging beast, sa storya ng buhay mo!' "Salamat, Felisa! Magpahinga kana! Goodnight!" Mabilis nyang tinakbo ang pagitan ng hardin at basement, matapos nyang sabihin yun sa kasambahay nila. "Sir, dito po! Deretso na po kayo sa loob paakyat sa kwarto nyu! Naka antabay na po si Saling sa taas." Salubong sa kanya ni Mang Danny, dina nya nagawang magpahinga pa! Nagpasalamat na lang sya kay Mang Danny ng tuluyan na syang makapasok sa basement. Tagaktak ang kanyang pawis ng sapitin nyang taas na pinto palabas ng basement. Kaagad na bumukas yun at sumilip si Nana Saling, ang mayordoma nila. "Maryosep! na bata ka! Kapag nalaman ito ng Mommy mo, putol na naman ang kaligayahan mo!" "Sshh.. Nana Saling.... Saka nyu na lang po ako sermunan! Ambigat ng dala ko eh!" "Kasalanan mo yan! Damuho ka! Kung anu ano na namang kalokohan ang pinag gagagawa nyung magkakaibigan! Hala! Sige, deretso na sa kwarto mo at siguraduhin mong naka lock ang pintuan pagkapasok mo dun!!" Nangingiting nagpasalamat na lang sya kay Nana Saling, sanay na sanay na sya dito, kasi ito lang naman ang kumukunsinte sa lahat ng mga ginagawa nyang kalokohan, kakampi rin nya kapag nagigipit na sya't mapapahamak sa Mommy at Daddy nya. "Salamat po, Nana Saling!! Lab na lab ko po kayo! HmmMwah!" Pahabol na sabi nya pa dito bago naisara ni Nana Saling ang pinto ng kanyang kwarto... "Haha.. Sabi, ako daw mag lock ng pintuan, eh! sya din naman ang gumawa! Haayy.. Nana Saling.. The best ka talaga!" Ngani ngani nyang ihagis sa kama ang buhat nyang dalaga sa pagod na kanyang nararamdaman. pero hindi nya magawa, ewan ba nya kung bakit.. sa tuwing nakikita nya't namamasdan ang maamong mukha nito, parang gumagaan ang kanyang pakiramdam.. At ng mapadako ang kanyang tingin sa nakaawang nitong labi... sunod sunod ang kanyang paglunok. Samut saring kahalayang eksena ang rumagasa sa kanyang maduming isipan. 'Nope! your not my type of girl!! So, you better close your f-cking mouth and don't seduce me.. Kung ayaw mong dumanas sa akin ng LANGIT at IMPYERNO'ng buhay!!' Naiinis syang lumayo sa kama, pumasok ng banyo, sabay bagsak ng pintuan.. BLAG! Pati sya nagulat sa lakas ng tunog pagkasara ng pinto.. Saka nya lang napagtanto ang nagawang katangahan, ng kanyang maalala ang sleeping beauty... na ti nake home nya. "Maderpaker! Sheeettt....!!' Dali dali nyang binuksan ang pintuan at dahan dahang sinilip ang dalagang nakahiga pa rin sa kanyang kama.. Nakapikit pa rin ang mga mata nito at sa tingin nya wala pa ring malay.. Napakibit balikat na lang sya na dahan dahang isinara ulit ang pintuan ng kanyang banyo. Tapos inamoy amoy ang kanyang sarili. "Shet! Kelangan ko ng maligo! Amoy imburnal na yata ako! Pwee..!" Walang kamalay malay si Bogz, na sa ginawa nyang ingay ay nagising na nya si Heart. Na kaagad ding napapikit ulit ng marinig nitong pagbukas ng isang pintuan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD