Las Piñasꨄ

1503 Words
Napabalik pasakay ng taxi si Heart ng makita sa labas ng gate nila ang kanyang mga Magulang. 'Bakit nandito sila Papa at Mama? Hindi man lang sila nagpasabi na uuwi sila ng Pinas?' Napauklo pa sya ng upo sa loob ng taxi, ng aksidenteng mapasulyap ang kanyang Ama sa kinapaparadahan ni Kuyang Driver. 'Naman.. Naman... Naman...!' Kaytalas talaga ng pakiramdam ng kanyang Ama, sabagay isa itong secret assassin agent dati, dina dapat sya magtaka sa taglay na kakayahan, katapangan at katalinuhan nito. "Kuya, alis na po tayo dito!" Dumaosdos pa sya't umupo sa lapag ng taxi, matapos tapikin sa balikat ang driver. Halos dumapa na sya ng mapadaan sila sa harap ng gate nila, kung saan nakatayo ngayon ang kanyang mga Magulang.. "Ahm.. Miss! Malayo na tayo, pwede ka ng bumalik sa pagkakaupo mo.. Madumi pa naman ang taxi ko't dipa ako nakalinis.. Pasensya na ah!" Nahihiyang umayos sya ng upo sa backseat, saka lumingon sa kanilang pinanggalingan.. "Thank you po, Kuya!" Sinuklay suklay ng kanyang daliri ang nagusot na buhok, pinagpagan ang over size T-shirt at ang short na sobrang laki din sa kanya. Sinalat nya rin ang sugat na kahit may bandage bumabakat naman ang sariwang dugo. Hinimas himas nyang braso. 'Arayy.. sa lahat ng sugat ko! Ikaw lang ang pinakamasakit! Wag ka naman ganyan! Wag mo naman akong parusahan... kasi, alam na alam ko naman ang aking mga kasalanan.. kaya sige na sugat.. tumigil kana sa pagdurugo mo at medyo bawasan mo na rin ang pagkirot ha! Para naman makapag isip ako ng dapat kong gawin ngayon!' "San tayo, Miss?" Napaangat ang kanyang tingin kay Kuyang Driver. Napaisip sya sa tanong nito sa kanya. At dahil avid fan sya ni Ateng Hugotera... Bumanat sya ng isa... "Walang tayo, Kuya!" "Hehe.. ibig kong sabihin, san ka bababa?" At umisa pang hugot ulit! "Yan tayo Kuya eh! Matapos ng pinagsamahan natin.. Basta basta mo na lang akong papababain? Konsensya naman oh! Sugatan ako! Kaya 'wag mo naman akong ipagtabuyan...!" May pasinghot singhot pa syang nalalaman na ikinatawa ni Kuyang Driver. "Haha.. Galing ah! Dj, ka ba?" "Hindi! Ba't mo naman naitanong, Kuya?" "Mga hugot mo kasi, wagas! Kung may pinagdadaanan ka! Bakit mo pinagtataguan ang yung Pamilya? Dimu ba alam na tanging sila lang ang hindi ka iiwan, kahit na ang buong mundo ikaw ay talikuran?. tandaan mong ang yung Pamilya ay mananatili sa tabi mo lamang!" 'Grabehh! Relate much ako dun, ah!' Natameme sya bigla... May konting kurot na hatid sa kanyang puso, ang mga binitawang salita ni Kuya. Kung alam lang nito ang pinagdadaanan nya, baka sakaling dalawa na ang makakaintindi sa kanya. Kasi, tanging si Rowena Arisgada lang, ang kanyang karamay sa mga hamon na parang bagyo lang kung dumaan sa kanyang buhay. 'Si Weng?' "Kuya, sa Las Piñas po tayo!" "Uuwi kana?" Nagagalak na tanong nito sa kanya. "Dipa po! Mag a unwind po muna ako, Kuya! Mag iipon ng lakas, bago umuwi sa bahay." Dina sumagot si Kuya.. seryosong nagmaneho na lang ito patungong Las Piñas. "Salamat! Kuya ah! sa mga payo at pakikinig mo sa kakulitan at kagagahan ko!" "May kapatid akong kagaya mo! Sakit ng ulo ng mga Magulang ko!" Pailing iling pa si Kuya. "Mga kabataan talaga ngayon.. Kayhirap intindihin, keganda na ng buhay.. sinasayang, tinatapon mas pinili pang mapariwara ang buhay.." Napatuwid sya ng upo pagkarinig sa kwento ni Kuya. Kaya pala relate ito sa kanya, kasi may pinagdadaanan din sa buhay. "Eh! Kuya, san na po ang kapatid nyo ngayon?" "Mental... kahapon lang nakauwi..." Mas lalong ikinagulat nyang sunod na sinabi nito. ".. kahapon lang naiuwi ang kabaong nya." Ramdam nyang lungkot at pait sa boses ni Kuya, dyahe! kasi, nagdrama, humugot hugot pa sya.. Yun pala! Mas malala pa sa kanya ang pinagdadaanan nito ngayon. "Kuya, condolence po! Pasensya na kung niloko loko kita at biniro ah! Ikaw naman kasi Kuya eh! Napaka cool mong kausap!" "Di halata nuh?" Balik sigla na naman ang boses ni Kuya. "True! Ganyan ka ba talaga, Kuya?" "Anong ganyan ako?" 'Panu ba e explain? Yung simpleng explanation lang sana, para ma gets agad ni Kuya! Hmm..' "Ganyan ka open minded, ahm.. Ka masayahin.. In short ganyan ka kagaan kasama!" "Ganun ba'ko sa pagkakakilatis mo? Aba eh! Salamat sayo! Mas lalong tumaas ang kumpyansa ko saking sarili!" Napapalatak na sagot ni Kuya sa kanya. "Anong pangalan mo Kuya?" "Kapag sinabi ko sayo, ipangako mong dika maiinlove sakin ha!" "Ay! Wow! Iba ka, Kuya! Taas ng confidence ah! Nag uumapaw..!" Humagalpak ng tawa si Kuya na ikinaismid naman nya.. "Ikaw naman.. Dika na mabiro! Hinahawaan lang kita ng good vibes, para marelax ka naman.. Ako ang namatayan, pero sating dalawa ikaw ang mukhang nawalan! Chill ka lang..! Ang sarap mabuhay at masaya ang pang araw araw na surpresang natatanggap natin mula sa kanya!" Sabay turo pa nito sa langit, na ikinangiti na rin nya. Kaygaan at kaysaya talaga nitong kasama. "Las Piñas na!" Napakurap kurap pa sya ng kanyang mga mata. Parang ambilis naman ng pagbyahe nila, masyado lang yata syang naaliw kay Kuya, kaya di nya napapansin ang bawat stoplight na nadadaanan nila. "Kuya, ibaba mo na lang ako sa Saint Joseph Parish Church, pwede?" "Okie Dokie! Sa Bamboo Organ Church tayo.." Ng malapit na sila sa Simbahan, saka lang naalala ni Heart, na wala pala syang pera.. Lahat ng gamit nya naiwan yata dun sa lugar kung saan sila tinambangan, kahit ngang suot nyang damit ay hindi sa kanya, kundi dun sa burdadong lalake na nagligtas sa kanya. 'Anong ibabayad ko ngayon kay Kuya? Namatayan pa naman sila, kaya ibig sabihin lang nun, kelangan nya rin ng pera!' Namumroblema syang napakamot ng kanyang leeg, natigilan sya ng makapa nyang kwentas na neregalo pa sa kanya ni Cejay nung mag birthday sya last year. Kaagad nyang hinubad ito at mahigpit na hinawakan.. 'Sabi nga ni Weng... Move forward! Hindi move backward! kaya dapat e let go na kita, para maka move on na'ko sa'yo!' "Bamboo church na, Miss! San, banda ka bababa?" Napatingin sya sa labas ng bintana.. Medyo sa looban pang bahay ni Weng, lalakarin na lang nya, tutal malapit na lang naman.. Saka may mga tao na rin sa daan kaya dina sya natatakot kahit magmamadaling araw pa lang. "Kuya, dito na lang ako sa tabi bababa! Itong bayad ko oh!" Inabot nyang kwentas na hawak kay Kuya, kunutnuo itong napatingin sa kanya. "Ano naman 'to?" itinaas pa nitong kwentas na hawak. "Hindi naman ako Holdaper, Miss! bakit mo binibigay sakin 'tong alahas mo?" "Pasensya na Kuya, wala kasi akong cash na ipambabayad sa'yo, kaya sige na Kuya, tanggapin mo na yan!" Napatakip agad sya ng kanyang dibdib ng sinuri sya ng tingin ni Kuya. Mabilis namang binawi nito ang tingin sa kanya ng makitang pagkailang nya. "Sa hitsura mo, para kang napagsamantalahan, pero, nakatakas ka lang.. kaya ganyan ang suot mo ngayon." Hinubad nitong suot na jacket at ibinigay sa kanya. "Anu to, Kuya?" "Jacket! Isuot mo! Para dika mailang dyan sa damit na suot mo!" "Naku! Wag na Kuya, okay na itong suot ko, saka malapit naman na dito ang bahay ng kaibigan ko! Salamat na lang.." "Ayaw mo?" Tanong nito sa kanya na sinagot naman nya ng pag iling. "Sa'yo na ulit 'to! Saka bumaba kana sa taxi ko!" Ibinalik nito sa kanya ang kwentas saka kinuhang jacket nito at basta na lang hinagis sa passenger seat. Nakasimangot itong bumaling ng tingin sa labas ng bintana. "Sige na nga Kuya, akin na yung jacket mo at kunin mo na itong kwentas ko!" Nakokonsensyang sabi nya dito. Walang imik naman itong sumunod sa sinabi nya. Tahimik nitong kinuha ang jacket at ibinigay sa kanya, ng abutin nitong kwentas na binibigay nya, namangha sya ng makita ang kulay ng mga mata ni Kuya. "Naka contact lenses ka Kuya?" Tumango lang ito sa kanya. "Kulay pula talaga! Kakaibang trip mo Kuya, ha!" Dina ito sumagot pa, kaya sinuot na lang nyang jacket nito, sabay tapik sa balikat ni Kuya. "Oh! Sya! Baba na'ko Kuya... Salamat dito sa jacket mo ha! In fairness mabango, di amoy pawis!" Nakalabas na sya ng Taxi, at maglalakad na sana papasok ng eskinita ng marinig nyang namamaos na boaes ni Kuya. "My name is Zero Fossils Ablan" "Ha! Anu yun, Kuya?" Tanong sabay lingon. Pero, nagulat sya ng wala na dun ang taxi ni Kuya. "San na yun?" Napatingin sya sa paligid. 'Grabe! Ambilis naman mag drive ni Kuya, diko man lang narinig ang pag andar ng taxi nya.' Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin.. Napahigpit tuloy ang pagkakayakap nya sa jacket na suot. "Hooh.. lamiigg... buti na lang binigay ni Kuya itong jacket nya sakin, may panlaban ako sa lamig ng hangin at hamog ng bukangliwayway.." Umihip na naman ang malamig na hangin.. Kasabay nun ang tinig na tila may ibinubulong sa kanya... 'My name is Zero Fossils Ablan...' "Kuya..??" Nanindig ang kanyang balahibo, sa takot na kanyang nararamdaman.. Napakaripas sya ng takbo, tinahak ang daan papasok ng eskinita, patungo sa bahay nila Rowena Arisgada. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD