NAGING MABILIS ANG pagdampot ni Rocco sa mansanas na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Blangko ang ekspresyon niya nang salagin ang kutsilyong ibinato sa direksyon ni Hillios. Makikita rin ang pagkadisgusto sa mukha niya nang makitang tumagos ang kutsilyo sa mansanas. Walang ano-ano’y hinila ni Rocco ang kutsilyong naroon at ibinato sa direksyon ni Juancho. Hindi ito nakagalaw sa pwestong kinauupuan. Makikita rin dito ang matinding pagkabigla habang nanlalaki ang mga mata. Hanggang sa bumaon ang kutsilyong ginamit nito at ibinato niya sa sandalan ng kinauupuan nito ay nasa ganoon pa ring estado si Juancho. “Nagmintis,” mahinang saad ni Rocco at bakas ang panghihinayang. Panandalian niyang sinulyapan si Hillios, prente pa rin itong nakaupo sa upuan. Sabihin mang iba na ang kaanyuan ng B