MALAKI ANG NAGING progreso ni Rocco sa mga nakalipas na linggo para mas magpalakas pa ang katawan niya. Patuloy din ang paghahanap niya sa pamilya ngunit kahit isang palatandaan upang makita ang mag-ina niya ay bigo siya. Lagi siyang bumabalik sa simula. Ang tanging lugar na pinag-iwanan ng sulat ni Clairen lamang ang palatandaan niya. Bukod doon wala na siyang ibang makita. Kahit ang mga tauhan nila na tracker ay wala ng mahanap na palatandaan ng kanyang pamilya. Nakatingin ngayon si Rocco sa kalangitan habang nakahiga sa hardin ng Palazzo. Pumasok na sa isipan niyang ipagsawalang-bahala na ang ibang problema na nakapatong sa kanyang balikat nang sa gayon ay gumaan naman sana ang trabaho niya. Ngunit paano niya iyon gagawin lalo na ngayong lumalakas ang paniniwala niyang may kinalaman