NAGING TAHIMIK ANG pagdadala kay Arnold sa huli nitong hantungan. Wala rin silang imik nang makauwi. Siya ang nakakakilala sa dalawang tauhan higit pa sa kahit na sino kaya alam niyang nagdadalamhati pa rin si Hillion hanggang ngayon. Nakatanaw ngayon sa paligid ng teresa si Rocco. Sinusuri niya ang kanyang nararamdaman. Sa nangyayari ngayon sa buhay niya, ano ba ang tamang maramdaman niya? Hindi niya magawang ikumpara ang sarili sa iba dahil alam niyang naiiba siya. Dapat din bang hindi siya tumigil sa paghahanap sa kanyang mag-ina at hindi na pagtuunan ng pansin ang ibang bagay? Kailangan siya ng Morefia, kailangan din siya ng organisasyon nila at mas kailangan siya ng pamilya niya kaya saan niya ilulugar ang sarili niya? Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Rocco habang