MASAMA ANG TINGIN ni Rocco sa kanyang kaharap. Hindi niya akalaing malilinlang siya nito dahil sa matagal na pagkakawalay sa asawa. Ang lahat ng ginagawa nito sa kanya mula kanina ay sapat ng dahilan upang mapansin niyang hindi ito si Clairen ngunit nagtagal pa iyon. Lumalim pa ang bagay na hindi dapat na mangyari. Nadarang muna siya sa apoy bago niya mapansin ang malaking pagkakaiba ng dalawa. Habang tumatagal ang pagtingin niya sa kabuuan ng huwad na ito ay lalo niyang napapansin ang pagkakaiba nito sa kanyang asawa. Kung hindi pa nito sinabi ang katagang iyon kanina hindi niya na lubos maisip kung hanggang saan na ang inabot nilang dalawa. Baka natupok pa siya at labis na pagsisihan iyon. “Sino ka?” ulit niyang muli sa tanong kanina. Sa pagkakataong iyon ay bakas na ang galit kay R