HINDI NAIPALIWANAG NG kanyang driver ang dahilan ng pagmamadali nito. Ang tangi niya lang nagawa nang mga sandaling iyon ay sumunod dito. Hindi niya na nagawang magtanong matapos na hindi siya nito sagutin. Ngayon niya lamang nakitang nataranta ito nang ganoon katindi. Parating kalmado si Hillion sa lahat ng pagkakataon. Isa-isa nitong pinasok ang mga kwartong nasa palasyo upang gisingin ang mga natutulog doon. Hindi niya alam ang dahilan ngunit nagsimula din siya sa paggising sa mga ito. Ang kagandahan sa palasyo, walang mga sarado ang bawat pinto. Madaling makapasok ang kahit sino kung nanaisin. Sa bawat kwartong napapasukan niya, isang bagay ang pagkakapareho. May mga makapal na usok ang bawat kwarto. Hindi rin nagigising ang mga ito kung tatawagin lang. Kinakailangang mahawakan ang