KUNG KAILAN GUSTO ng bumalik ni Rocco sa mundo ng mortal para ipahinga ang kanyang utak saka naman niya hindi magawa iyon. Hindi pa rin sila tinatawag ng Orakulo pabalik doon kaya wala silang magagawa kung hindi magtagal pa sa palasyo ng Morefia. Sinubukan niyang siya mismo ang magpunta sa mundo ng mortal ng walang tulong ng kahit na sino ngunit hindi siya nagtagumpay. Kinekwestyun niya ang ginawa ng reyna ngunit hindi niya ito makompronta sa ginawa nito sa bukana ng palasyo. Napakaimposibleng nadala lamang ito ng emosyon dahil sa matinding kasiyahan ng pagtatagumpay sa pagbalik kay Cosmo nang ligtas. Isa ‘yon sa mga hindi niya paniniwalaang paliwanag mula rito. Alam niyang kamukha niya ang kakambal dahil suot-suot niya ang ibinigay ng Zagryo sa kanya ngunit sigurado siyang alam nito na h