NANG MAKARATING SIYA roon, ang unang ginawa ni Rocco ay habulin ang malalim na paghinga. Hindi madaling magpalipat-lipat ng mundo dahil nakakaubos iyon ng lakas. Para ding pinagpipira-piraso ang himamay ng kalamnan niya kaya ganoon na lamang din ang matinding pawis na tumatagaktak sa kanya. Kaagad na nahiga sa batuhan si Rocco habang hinahabol pa rin ang paghinga. Inilagay niya ang kamay patakip sa kanyang mga mata habang pinapakalma ang sarili. Nasa ganoong ayos lamang siya sa loob ng ilang minuto upang hindi niya mapwersa ang sarili sa pagtayong muli. Kahit na sabihing hindi niya katawan ang gamit at kaluluwa niya lamang ngayon ang naglalakbay, pareho pa rin ang nararamdaman niya patungo sa kabilang mundo. Pinagmasdan kaagad ni Rocco ang kalangitan nang tanggalin niya ang kamay na naka