HINDI KAAGAD GUMAWA ng aksyon si Rocco. Nakakunot pa rin ang noo niya. Ang tingin niya ay nasa kabuuan ng Palazzo. Nakalagay din ang dalawang kamay niya sa kanyang baywang at malalim ang iniisip. Hindi siya hihilahin kaagad ng Orakulo rito kung hindi malala ang nangyayari at kailangan kaagad iyong aksyunan. Kung anuman ang dahilan ng pagdadala sa kanya nang biglaan ay hindi niya alam. Ang tanong ngayon ay kung paano napasok ang Palazzo ng mga kalaban. Kilo-kilometro ang bantay sa lugar. Titimbrehan din ng mga nasa labas ang mga darating na panauhin sa loob. Bago makapasok, isa-isa pang titignan ng mga guwardya kung ano-anong laman ng bawat sasakyang gamit nila. Isa pa, isa sa mga batas nila ay hindi maaaring dumanak ang dugo sa Palazzo. Iyon ang lugar kung saan maaaring maramdaman ng la