DOON LAMANG NAGMULAT ng mga mata si Vera. Sinalubong na nito ang tingin niya, kasabay ng panunubig ng ibaba ng mga mata nito ay ang pagkawala ng luha na hindi mapigilang huwag kumawala. Dumaloy kaagad sa pisngi nito ang masasaganang luha na marahil ay matagal ng kinikimkim magsimula nang mapunta sa lugar na ito. Mahigpit ang naging pagyakap niya rito habang inaalo ito ng isang kamay niya sa pamamagitan ng pagtakip sa likuran nito. Alam niyang sa mga ganitong pagkakataon ay hindi parating kailangan na may sabihin siya. Sapat na minsan ang presensya upang maiparating sa isang tao na nakikisimpatya siya rito. Hinintay niya lang na bahagyang kumalma ito bago niya yayain itong tumayo. Bago sila lumabas ay nilagyan din ni Fyro ng kakaibang mahika ang katawan nito upang mainitan iyon. Sinimu