III

2070 Words
 DALI-DALI ANG pagkambyo ni Rocco ng sasakyang gamit. Napakabilis din ng pagpapatakbo niya. Ngunit nang makarating doon, ganoon na lamang ang pagtataka niyang nang walang maabutang sunog. Halos patay na ang mga ilaw ng kabahayan at tahimik ang buong lugar sa baryo. “Sir, ano hong nangyayari?” nagtatakang tanong ng tauhan niyang si Bert. “Ano hong ginagawa natin dito?” tanong din ni Arnold. “Nakita niyo rin ‘di ba? May malaking sunog dito. Tanaw pa nga iyon hanggang sa bahay,” hindi mapakaling saad ni Rocco. Palinga-linga pa rin siya sa paligid sa pagbabaka-sakaling makikitang muli ang malaking sunog na nakita ng mga mata niya kanina. “Sir, wala hong sunog,” sagot naman ni Bert na kanyang driver. “Anong wala?” naiinis niyang tanong sa mga ito. Nagpatuloy sa paglalakad si Rocco. Kung saan-saang direksyon umaabot ang kanyang tingin. Nababaka-sakali siyang makikita ang sunog na natanaw kanina. “Sir!” paulit-ulit na tawag ng matanda. “Sir, gabi na ho, bakit naparito kayo?” nagtatakang tanong ni Mang Ambo sa kanya. Ito ang pinuno ng mga tauhan niyang nagtatrabaho sa palayan. “Mang Ambo, may malaking sunog dito kaya ho naparito ako,” giit ni Rocco sa matanda. “Naapula na ho ba? Ang bilis naman.” Lumingon din ang matanda sa magkakaibang bahagi. Hinahanap nito ang sunog na sinasabi niya. Nang walang makita, binalingan siyang muli ng matanda. “Kanina pa ho ako narito sa labasan, Sir. Maalinsangan kase ang hangin at hindi ako makatulog. Sigurado ho akong walang sunog.” “Pero, Mang Ambo—” hindi naituloy ni Rocco ang sasabihin nang makarinig ng malakas na hugong ng tambuli. Napakalakas niyon at sumusuot sa kanyang taynga. Para siyang mabibingi. “Did you hear that?” bakas ang pagkagulat na tanong niya sa dalawang tauhan matapos tanggalin ang kamay sa kanyang taynga. “Ano ho iyon, Sir Rocco?” tanong ni Bert. “A horn. I heard...” hindi na itinuloy ni Rocco ang sasabihin nang mapansin ang nagtatakang mukha ng dalawang tauhan. Nasapo ni Rocco ang noo. Ano bang nangyayari sa kanya? Dala lang ba iyon ng problema kaya kung anu-anong ilusyon ang nakikita at naririnig niya? Ngunit imposibleng linlangin siya ng kanyang mga mata. Mas lalo na ang kanyang pandinig. Ang asawa niya, hindi ito kumontra sa nakita niya kanina! Maaaring nakita rin iyon ni Clairen. “Salamat ho, Mang Ambo,” saad niya sa matanda bago lulugo-lugong naglakad patungo sa sasakyan gamit kanina. Hindi pa man siya tuluyang nakakalayo, matinding pagliwanag naman sa kalangitan ang nakita niya na gawa ng pagguhit ng kidlat. Sinundan pa iyon ng malakas na pagkulog. “Santisima!” bulalas ni Mang Ambo. Sa pagkakataong iyon, wala nang reaksyon si Rocco. Hindi niya na alam kung ano ang totoo at hindi sa nakikita at naririnig. Nang mabaling sa tauhan ang atensyon niya, nakatingin din ang mga ito sa kalangitan. Sa pagtingala niyang muli ay siya namang pagtulo ng butil ng ulan sa kanyang pisngi, hanggang sa sinundan iyon ng magkakasunod na pagpatak ng ulan. “Sir, tayo na po! Lumalakas na ang ulan.” Itinapat ni Rocco ang palad sa tubig na pumapatak mula sa kalangitan. Hindi niya maiwasang huwag mapangisi. Nahihibang na nga siyang tunay. Nilingon ni Rocco ang tauhan nang mapansing nahinto na ang pagpatak ng ulan sa kanyang palad. Nakasahod na pala siya sa ilalim ng payong na kinuha ng tauhan niya. “Tara na ho, Sir,” saad muli ng driver niyang si Bert sa malumanay na paraan. Wala sa sariling sumunod siya rito. Umupo si Rocco sa passenger seat sa likuran habang ang dalawang tauhan niya naman ang nasa harapan. Ipinikit niya ang mga mata. Hinayaan niya ang sarili na magpatangay sa malalim na iniisip. Baka dala lamang ng pag-aalala sa pamilya ang lahat ng ito. Kailangan niya lang sigurong humarap sa problema ng katulad dati. Habang tumatagal, napansin ni Rocco na mas tumitindi ang paggewang ng sasakyan. Hindi na iyon normal dahil maayos naman ang daan sa kanilang baryo. Wala sa sariling iminulat ni Rocco ang mga mata. Ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata niya nang makita ang kidlat na matatalim na tumatama sa kung saan-saan bahagi ng kabukiran. Kitang-kita niya pa ang malaking liwanag na nilikha ng kidlat nang tumama sa puno na sinundan pa ng malakas na pagkulog at pagbagsak ng puno. “Did you see that?” tanong niya sa kanyang tauhan. “Yes, Sir,” kalmadong sagot ni Arnold. “Ang ayos ng panahon kanina.” “Hindi na iyon nakakapagtaka. Maalinsangan kanina,” sagot ng driver niya. “Pero, ang bilis naman yata.” Natawa ang nagda-drive na si Bert. “May mga bagay na imposible ngunit nangyayari. Ang iba sa mga iyon ay hindi kayang ipaliwanag ng siyensa. Isa lang ang sigurado ako, maaaring tinuturuan tayo ng leksyon o ‘di naman kaya’y binibigyan tayo ng babala.” Natuon na sa cellphone niyang tumutunog ang atensyon ni Rocco kaya hindi niya na narinig ang naging sagot pa ng isang tauhan. “Kuya,” boses iyon ni Levin sa kabilang linya.“Someone’s attacking the house. We don’t know who they are! Ate Clairen is wounded. Same with Caci.” “W-what?” tila nabingi si Rocco nang mga sandaling iyon. “How about Melly?” parang binubundol ang dibdib niya dala ng matinding kabang nararamdaman. Maging ang utak niya ay nablangko. Sabay-sabay na naramdaman iyon ni Rocco nang mga sandaling iyon. Natanaw niya na ang kanilang bahay nang lumingon siya. Ilang metro na lamang ang pagitan niya roon ngunit hindi pa man nagtatagal ang tingin ni Rocco nang tumama ang matalim na kidlat sa isang puno. Kasabay ng pagkulog ay siyang mabilis na pagbagsak ng puno sa kanilang daraanan. Mabuti na lang at mabilis na napreno ng kanyang tauhan ang sasakyan. Sa kanila tatama ang puno kung hindi kaagad ito nakaaksyon. “Levin?” “I’m still here, Kuya!” sagot nito mula sa kabilang linya. “Are you running?” tanong niya rito nang mapansing hinahabol nito ang paghinga habang kausap siya. “Someone kidnapped—” “—Levin? Sh*t! Levin?” isang malutong pa na mura muli ang pinakawalan niya nang maputol ang tawag kay Levin. Maaaring dahil sa malakas na ulan kaya nawalan ng signal. Hindi naman iyon imposible dahil wala ng kuryente nang makaalis sila kila Mang Ambo. Hindi nag-iisip na bumaba ng sasakyan si Rocco. Hindi na mahalaga ang mangyayari sa kanya sa daan. Ang pamilya ang nasa isip niya nang mga sandaling iyon. Makipot na sa magkabilaang bahagi. Hindi na makakadaan ang sasakyan nila. Lulubog iyon sa putik. “Sir!” tawag ng tauhan niya. “Delikado ho!” “Humanap kayo ng ibang ruta, o ‘di naman kaya, iwanan niyo na ang sasakyan. Matatalim ang kidlat. Delikado kung maiiwan kayo!” sigaw niya sa mga ito dahil hindi sila magkakarinigan sapagkat malakas ang ulan at pagkulog. Nakakailang hakbang pa lamang siya, nakasunod na kaagad ang mga tauhan niya matapos isarado ang pinto ng sasakyan. Gusto pa sana siyang payungan ng isa ngunit dahil sa malakas na hangin na halos tangayin na sila, at pagbugso ng ulang ay hindi iyon kinakaya. Wala itong ibang mapagpilian kung hindi isarado ang payong at habulin ang pagtakbo niya. Sabay-sabay silang muling napahinto nang gumuhit ang matalim na kidlat sa kanilang dinaraan. Kung hindi niya napigilan ang tauhan, maaaring tinamaan na ito. “Parang pinipigilan tayong makadaan!” nahintatakutang bulalas ng kanyang driver na si Bert. Hindi pinagtuunan ng pansin ni Rocco ang sinabi nito. Nagpatuloy pa rin siya pagtakbo patungo sa kanilang bahay. Hindi problema sa kanila ang daraanan sapagkat nakikita nila iyon nila iyon dahil sa maliwanag na pagkidlat. Malapit na sila. Kaunti na lang ang kailangang takbuhin. Nang makapasok sa kanilang tarangkahan, ang unang ginawa ni Rocco ay ilibot ang tingin sa paligid. Wala na ang mga tauhang nagbabantay at nagtatago sa dilim. Maaaring dahil sa malakas na pagkidlat at pag-ulan kaya umalis ang mga ito sa pwesto o ‘di naman kaya’y napabagsak na ito ng mga kalaban. Dali-dali muli ang pagtakbo ni Rocco upang makapasok sa kanilang bahay. Kasabay ng malakas na pagkidlat, nakita niya ang magulo nilang tahanan. Ang mga babasaging bagay ay nasa lapag na. Ang mga muwebles ay wala na rin sa ayos. Ang pinakamalaking salamin ay may tama na ng bala. May bakas rin iyon ng dugo. Hindi siya maaaring magkamali, nanlaban ang mga ito. Pinilit ang makakaya upang makatakas. Hindi alam ni Rocco ang unang pakiramdam na bibigyang pansin. Naghalo-halo na sa kanya ang takot, pangamba, pagkabigla, at pag-aalala para sa kanyang pamilya. Pumipintig ang kanyang puso. Tila may mga kabayong nagtatakbuhan doon. Kahit napakalamig, pinagpapawisan din siya. Gusto niyang sumigaw para hanapin ang pamilya ngunit hindi niya magawang kumilos o gumalaw sa harapan ng pinto. Hindi niya yata kayang malaman ang susunod na makikita. Nadaanan na siya ng dalawang niyang tauhan. Ang mga ito ang unang umaksyon nang mapansin ang pagiging bato niya sa pwesto. Mayamaya pa, narinig niya ang pagtawag ni Arnold sa kanya. “Sir, narito si Madam Caci!” boses nito na nanggagaling sa kusina. Doon lamang nagkaroon ng lakas ng loob si Rocco na gumalaw sa kanyang pwesto. Dali-dali ang pagtakbo niya patungo sa kinakapatid. “Caci!” paulit-ulit na tawag ni Rocco. Nang mapadapo sa may tiyan nito banda ang kamay niya, naramdaman niya ang malapot na likidong naroon. Hindi tama ng baril kung hindi ng kutsilyo ang dumali rito. Nakasisigurado siya roon kahit hindi niya nakikita ang sugat nito. “Si Ate C-clairen...” mahinang boses nito ang narinig niya. “S-si Melly... sundan mo sila, Kuya. Hinabol ni Levin sa likuran. Ate Clairen is wounded...” “Pero ang sugat mo!” Kahit na walang lakas, tinulak siya nito. “Go... kailangan ka nila.” Nagdadalawang-isip man, dahan-dahan niya itong isinandal at ipinakisuyo sa dalawa niyang tauhan. Nagbilin din siya sa mga ito na tawagan ang kanyang ama at huwag tatawag sa hospital. Alam na nito ang gagawin kapag sinabi ang emergency na nangyayari sa kanilang bahay. Hindi alintana ni Rocco ang malakas na pag-ulan at pagkidlat. Patuloy pa rin ang pagtakbo niya patungo sa kagubatan sa likuran ng kanilang bahay. Naghahanap siya ng bakas ng dinaanan ng kanyang mag-ina at ni Levin. Malayo-layo na rin ang tinatakbo niya. Kakaunti na lang at mararating niya na ang pusod ng kagubatan. Hanggang sa makita niya ang bulto ng tao na nakahiga sa lapag malapit sa isang puno. Tamang-tama nang kumidlat nang malakas, nakita niya kung sino iyon. “Levin!” malakas niyang pagsigaw. Paulit-ulit muli iyon. Hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan nito. “Levin? Hey...” sinubukan niyang sampal-sampalin ang pisngi nito. Hindi siya makapaniwala sa sinapit nito. Hindi si Levin ang uri ng kalaban na mapapabagsak kaagad ng kung sinuman. Kahit siya ay walang halos laban dito kapag seryoso ito kaya ganoon na lamang ang pag-aalala niya. “Kuya...” tawag nito. Muli, narinig ni Rocco ang malakas na tunog ng tambuli. Nasasapawan niyon ang tunog ng kulog, hangin at malakas na pagbuhos ng ulan. “Bigla na lang silang nawala,” nanghihinang saad nito. “Hanapin mo sila. Huwag ako ang isipin mo.” “Levin...” Ngumiti ito, “sige na. Katawan ito ng kalabaw.” Nagpalinga-linga si Rocco sa kanyang paligid. Nagbabaka-sakali siyang may sumunod sa kanyang tauhan. “Bert, ikaw iyan?” malakas niyang pagsigaw nang mapansin niya ang hindi pantay na pagtakbo nito. Hindi na kase bumalik sa dati ang paa ng driver niya magsimula nang maaksidente. “Oho, Sir!” sagot nito at mas binilisan pa ang pagtakbo patungo sa kanila. “Dalhin mo ang Sir Levin sa bahay!” utos niya rito. Hindi niya na hinintay pa ang pagsagot nito. Dali-daling muli ang pagtakbo niya patungo sa pusod ng kagubatan. Nagbabaka-sakali siyang maaabutan pa ang kanyang mag-ina. Ngunit hindi pa man niya tuluyang natutumbok ang pusod ng kagubatan, ganoon na lamang ang paghinto niya dahil sa mga ingay na naririnig sa paligid. Tila may nagkakagulo roon kahit sigurado siyang isa niya lamang ang naroon. Maririnig din ang tunog ng metal na nag-uuntugan. Maging palahaw ng mga kababaihan at batang nag-iiyakan. Kasunod ng nakakabinging paghugong muli ng tambuli, isang liwanag ang sumalabong sa kanya. Hindi maipaliwanag ni Rocco ang kakaibang pakiramdam nang mga sandaling iyon. Ramdam niya ang tila pagkabugbog at parang pagkakapira-piraso ng katawan. Parang hinihigop siya patungo sa ibang mundo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD