XXVIII

1557 Words

SINUBUKAN NI ROCCO ang makakaya upang hindi siya mapansin ng mamamayan ng Merezco. Naglakad-lakad pa siya sa buong bayan nang sa gayon ay malaman niya ang naging pamumuhay ng mga naroon. Nakatakip ng balabal ang mukha niya. Iniiwasan niya ang aberya. Mas maganda ng hindi siya mapansin ng mga kalaban. “Nawawala ang anak ni Moir!” nahintakutang saad ng isang mamamayan. “Kailan ba matatapos ang bangungot natin sa Belbi?” “Sumpain ang pangalang iyon!” saad naman ng isang matanda matapos nitong dumura sa lupa at tapakan iyon. “Nabalot na ng takot ang atin bayan! Pati karatig bayan, hindi niya pinatawad. Walang saysay kung lumipat tayo!” “Dapat ng malaman ng hari ang problema natin dito!” saad ng isang ale na nagtitinda ng mga tela. “Kailangang maaksyunan na ito sa lalong madaling panahon!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD