Year 2006 (29 years ago)
Nasa garden ako habang hinihintay ko ang kaibigan at ang barkada ng boyfriend ko.
"Si Vhenno 'yun ah, sino ang kasama niyang babae?" aniko at tumayo na ako sa damuhan bago naglakad palapit sa fountain.
Sa fountain
"Kailan mo ba ako sasagutin?" tanong niya sa babae nang titigan ko ito sa mata.
"Nagmamadali ka? Gusto ko umabot ng isang buwan ang pagligaw mo sa akin," sambit ng babae.
May nililigawang babae si Vhenno? May kami pa!
"Hindi ako nagmamadali na sagutin mo ako maghihintay ako hanggang sagutin mo ako," aniya sa babae.
"Saka gusto pa kita makilala isang taon pa lang na nag-aaral ako dito sa school nyo at transferee lang kami ng mga kaibigan ko dito sa Pilipinas." sambit ng babae.
"May itatanong ako kaibigan mo lang ba ang dalawang lalaki kasama nyo ni Kecha?" tanong niya tinititigan maigi ang babae.
"Oo, bakit?" anito sa kanya.
"Ayoko na may kaagaw ako sa'yo dahil, mahal na kita mula nang maging mag-kaklase tayo at una kitang makita pinabilis mo ang t***k nitong puso ko nung araw na pumasok ka sa classroom namin," aniya.
Paano naman ako, Vhenno? Paano ang relasyon natin?
Narinig ko ang lahat at umalis ako na umiiyak sa tabi ng halamanan malapit sa fountain hindi ko na hinintay ang dalawang kaibigan ko at nakabangga pa ako ng tao habang tumatakbo.
Siya ba ang dahilan kaya palagi kang wala at hindi mo na ako pinupuntahan kapag bago mag-breaktime at hindi mo na ako sinusundo pagkatapos ng klase?
Bumalik ako sa classroom at napayuko sa upuan na may mesa. Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang umiiyak nabigla na lang ako na may kumalabit sa akin at nagising ako.
"Miss Weyza, wake up and it's not your room it is a classroom and you should not sleep in the class," bungad ng professor.
"Sorry, I didn't notice I fell asleep." aniko sa professor.
"You didn't know? Are you making an excuse now? Get out in my class now, you're not even listening." sambit ng professor tinuro ang pintuan ng classroom namin.
"I'm sorry, ma'am." nasambit ko nang tatayo na ako bigla may kumalabit sa likod ko.
"Anong nangyari sa'yo at hindi na kita naabutan sa damuhan malapit sa may fountain?" tanong ng kaibigan ko sa akin.
"Nainip ako sa paghihintay sa inyong dalawa sa fountain kaya nagpunta ako sa library bago bumalik dito sa classroom natin." pagsisinungaling sambit ko bago ako tuluyan lumabas ng classroom at sumandal na lang ako sa tabi ng pader na katapat nito.
Pagkatapos ng klase pumasok na ulit ako sa loob ng umalis na ang professor. Naupo na ulit ako sa upuan tinabihan ako ng kaibigan ko na nakasimangot.
"Bakit ka kasi natulog sa klase niya, alam mo naman na strict ang matandang professor nating 'yon," aniya sa akin inayos ko ang pagkaka-upo ko sa upuan.
"Hindi ko namalayan na nakatulog ako," aniko sa kanya.
"Vhenno is looking for you, I said I don't know where you were going, Thea and I saw you there," aniya.
"Bakit daw niya ako hahanapin? Alam niya na magkikita tayo nagsabi ako sa kanya." aniko naalala ko ang nakitang eksena malapit sa may fountain.
"I told him that if you remove your brace, and eye glasses you're not ugly but a beautiful woman because, you're skin is white and beautiful in the shape of your eyes and lips." aniya sa akin at tinititigan niya ako nailang ako sa ginawa niya.
"Totoo ba? Ang panget ko nga kaya nagtataka ako bakit niya ako nagustuhan at niligawan na isa siyang crush ng bayan dito sa school." aniko sa kanya malaki ang suot kong salamin at may pimples ang mukha ko maikli ang buhok ko.
"Kilala mo si Vhenno playboy pero nung niligawan ka niya hindi na siya lumalapit sa ibang babae maliban sa mga babaeng haliparot hahaha..." aniya at natawa na lang.
"Baka pinag-lalaruan niya lang ang damdamin ko dahil alam niyang matagal ko na siyang gusto kaya niligawan niya ako, Heira ako naman si tanga bumigay kahit alam kong 'yon ang gusto niya gawin at kunin ang virginity ko," sambit ko sa kanya.
"'Yon ang hindi ko alam, Thea pero sa palagay ko hindi rin kasi nabanggit sa akin ng kaibigan niya na manliligaw ko na ikaw lang ang babaeng pinakilala niya sa mama niya marami daw itong babae na hindi nito pinapakilala kaya sa tingin ko mahal ka niya." aniya sa akin.
"May naririnig ako na may transferee daw na pumasok sa classroom nila Vhenno, totoo ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala ka ba alam!? Oo, may transferee sila taga-China daw 'yong isa sa ibang room napunta apat ang transferee natin dito sa BSU." sambit niya sa akin wala akong naririnig na may bagong transferee ang school namin.
"Wala akong alam dahil sa pag-aaral at kay Vhenno lang ako nakatutok pero hindi sa mga balita dito sa school natin maliban na lang kung tungkol sa event ng school natin," aniko.
"Haha! Oo nga naman, maganda nga ang dalawang babae at may itsura ang dalawang lalaki sila ang tranferee ng school natin." sambit niya sa akin at tumawa na lang siya.
"Maganda!? Mas maganda sa bitchy natin sa school?" na-itanong ko nakinig sa sasabihin niya sa akin tungkol sa mga transferee ng school.
"Oo, mas maganda pa 'yong isang girl sa bitchy natin sa school." aniya.
"Sino?" tanong ko.
"Ang isang babae na lamang ang ka-gandahan nito sa bitchy natin si Jia Li ang pangalan maganda rin ang kaibigan niya pero mas maganda siya," aniya.
Natahimik ako sa nalaman ko mula sa kanya. Naalala ko ang binanggit na pangalan ng boyfriend ko na, 'Jia'.
Dumating ang professor namin at nakinig na kami sa pagtuturo ng professor namin.
"Class dissmissed." sambit ng professor nang marinig namin ang bell ng school.
"Gusto mo ba puntahan natin si Vhenno sa classroom nila?" tanong niya nang ibalik sa loob ng bag ang notebook at ballpen na ginamit niya.
"Sige," aniko nang matapos ko ang pagbalik ng notebook at ballpen sa bag ko.
Binitbit naming dalawa ang bag bago lumabas sa classroom naglakad kami papunta sa kabilang building. Nakatayo kami sa kabilang side tanaw namin ang loob ng classroom nila.
Hindi ka naman nakikinig sa guro nyo sa babaeng katabi lang siya nakatingin hindi nahahalata kung hindi titigan.
"Siya 'yong transferee nila oh! Jia ang name ng katabi ng boyfriend mo habang 'yon si Chie na isa sa lalaki at 'yung isang babae si Kecha," aniya at may tinuro sa loob ng classroom.
"Jia?" aniko at tinignan ang katabing babae ng boyfriend ko.
"Oo." aniya sa akin.
Nang tumunog ang bell ng buong school lumabas na ang mga estudyante at nakatingin lang ako sa boyfriend ko sa nangangalang Jia na sinabi ng kaibigan ko.
"Vhenno!" tawag niya nang kumaway pa ito sa boyfriend ko.
Napatingin sa amin ang boyfriend ko nagulat at nakatingin ako sa katabi niya na nakatingin din sa akin umiwas na lang ako ng tingin at tumingin ako sa boyfriend ko na palapit sa aming dalawa.
"Ang ganda ng babaeng katabi mo, Vhenno." puna ng kaibigan ko nakikinig lang ako sa tabi.
"Siya ang isa transferee mula sa China mabuti nga hindi ako na-nosebleed kasi marunong pala sila magsalita ng tagalog," nasambit niya at hinalikan ako sa pisngi.
"Talaga? Hindi halata sa itsura nila." sambit ng kaibigan ko.
"May masakit ba sa'yo, ma?" tanong niya sa akin umiwas ako ng tingin.
"Wala, sino siy—a?" tanong ko at umiwas ako ng tingin at tinignan ko ang babae.
"Si Jia Li 'yong kasama niyang lalaki si Kenchie Swellden, at ang isang babae si Kecha Woon mga bagong transfer mula sa China." aniya sa akin.
"Chinita pala," bulong ko.
"Saan ka pupunta nang tawagin kita?" tanong ng kaibigan ko sa kanya.
"Uuwi na!" aniya nang akbayan niya ako.
"Nakalimutan mo si Thea na girlfriend mo," sambit ng kaibigan ko napatingin siya sa akin.
"Sorry, may gagawin pa kasi ako kaya hindi kita naisip, ma." aniya lumakad na kami palayo sa classroom kumaway pa ito sa tinutukoy na bagong tranferee ng school namin.
"Okay lang, pa tara? Kung nagmamadali kang umuwi sasabay na lang ako kay Heira." aniko nang tuluyan na kami nakalabas ng school at dumeretso kami sa parking lot kung nasaan nakaparada ang sasakyan niya.
"May date ako, Thea bukas ka na lang sumabay sa akin." sabat ng kaibigan ko na lumakad palayo sa amin.
"Tara!" aya niya sa akin.
Hinatid niya ako sa bahay namin hahalikan ko na siya sa pisngi nang umiwas ito bigla at nagtaka ako.
"Magkita na lang tayo sa school bukas," aniya nang inalis nito ang seatbelt ko at inangat ang salamin ng bintana.
"Mahal mo pa ba ako?" tanong ko nang tinititigan niya ako sa mata.
"Oo naman, ma mahal kita kilala mo akong playboy pero ikaw lang ang babaeng pinakilala ko kay mommy," aniya sa akin tinititigan ko na lang siya sa mata.
Bumaba na ako sa sasakyan niya bago ako pumasok sa loob narinig ko na mabilis na umalis ito. Noon nagtatagal pa siya sa bahay ngayon hindi na mabilis itong umaalis.
Dahil ba sa kanya at nagbago ang pakikitungo mo sa akin.