20 years later (2035)
Naka-tanggap nang text mula sa girlfriend ang anak ko at binasa niya ito. Sinilip ko ang text tulad ng isang ina may pagka-chismosa ako. Haha!
Text message
Babe (Jinchi): Babe.
Louie: I miss you, babe.
Babe (Jinchi): Gising ka pa?
Louie: Oo, uy .. dalawin ko kayo dyan.
Babe (Jinchi): Eh? Busy ka dyan sa trabaho mo.
Louie: Hindi na, babe.
Babe (Jinchi): May sasabihin ako sayo, babe.
Louie: Ano 'yun, babe?
Babe (Jinchi): May hindi pa ako sinasabi sayo kahit may relasyon na tayong dalawa.
Louie: Ano naman ang hindi mo pa sinasabi sa akin.
Babe (Jinchi): Na hindi pagmamahal ang naramdaman mo sa akin kundi awa dahil walang ama nakikilala ang dalawang anak ko pero, pinatunayan mong minahal mo ako at ang puso ko lalong kang minahal ng lubusan.
Louie: Ah..bakit naman, babe?
Babe (Jinchi): Kasi may anak na ako nung panahon na umamin ka ng nararamdaman sa akin akala ko awa pero nung tumagal hindi ka talaga naawa sa akin minahal mo ang isang tulad ko kahit may anak na.
Louie: Noon pa naman minahal na kita may anak ka man o wala, babe 'yun lang ba ang sasabihin mo sa akin ang dalawang bata? Kamusta na sila?
Babe (Jinchi): Nahiya pa ako nun kina tita Thea at tito Vhenno dahil ang unico hijo nila nagmahal ng babaeng may anak na.
Louie: Alam mong mahal na mahal kita at lalo ang dalawang bata kahit hindi nila ako tunay na ama tinuring ko silang anak, tanggap ka nina mama at daddy.
Babe (Jinchi): I love you.
Louie: I love you too,babe tanggap kita at tanggap ka ng magulang ko alam mo 'yan.
Babe (Jinchi): Mahal kita.
Louie: Mas mahal kita at tandaan mo palagi na kahit anong pagsubok at mangyari hindi kita iiwanan.
Babe (Jinchi): Alam ko, babe kahit may anak na ako tinanggap mo ako na pumasok sa buhay mo.
Louie: Kahit may nakaraan ang magulang natin noon kabataan nila hindi iba ang tingin nila sayo.
Babe (Jinchi): Hmm...
Louie: Bakit mo ito sinasabi sa akin? Babe may hindi ba magandang nangyari dyan?
Babe (Jinchi): Nothing,babe kasi natatakot ako kapag malaman nya ang tungkol sa dalawang anak ko kunin nya ito sa akin at pati ikaw mawala sa akin.
Louie: Hindi nya makukuha sa atin ang dalawang bata maliban kung ang korte na ang mangingialam sa atin.
Babe (Jinchi): Antok na ako, bye goodnight.
Louie: Goodnight, babe.
Napabuntong-hininga na lang ang anak ko nang matapos ang pag-uusap nila ng girlfriend sa text message.
"Mr. Hernan, bumubuti na ang kalagayan mo," bungad ni doctor Arthur mula sa labas ng kwarto.
"Ikaw kasi nagmaneho ka ng lasing." sita ko anak ko na nakahiga sa hospital bed.
"Eh, mama naman..." angal niya nang hampasin ko siya ng bag sa tyan.
"Hindi mo pa sinabi sa kanya na sa hospital ka," aniko nang sabihin nito na ka-text niya ang girlfriend.
"Ayokong mag-alala siya, ma nasa ibang bansa siya." sambit niya sa akin napa-iling na lang siya.
"Natural 'yon sa kanya girlfriend mo siya apat na taon nandun siya at alam kong iniisip ka niya kahit nasa malayo siya," sambit ko sinamaan ko na lang siya ng tingin.
"Magpahinga ka muna dito hanggang bukas masyado mong pinagod ang buong katawan mo sa trabaho uminom ka pa ng alak." sita ng asawa ko sa anak niya.
"Salamat, doc." sambit ko sa doctor bago lumabas ulit ng kwarto.
"Babalikan ko siya ulit mamaya," sambit ni doctor Arthur nakasalubong niya pa ang asawa ko.
"Ang kulit mo kasi dapat nag-stay ka sa kaibigan mo nang mag-party kayo." bungad ng asawa ko at sinamaan niya ng tingin bago naupo sa couch.
"May gagawin silang kalokohan, daddy ayokong madamay sa gagawin nila at daig pa nila ang mga batang paslit." sumbong sambit ng anak namin matino ang mga kaibigan nito pero kapag kalokohan na ang nasa isip daig nila ang mga batang paslit.
"Babalik na pala si Kj sa Pilipinas? At sa network niya itutuloy ang career niya," sambit ko sa asawa ko.
"Oo, magiging director siya ng mga ipapalabas na pelikula habang may bakasyon ang lima nating director," sambit niya at nilapitan ang anak saka kinurot sa braso
.
"Aww!! Daddy, ang sakit!" sambit ng anak namin napangiwi na lang siya sa ginawa ng daddy niya.
"Grounded ka ng isang linggo no gadgets hindi kasama ang cellphone mo." pag-didisiplinang sambit ng asawa ko pagkatapos niya ito bitawan.
"Pa naman, paano ang schedule ko at ang taping pati ang shooting sa nalalapit na movie ko? Nasa tablet ko ang listahan nun," angal ng anak namin naisip ko rin ang schedule niya na nakasulat sa Ipad niya.
"Cancelled!" sambit ng asawa ko.
"No way, dad!" angal ng anak namin at sumimangot na lang.
"Hindi gagaling ang braso mo kaya magpahinga ka na lang dyan mabuti 'yan lang ang kinansela ko sa schedule mo," sambit ng asawa ko.
"Ahhh, fine!" sambit niya na hinila ko palabas ang asawa ko.
"Doc, artista pala 'yon parang hindi naman." nurse 1.
"Oo nga, gwapo nga suplado naman." nurse 3.
"Haha..." natawang sambit ng doctor Arthur hindi nila namalayan na dumaan kami sa likod nila nagkibit-balikat na lang.
"Iba ang mukha sa TV at personal akala ko mabait, ang yabang." nurse 2.
"Hey, tumahimik nga kayo baka marinig kayo dyan pumunta na kayo sa pwesto nyo." nasambit ni doctor Arthur sa tatlong nurse na kausap.
"Opo, doc." sabay na wika ng tatlong nurse.
"Sikat ang anak mo noh!" bulong ko sa kanya.
Nang marinig namin ang pag-uusap sa nurse station na nadaan naming dalawa.
"Kanino pa ba siya nagmamana sa ama niya," sambit niya sa akin.
"Wala ka na ka-business?" tanong ko pagkatapos ko siya irapan.
"Wala, ma nag-cancelled na ako ng appoinment sa kumpanya at mag-reretired na rin naman ako sabi ko nga sa anak mo, siya na gumawa ng mga gawain ko sa trabaho." sambit niya sa akin.
"Ano ang sabi niya sa'yo?" tanong ko nang makalabas na kami sa hospital.
"Sa tingin ko hindi pa siya handa pumalit sa pwesto ko," sambit niya sa akin
.
"Magiging handa rin siya," aniko.
"Sana!" aniya sa akin.
"Ang kulang na lang sa buhay niya ang magkaroon siya ng sariling pamilya nung ganitong edad natin pag-aaral ang inaatupag maliban sa'yo babaero ka noon ang mga kabataan ngayon ibang-iba na sa kabataan natin noon," naalala ko ang nakaraan naming dalawa.
Umuwi na kami sa bahay namin malapit sa plaza. Kung saan nagsimula ang pagmamahal at magka-hiwalay naming dalawa bago muling magka-balikan.
A few weeks later
"Alam mo ba naalala ko nung college pa tayo," aniko sa asawa ko.
"Iniisip mo siguro ang nakaraan," aniya sa akin tumango lang ako.
"Medyo, pa pati si Jia naalala ko siya sobrang bait nila sa atin kahit may hindi magandang nangyari sa atin noon, at nauna pa sila namatay sa ating dalawa." aniko kung sino pa mabuting tao sila pa ang namamatay kaagad.
"Oo nga, ma naawa nga ako sa tatlong anak nila nung namatay ang mag-asawa pero matapang sila nakaya ng anak nila ang nangyaring trahedya sa pamilya nila maliban sa bunso na si Kech nagbago ang ugali niya." sambit niya sa akin.
"Bunso eh, pa saka naalala ko kung paano kita nakilala noong high school pa tayo noon nerd pa ang dating ko nun," aniko.
"Playboy pa ako nung panahon na 'yon matagal na naalala mo pa pala," aniya.
"Hahaha! Syempre, pa unang boyfriend kita at unang brokenhearted ko nun sayo ngayon loyal ka na sa akin," aniko hinalikan ko siya sa labi.
"Para sa akin alaala na lang na dapat itago at ang kasalukuyan na lang isipin natin masaya na tayo ngayon," aniya tumango ako sa sinabi niya sa akin.
"Mabuti naman," aniko sa kanya.
"Syempre, ma kuntento na ako kung ano ang meron ako ngayon nandyan na kayo ni Louie sa buhay ko." aniya sa akin yumakap ako sa kanya ng mahigpit.
"At nandito ka sa puso namin hindi ka na mag-iisa kahit kailan," aniko.
Natulog na kaming dalawa magka-harap at magkahawak ang aming kamay.