Habang nasa library ako at naghahanap ng libro sa loob nakita ko magkasama ang boyfriend ko at si Jia kaagad ako nagtago sa may historian bookself.
"Hai you shei he ta zai yiqi? Xin wanju?" tanong ng kaibigan ni Jia sa kausap niyang lalaki nakasunod lang sila sa dalawa.
(Who else is with her? New toy?)
"Wo shen zhi buneng shuo ta zai zuo shenme, yinwei ta hai meiyou dui wo shuo shenme," sambit ng lalaki sa kaibigan niya.
(I can not even say that's what she's doing, because she does not say anything to me yet,)
"Ano ang pinag-uusapan nila!? Sila 'yong kaibigan nung Jia ah!" aniko sa sarili nang matanaw ko sila.
Napatingin ako sa boyfriend ko at kasama nito na si Jia. Nasasaktan ako habang minamasdan ko silang dalawa kaagad ako tumayo sa pagkakatago.
Masayang nagtatawan ang dalawa at malungkot naman ako sa nakikita ko sa loob ng library. Lumakad ako palabas ng library iniwan ko sa counter ang dapat kukunin kong libro.
Nakabangga pa ako ng tao nang inangat ko ang ulo nakita ko ang lalaking kausap ng nangangalang Kecha na kaibigan ni Jia.
"I'm sorry!" aniko kaagad sa lalaki kaagad ako tumayo ng sumalampak ako sa sahig.
"Sa susunod tumingin ka sa daan, ingat ka sa paglalakad mo." sambit ng lalaki at tinulungan niya ako tumayo sa sahig.
"Sa-lamat!" utal kong sambit umayos na ako sa pagkakatayo.
Napatingin sa amin ang mga estudyante kasama na sina Vhenno at Jia. Umiwas ako nang tingin sa boyfriend ko at umalis ako sa library.
"Walang anuman," sambit ng lalaki hindi ko na lang ito pinansin.
Hindi na lang ako lumingon at naglakad na ako palayo sa library. Dumeretso na lang ako sa classroom namin at nagulat ang kaibigan ko padabog akong umupo sa tabi niya.
"Ang bilis mo naman bumalik," aniya sa akin tumitig siya sa akin.
"Hindi ko makita ang hinahanap ko sa library baka sa laptop ko na lang hahanapin," aniko sa kanya at umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
Nang marinig namin ang tunog ng bell pumasok na sa loob nang classroom ang professor namin. Nakinig kami sa professor namin hanggang sa matapos sa huling subject.
Kinabukasan, iniwasan ko siya hindi ako naghintay sa pagsundo niya sa akin sa bahay namin. Nagtaka pa ang kaibigan ko nang makita niya ako papasok ng school namin.
Pero, alam ko may gusto siyang itanong sa akin ayaw niya lang magtanong.
"'Yong boyfriend mo nasa labas ng classroom," bulong ng kaibigan ko sa sa akin nang matanaw namin si Vhenno na nakatayo sa tapat ng classroom namin.
"Huh?" takang sambit ko at napatingin ako sa bintana kung saan tinuro niya si Vhenno.
Nakita namin si Vhenno na naghihintay sa labas ng classroom namin. Napa-buntung-hininga na lang ako bago binalik sa loob nang bag ang pinaggamitan.
I know why he's here, if he wants me to break up, palalayain ko siya even if it's hurts for me, I just find that he's happy with other woman unlike us. Bago ko binalik ang tingin sa professor namin na nagsasalita sa harapan namin.
Lumabas na kami ng kaibigan ko sa classroom nakita pa rin namin si Vhenno nang lumabas kami.
"Can we talk?" bungad niya sa akin nang lumapit ito.
"Aalis muna ako may pupuntahan pa ako." sabat ng kaibigan ko sa amin.
Biglang bunilis ang t***k ng puso ko kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Wag mo ako iwan samahan mo ako, please." aniko sa kanya.
"Okay," wika ni Heira nang makita niya ang lungkot sa mukha ko.
Pumunta kaming tatlo sa lumang classroom ng school namin na walang dumadaan na mga estudyante. Naging restricted area na ang mga lumang classroom dahil ipapa-renovate na ito.
"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ko at naupo sa lumang upuan na malapit nang masira.
"Tungkol sa ating dalawa," garalgal niyang sambit sa akin.
"Anong tungkol sa atin?" aniko nagpipigil akong umiyak sa harap niya kahit halata ang luhang gustong lumabas sa mata ko.
"S-orry, Thea-" utal niyang sambit susubukan niyang hawakan ang kamay ko.
"B-akit ka humihingi ng sorry? Bukas na ang monthsary natin lumabas sana tayong dalawa, pa-" aniko at tumitig ako sa mga niya parang dinudurog ang puso ko.
"Totoong minahal kita, ma kahit iba ka sa mga naging ex ko kaso-may iba na akong mahal ngayon at siya si Jia." amin niya nilapit niya ang mukha na lumuluha na rin dahil sa sinabi ko sa kanya.
"No-hindi totoo ang sinasabi mo nga-ayon, bakit anong pag-kukulang ko sa re-lasyon natin? Babaguhin ko anuman 'yon bas-ta wag mo-lang ako iwan-, pa-" iyak kong sambit hindi ko na mapigilan ang sariling umiyak sa harap niya.
"Wala kang pagkukulang sa relasyon natin-ako mismo ang sarili ko-hindi na ako makuntento, ma feeling ko may hinahanap pa ako na hindi ko alam kung ano at kaya gusto kong makipag-break sa'yo dahil, mas lalo kang masaktan kapag nakikita mong iba na ang kasama ko minsan kitang minahal-Thea gusto ko kung magmamahal ka muli hindi isang katulad ko naiintindihan mo ba ako wag dahil ayokong nakikita kitang lumuluha sa iba maliban sa akin," aniya at pinunasan niya ang pisngi na puro luha na dahil sa pag-iyak.
"Masaya ka ba sa kanya?" garalgal kong tanong yumuko ako pagkatapos.
"Oo, masaya ako kapag kasama ko siya," amin niya sa akin.
"Nung may TAYO pa, Vhenno naging masaya ka ba na kasama mo ako o pilit lang ang ginagawa mo tuwing kasama mo ako?" tanong ko ngumiti siya sa akin.
"Tinatanong pa ba 'yan? Masaya ako syempre pero ngayon iba na eh may gusto ako patunayan sa sarili ko na hindi ko makita kapag nandyan ka, at nung unang makita ko si Jia sa classroom nun nakita ko ang future ko sa kanya," amin niya sa akin.
"I don't care about what I'm doing because I love you so much, Vhenno chose the woman you just met, than I've known for a long time you say I have no fault in our relationship but why do you leave me-for that girl?" aniko at tumayo sa inupuan hinawakan ko ang pisngi niya saka hinalikan ko siya sa labi sa huling pagkakataon na magkasama kaming dalawa.
Unang halik...siya sa akin, ako sa kanya.
"Th-" tawag niya sa akin ng humiwalay na ako sa kanya.
"Sabi ko noon sa'yo, pa ibibigay ko sa'yo ang first kiss ko sa kasal natin pero ngayon binigay ko na dahil hindi na mangyayari 'yon dahil maghihiwalay na tayong dalawa pero tandaan mo na ikaw lang ang lalaking mamahalin ko kung makakahanap ako ng iba sana higit pa siya sa'yo, at hindi na niya ako iiwanan." seryosong sambit ko at lumayo kaagad hinila ko ang kaibigan ko na nakikinig sa amin.
"Ang sakit-sakit!" bulong ko ng yakapin niya ako pagka-alis namin.
"Dobleng sakit ang naramdaman mo pero makaka-move on ka din, Thea bata pa tayo saka matalino ka kaya mong mag-accelerate at patunayan mo sa kanya na magsisi sya na hindi ka nya pimili," aniya hinimas niya ang likod ko.
"Ano ba ang kulang ko sa relasyon naming dalawa? At naghanap pa siya ng iba pakiramdam ko tuloy pinag-laruan niya ang damdamin ko," aniko bigla naglakad kami palayo sa mga schoolmates namin.
"Sabi nga niya, minahal ka niya ang mali niya mas pinili niya ang babaeng ngayon niya lang nakilala kaysa sa'yo matagal na," aniya sa akin umupo kami sa damuhan malapit sa garden.
"Kaya ko ba?" aniko bigla nang tumunog bell bumalik na kaming dalawa sa loob ng classroom namin.
"Kaya mo 'yan, Thea nandito lang ako sa likod mo," aniya alam ko naman hindi niya pinapakita ang totoong siya sa akin.
Nakinig na lang kami sa professor namin. Makalipas ang ilang oras, tumunog muli ang bell at kaagad na kami lumabas ng classroom. Nakita pa namin si Vhenno at Jia na magkasama kasabay pa ang dalawang kaibigan nito.
"Kailangan mo magbago," ngising sambit niya sa akin kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya sa akin.
"Ayoko." aniko.
"Kailangan mo nang pagbabago sa itsura, maganda ka at para ma-ipakita mo sa kanya na sinayang niya ang babaeng iniwan niya, hindi mo babaguhin ang ugali mo kung ano ka wag mo babaguhin." sambit niya sa akin.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya sinundo ako ng papa ko sa harap ng school namin. Hindi kami mayaman katulad ng iba may kaya lang kami. Kumaway na lang ako sa kaibigan ko bago ako sumakay sa kotse namin.
"Bakit may luha ka sa mata? Umiyak ka ba?" tanong ng papa ko sa akin.
"Wala na kami, papa nag-hiwalay na kami ni Vhenno," amin ko sa papa ko legal naman kami sa magulang ko.
"Sinasabi ko na nga ba sasaktan ka lang niya dapat hindi na ako pumayag na makipag-relasyon ka sa kanya mula ngayon wag na wag mo na siya lalapitan!" aniya sa akin sa tono ng boses niya alam kong galit siya.
"Ako ang nakipag-hiwalay sa kanya, papa dahil nakikita kong nasasakal na siya sa relasyon naming dalawa," kaila ko sa papa ko.
"Wag mo na siya ipagtanggol lalaki rin ako, anak alam ko ang karakas ng kapwa ko." wika ni papa sa akin hindi ako nakasagot.
"Totoo, papa." kaila ko.
Umuwi na kami sa bahay tahimik na nakatingin ang magulang ko sa akin. Sinabi ng papa ko sa mama ko ang tungkol sa pag-hihiwalay namin ni Vhenno hinayaan nila ako dumeretso sa kwarto ko.
"Susugurin ko ang lalaking 'yon sa pagpapa-iyak niya sa anak natin!" rinig ko pang wika ng papa ko sa mama ko.
Tumulo ulit ang luha sa mata ko habang papasok sa kwarto naalala ko ang sinabi ni mama kay papa.
"Kung gagawin mo 'yan masasaktan mo ang anak natin mahal niya si Vhenno saka kilala natin siya hindi niya sasaktan ang anak natin na walang dahilan," wika ni mama kay papa.
Nagpalit muna ako ng damit at niligpit ko ang dalang bag bago ako humiga sa kama para umiyak nang padapa.