Thea POV
Natutulog ako nang mapanaginipan ko ang nangyari sa namatay kong dalawang kaibigan.
4 years ago (2031)
Nag-aasikaso ng mga pinipirmahan ko sa office nang bumungad ang secretary ko.
"Anong kailangan mo?" nakakunot noong tanong ko sa secretary ko.
"Ma'am, ang pamilyang Swellden may nangyari sa kanila," aniya bigla sa akin napatitig naman ako sa kanya.
"Anong nangyari?" tanong ko napatingin ako sa secretary ko.
Kinuha ng secretary ko ang remote control ng TV at pinindot ito bumulaga sa aming dalawa ang balita. Nagsasalita ang isang news anchor nakinig na lang kami dito.
"Ang nababagang balita ang mag-asawang businessman at businesswoman na si Kenchie at Jia Swellden kasama ang tatlong anak at isang bata, na-aksidente sa highway." sambit ng news achor bago mag-commercial.
Kaagad na nag-text ako sa asawa ko nasa conference room at nakikipag-usap sa aming kasosyo sa negosyo.
Text message
Thea: Pa, naaksidente cna Jia at Chie sa highway.
Pa ❤️ (Vhenno): Huh? Nabalita na ba? Totoo ba ang balita.
Thea: Oo, ngayon lang kasama ang tatlong anak nila at isang bata daw.
Pa ❤️ (Vhenno): Hindi ba, grads ng dalawang anak nya 'yung sina Ash at Jinchi.
Thea: Oo, pa ngayon hindi ba iniimbita pa nila tayo sa celebration nila tumanggi tayo dahil busy dito sa kumpanya.
Pa ❤️ (Vhenno): Oo, mamaya pagkatapos nito puntahan kita dyan sa office.
Thea: Sige.
Vhenno POV
Matapos ko kausapin ang ibang kasosyo sa negosyo hinayaan ko muna mag-usap ang mga ito. Nakaramdam ako nang pag-vibrate sa bulsa at kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung sino ang nag-text sa akin.
Asawa ko?
Kaagad ko binuksan ang inbox ng text message sa cellphone ko.
Text message
Ma (Thea): Pa, naaksidente cna Jia at Chie sa highway.
Vhenno: Huh? Nabalita na ba? Totoo ba ang balita.
Ma (Thea): Oo, ngayon lang kasama ang tatlong anak nila at isang bata daw.
Vhenno: Hindi ba, grads ng dalawang anak nya 'yung sina Ash at Jinchi.
Ma (Thea): Oo, pa ngayon hindi ba iniimbita pa nila tayo sa celebration nila tumanggi tayo dahil busy dito sa kumpanya.
Vhenno: Oo, mamaya pagkatapos nito puntahan kita dyan sa office.
Ma (Thea): Sige.
Napakunot ang noo ko at pinatigil ko ang meeting namin.
"Pasensya na sa abala pero may isa sa kasosyo natin ang naaksidente," panimulang aniko sa mga kasosyo ko negosyo.
"Sino?" tanong ng isang kasosyo ko.
Binuksan ko ang katapat na led TV na nakadikit sa pader ng conference room. Bumulaga sa amin ang aksidente na kuha ng CCTV camera.
"Ang nababagang balita ang mag-asawang businessman at businesswoman na si Kenchie at Jia Swellden kasama ang tatlong anak at isanng bata, naaksidente sa highway." pagbabalita ng news anchor.
"Patay na si Mrs. Jia Swellden," bungad ng asawa ko na may luha sa mga mata niya nang pumasok sa loob ng conference room.
"Ano, si Kenchie?" tanong ng kasosyo namin napatingin sa asawa ko.
"Wala pa rin malay," aniya sa mga kasosyo namin.
"Kawawa ang maiiwan nilang anak maaga sila mauulila," sabat ng kasosyo namin.
Thea POV
Makalipas ng ilang araw pumunta ako sa burol kasama ang unico hijo ko na si Louie.
"Mom, dito na lang ako." sambit niya sa akin napatingin na lang ako sa kanya.
"Sigurado ka? Baka makilala ka ng mga tao na kanilang bisita." aniko sa anak ko.
"Dun ako maghihintay, mom." aniya tinuro ang upuang bakal.
Tumango na lang siya sa akin bago niya ako iwanan pumasok ako sa loob ng bahay nila.
"Jinchi, condolence sa inyo." malungkot nasambit ko sa anak ng kaibigan ko.
"Tita!" tawag ni Jinchi yumakap bigla siya sa akin at tumugon na lang ako ng yakap.
"Nasa business trip ang tito Vhenno mo at ang anak ko nasa labas siya hindi mo ba nakita?" aniko pagkatapos lumayo niya sa akin.
"No, tita thanks po." sambit niya ngumiti ng tabingi at tumabi sa kanya si Axelle at si Kecha pumunta kami sa pool area.
"Sumaglit lang kami dito," aniko muling yumakap ako sa kanya.
"Mom?" tawag ng bunsong anak ni Jia.
"Aalis na kami at susubukan namin pumunta dito sa huling burol ng mommy mo, at sana magising na rin ang daddy mo," sambit ko at bumeso ako kina Jinchi at Axelle pati sa kaibigan ko na si Kecha bago naglakad kasama ang anak ko palabas ng bahay.
Makalipas nang ilang araw nalaman namin ng asawa ko na sumunod na rin ang kaibigan namin na si Chie sa asawa nito.
"Pumunta na tayo?" sambit niya pagkatapos namin malaman na wala na ang dalawang kaibigan.
"Hindi na ako sasama, mom and dad may guesting pa ako sa isang reality show." sabat ni Louue sa amin.
Umalis na kami sa kumpanya at pumunta sa bahay ng kaibigan namin. Naabutan namin ng asawa ko na umiiyak ang mga anak ng kaibigan namin.
"Condolence po, tita Jeah at tito Jeo tita Cheya." bungad namin sa magulang ng kaibigan namin.
Inalo ko ang kapatid ng kaibigan namin na si Chielle na umiiyak.
"Si Ken?" tanong ng asawa ko sa kapatid ng kaibigan namin.
"Dederetso siya sa China kung saan ililibing ang mag-asawa," sambit ni Chielle na kapatid ni Chie.
"Kailan sila ililibing?" tanong ko.
"Sasabihan namin kayo." sabat ng mommy ng kaibigan namin.
"Ma, papasok na tayo sa kumpanya." pag-tawag ng asawa ko sa akin.
"Hmmm.." ungol ko at nagmulat ako ng dalawang mata.
"Bakit namumula ang mata mo? May sakit ka ba?" tanong niya sa akin nang pagmasdan niya ako.
"Wala, pa napanaginipan ko ang kaibigan natin nung namatay sila." amin ko kaagad sa kanya.
Pinunasan niya ang luha na tumulo sa pisngi ko.
"Kung nasaan man sila ngayon masaya na sila," sambit niya at ngumiti na lang.
"Mauna ka na sa pumasok sa kumpanya susunod na lang ako, si Louie?" tanong ko sa kanya.
"Nauna na sa atin hectic schedule niya." sambit niya sa akin.
Tumango na lang ako iniwan niya ako.