CHAPTER 4
Hindi na ako magkandaugaga sa pagpapasok ng mga notes at ibang gamit ko sa bag.
Malas! Late na naman ako nito dahil 6:40AM ba naman ako nagising at 8AM pa talaga ang first period ko.
"Apurado ata?"
Sa sobrang abala ko sa king ginagawa ay hindi ko na napansin na pumasok na pala si Tracey sa kwarto ko.
"Late na 'ko." Isinabit ko na ang bag ko sa aking balikat at dinampot ang career book na proyekto ko sa Communication Skills subject ko dahil ngayon na ang deadline nito.
"Nakita kita kagabe, Hyleigh. Sino yong naghatid sayo? Hindi naman si Ryle yon!" Usisa nito.
Linagpasan ko na ito dahil nagmamadali na talaga ako. "It was nothing. Alis na ko, Trace. See you sa school." Ani ko at pumanhik na.
"Free day ko ngayon, gaga." Rinig kong pahabol nito.
Ay! Oo nga pala. Wala syang class buong araw dahil exempted sya sa midterms namin sa tatlong subjects.
It totally slipped off my mind.
Tinakbo ko na ang paradahan ng jeep sa may kanto ng village at nagpapasalamat ako dahil nakaabot pa ako sa papaalis nang jeep.
Within fifteen minutes ay nakarating na ako sa university na pinapasokan ko. Isa itong sikat at kilalang university sa buong lungsod at halos lahat ng estudyante dito ay mayayaman.
Katulad nina Ryle at Winston na mga anak ng mga politicians at makapangyarihang businessmen. Si Tracey naman scholar din naman sya sa school na ito pero may kaya din naman ang pamilya nya.
Ako lang siguro ang kapos sa buhay na nag-aaral dito at laking pasasalamat ko na nagkaroon ako ng napakalaking oportunidad na makapag-aral sa ganitong karangyang paaralan. Kaya lahat gagawin ko para makapagtapos ako.
Tinakbo ko na ang hallway papunta sa next building kung nasaan ang department ko at marami na ring estudyante ang nandirito. Sa kamamadali ko ay nakabangga pa ako ng tao at sa kasamaang palad ay nalaglag pa sa kamay ko ang project na ipapasa ko.
"Sorry, Miss." Rinig kong paumanhin pero hindi ko ito tiningnan at umuklo ako para damputin iyong libro ngunit naunahan ako ng isang kamay.
Tinuwid ko ang aking tindig at nagulat ako sa taong nasa harapan ko ngayon maging ito ay nabigla rin.
Anong ginagawa nya rito?
"Hyleigh? Here." Inabot nya sa akin ang libro. "I'm sorry if I stubbornly dashed you, Leigh. Zig will probably croak the s**t out of me if he'll get to know!" Nakangising turan nito at hindi ko mawari ang punto nya pero ngumiti lang din naman ako.
Wala na akong oras para iproseso pa ang mga sinabi nya sa utak ko.
"Ha! Wala yon, Migz. Sige una na ako. Late na kasi ako." Sabi ko.
Luminga pa ako sa paligid namin dahil may ibang estudyante na ang nanonood sa amin at ang sama ng mga tingin, especially girls. What are their problem this time?
"What a small world, right? Nasa parehong school pala tayo." Hindi pa rin ito umaalis sa harap ko. "Your department?"
"College of Accountancy." Ano ba naman Migz? Ngayon mo pa naisipang mag question and answer portion, e mali-late na ako.
Tumango ito. "Ellison let's go!" Ani ng isang lalaking kasama ni Migz.
Ano daw?
Ellison?
Ellison ang apelyido nila?
So it means..
"Sige, Leigh I gotta go now. Surely see you around." He said and grinned. "Zig will be glad about this." Hirit pa nito bago tuluyang umalis sa harap ko.
Hindi ko namalayan na napabuga na pala ako ng hangin.
Oh My God!
Ellison.
So that exactly meant they owned this whole school?
Another OMG!
Sabi ko na nga ba, e kaya pamilyar sila dahil sila lang naman ang may-ari nitong university na pinapasokan ko. Bakit nga ba hindi ko sila nakilala kahapon? Sabagay wala naman akong amor sa mga tao sa paligid ko dahil mahahalagang bagay lang ang pinagtotoonan ko ng pansin.
Grabe! They are genuinely extremely rich. Ellison's are the most influential and wealthy family that I've ever known. Isa lang ang unibersidad na 'to sa napakaraming establishments na pag-aari ng mga Ellison. Alam ko naman ang mga bagay na yon dahil nabasa ko sa handbook ng university ang profile informations ng pamilya nila.
Wala naman akong kaalam-alam na mga Ellison pala ang nakasalamuha ko kahapon.
Now I feel ashamed of my self!
I've been oblivious of my surroundings. Ang ignorante ko lang!
Natapos na ang lahat ng subjects ko subali't hanggang sa makauwi ako ng apartment ay nagninilay-nilay pa rin ako sa pamilya ni Zig.
Nang matapos akong maligo at magbihis ay agad akong nagtungo sa kwarto ni Tracey. Hindi na ako kumatok dahil ganon din naman yong ginagawa ni Tracey na susulpot lang sa silid ko ng hindi kumakatok.
"Ano namang kailangan mo?" Bungad ni Tracey pagkapasok ko.
Nasa study table ito at usually nakaharap sa laptop nito.
Nagpatuloy lang ako at lumapit sa bookshelf na naroon ang mga magazine collection ni Tracey.
Naalarma naman ito at ilang segundo pa ay nakaharang na sya sa harapan ko.
Her brows arched. "What do you think you're doing, Hy?"
"Tabi muna, Trace. May titingnan lang ako sa mga magazine mo." I need to confirm something though I already know.
Tracey mulishly folded her arms in front of her chest and stared at me unbelievably.
"Kailan ka pa nagka-interes sa mga magazine ko? Don't tell me, you're now appreciating those handsome bachelors that featured in there! Sabi ko na nga ba, e." Her voice was suspicious.
"Fine. Oo na, okay? Patingin na ako may gusto lang akong tingnan kasi." Pagsumamo ko pero nag ngising aso lang ito at tumabi naman si Tracey sa harap ko.
I searched for the one I'm aiming to see and there, I saw their faces on one of the cover. I plucked the magazine from the shelf and went over her double sized bed with a stetch bed cover. For as usual. Tracey's favorite cartoon character. Parang bata talaga.
Pinagmasdan kong mabuti ang mga mukha ng apat na lalaking nakilala ko kagabe. Walang itulak-kabigin sa mga ito kaya hindi na ako nagtataka kung bakit naloloka sa mga ito ang lahat ng kababaihan sa school namin, maging si Tracey ay ganun din.
"Ellisons?!" I heard Tracey queried. Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko. "Which of the four Ellison caught your numb emotion? Sean, Callum, or Migz?"
Mapanuksong tanong ni Tracey kaya nag-angat ako ng mukha para tingnan sya. Tatlo lang ang binanggit nya? How about Redden?
Anyway, wala naman sa apat ang hinahanap ko.
"Anong pinagsasabi mo?" Maang saad ko. "Curious lang ako."
Tumaas na naman ang kilay nito. "Curious is near to desiring about something, I mean someone."
Napangiwi ako sa sinabi nya.
"So ano na? Sinong type mo dyan sa apat? Pero 'wag lang 'to kasi barumbado ang isang yan!" Aniya at itinuro si Redden.
"Anong mayron kay Redden?" I wondered. Binagsak ni Tracey ang kalahating katawan nya sa kama at pinagmasdan ko lang ito.
"He's the one and only stupid guy I'm unluckyly tutoring for half of the semester. Yong kinukwento ko sayo, remember?"
Ano daw?
Migz was right, ang liit nga talaga ng mundo. Si Redden nga pala yong kinasusuklaman ng bestfriend ko. Kaya pala hindi nya ito binanggit.
"But wait! Bakit mo alam ang pangalan nya, Hy?" Bigla itong bumangon at nagsimula na namang mag-usisa.
I ignored her question and start flipping the pages. Nagtataka ako bakit apat lang sila doon sa picture? Bakit wala si Zig?
"Hoy, I'm asking you. Bakit mo sya kilala? Hindi ka pa nga nagbabasa alam mo na! Imposible namang nakikita mo sila sa school, e alam na alam ko namang wala kang paki sa paligid mo."
"Lahat ba sila don din nag-aaral?"
"Of course! E, sa kanila kaya yong school. Kahit si Marshy doon din nag-graduate two years ago. Sya yong tinugtogan nyo kahapon di ba sa kasal nya?"
Tumango ako. Bilib na talaga ako kay Tracey sa pagiging mindful sa mga taong nasa paligid nya.
So ibig bang sabihin nito ay doon din nag-aaral si Zig?
At ano tong tuwa na biglang umusbong sa katawan ko knowing that he also attending the same university as me.
"Wait! Mali pala ako." Biglang bawi ni Tracey sa pahayag nya kaya nagtaka ako bigla.
"Anong mali ka?"
"I mean, not all Ellisons are attending the same university. 'Yong isa sa Pantheon University nag-aaral. And people said that guy is the worst and the black sheep of their family kaya may sariling mundo 'yon." She stated and I wondered if who was she exactly referring to.
I have no idea.
"If you're curious again, Hy. The one I was telling is none other than Zig Lexus Ellison also known as the worst miscreant among their circle kaya wala sya dyan." She pointed the magazine.
And with that, there something inside me suddenly bursted up and I felt.. disappointed.
Wala naman akong expectations kay Zig at obvious naman sa aura nya ang mga katangiang binanggit ni Tracey. Pero nakakadismaya pala kapag marinig mo na ang mga bagay na yon mula sa ibang tao.
Pero kahapon naramdaman ko naman na may kabutihan din sa katawan si Zig. Hindi naman nya ako tutulongan at ihahatid dito kung totoo talagang masama sya.
No! Maybe those information weren't all true. Sobra naman yong mga description nila kay Zig and my conscience telling me not to believe that piece of data. Hindi ko sya kilala kaya wala akong karapatang husgahan sya.
Napapitlag ako ng hablutin ni Tracey ang magazine mula sa kamay ko.
"Ano ba?" Usal ko.
Masama ang tingin nito sa akin. "Can't you see? Ginusot mo na tong pinakamamahal kong magazine."
Oh, Mary mother of Christ! I didn't aware that I was spacing out.
Tumayo si Tracey at ibinalik sa shelf ang magazine.
"You're acting strangely, you know that? Ano bang iniisip mo, Hy at bigla-bigla ka na lang nagka-interes sa mga Ellison? May crush ka ba sa kanila?"
I almost choked up about Tracey's declaration.
"Wala sa bokabularyo ko 'yan." Sangga ko sa sarili ko pero malokong ngisi ang iginawad nito sa akin.
Ano bang kabalbalan ang iniisip nya?
Tumayo na rin ako at nagsimula nang lumabas sa silid ni Tracey at tumungo na lang sa may munting sala namin para manood ng TV. Ramdam kong nakasunod lang ito sa akin.
"Hindi ka pa kakain, Hy?" Tanong ni Tracey mula sa likuran ko.
Thank goodness, she finally dropped the topic about Ellisons.
"Later on, Trace. Maaga pa naman!" Sambit ko.
Dinampot ko ang remote control mula sa ibabaw ng center table at binuksan ang telebisyon.
Nanood na lang kami at panaka-nakang nag-uusap parte sa pag-aaral namin. Tinanong lang din ako ni Tracey tungkol sa lessons namin ngayong araw. Pero hindi naman nya kailangang magtanong pa dahil sigurado kong alam na nya ang mga future lessons namin.
She wouldn't be on the Dean's list for nothing. As well as me.
We suddenly disturbed by a ring in our doorbell at nagkatinginan kami ni Tracey.
"Are we expecting some visitors?" Tanong ko at nagkibit ng balikat si Tracey.
"Wait! Tingnan ko lang." Tumayo na ito at nagtungo sa may pinto at lumabas papuntang gate.
Tinuloy ko na lang ang panonood. Ilang minuto pa bago bumalik sa loob si Tracey and she look astonished that was why I got confuse.
"What happened?" I queried a bit frantically.
But instead of responding, Tracey pointed the door way. Kunot noo akong lumingon sa tinuro ni Tracey.
Nalaglag ang panga ko at nanlaki ang mga mata ko dahil sa taong mainam na nakatayo sa hamba ng pintuan namin.
What was he doing here?
I stared at him dumbfounded and my heart leaped quickly inside my chest when our eyes met and I don't know the reason behind this strange feeling I was having inside.
Hindi ko makapa sa utak ko kung ano ang ibig sabihin ng nararamdaman ko ngayon pero isang bagay lang ang sigurado ko sa puntong ito.
It's the feeling of confounded!
"Zig?"
I finally enunciated the name of our unexpected visitor.