CHAPTER 3
Inaalalayan ako ni Zig habang kumukuha ako ng mga pagkain sa buffet. Paminsan-minsan ay tinatanong nya ako kung ano pa ang gusto ko pero tanging iling at pagtanggi lang ang tinutugon ko dito.
I felt very awkward about his action. Naiilang ako masyado sa presensya nya. Bukod sa hindi talaga ako sanay makipagkaibigan sa mga lalaki ay hindi ko rin alam kung tama ba tong pagsama ko sa lalaking ngayon ko lang nakilala.
"Come, Leigh! Let's go this way." Aniya nang matapos kaming kumuha ng kanya-kanyang pagkain.
Leigh?
Bakit ganun ang tawag nya sa akin? Lahat ng kakilala ko Hy (heiy) ang tawag sa akin kaya hindi ako sanay sa Leigh. But I admit it, my name's sounds good in his mouth. Para kasing ngingiti sya kapag sinasambit nya ang pangalan ko.
Kaloka! Imagination ko lang ata yon.
Pumunta kami sa isang circular table na six sitters at nabigla pa ako dahil may tatlong taong nakaupo dito. Lahat sila ay hindi ko kilala kaya nagdadalawang isip pa ko kung don ba ako uupo pero di ko na pala kailangang mag-isip dahil ipinaghila na ako ng bakanteng upuan ni Zig.
"Here!" Kinuha nya ang plato ko at sya mismo ang naglagay doon sa ibabaw ng mesa.
Bakas ang pagkabigla ng tatlong nakaupo dito at makahulugang tingin ang ipinupukol ng mga ito sa amin.
Oh my Lord! Embarrassment is eating me whole.
Why is Zig pulling me into this uncomfortable situation? May balak ba syang ipahiya ako? Hindi talaga ako sanay makipag sosyalan lalo pa't halatang mayayaman ang mga nakakasalamoha ko ngayon. Hindi ako bagay sa mundo nila. Hindi talaga!
Umupo na ako at maging si Zig at binigyan ko na lang ng ngiti ang tatlong lalaking nakamasid pa rin sa amin. My timid nerves got calm a bit when the three men in suit gave me back a beam too.
Nervous decreased!
"Stop staring at us, dimwits!" Matigas na wika ni Zig at parang nahiya ako sa tatlong kasama namin.
I saw the teasing flashes in their eyes.
Hay! Parang numinipis ang hangin dito. Hindi ako makahinga ng maayos.
"Care to introduce who's the drop-dead gorgeous lady here, Lexus?" Nakangising saad nong isa.
Lexus?
Pangalan din ba nya yon?
"Are you the singer who performed awhile ago, right?" Singit ng isa. At sigurado kong nasa parehong edad kami.
Tumango naman ako kahit nahihiya ay pinilit ko na lang ding magsalita. Baka magmukha pa akong bastos dito. "Tama ka." Simpleng sagot ko.
"Great! A beautiful lady plus her marvelous voice is perfect. You're perfect, Miss!"
"I agreed with you, Redden. At last, nagsalita ka rin ng may saysay." Aniya ng isa at napahalakhak pa pati yong isa.
Impit ang nagawa kong tawa.
"Gago ka, Sean!" Singhal nong Redden.
"Anyway, may we know your name, Miss beautiful?" Ani naman nong isa.
"Her name is out of your business." Utas ng lalaking nasa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.
Madilim na naman ang mukha nito at halatang iritado.
"You're such a self-absorbed, dude."
"Now I regretted why I chose these f*****g table!" He murmured under his heavy breath but I heard it.
"Possessive, ha? Kailan pa?" Hirit pa nong Sean.
Napailing na lang si Zig at nagsimula ng kumain.
"Wala sa katinuan yan."
"That's what I thought so, Cal." Cal? Pangalan nong isa ata.
"So, your name is?" The Sean guy is still pushing it.
Wala namang rason para hindi ako magpakilala di ba? Ewan ko kasi sa Zig na to bakit ayaw akong ipakilala sa mga kaibigan nya, e sya naman kumaladkad sa akin papunta dito.
"Um. Hyleigh. My name's Hyleigh." Sumilay na naman ang mga ngiti ng tatlo.
Siguro kung ibang babae lang ako ay tuwang-tuwa na ako sa mga ngiti pa lang ng mga taong to. Halos magagandang lalaki ang mga nakilala ko dito, a. Para silang mga artista sa TV at yong mga model sa mga magazine na collection ni Tracey.
"Your name suits you. Too beautiful. Anyway, I'm Sean and these are Callum and Redden." Pakilala ni Sean sa mga kasama nya at nagwagayway lang ng kamay ang dalawa.
"We're Zig's cousins, if you mind." Callum grinned.
"She won't mind."
"Seriously, Zig?" Utas ni Redden. "Don't conceal her from us. You see? We want to know your girl-"
"Ha? No! Nagkakamali kayo. I'm not his." Putol ko kay Redden at biglang sumeryoso ang ekspresyon ng tatlo.
"What?"
"Stop asking, you morons! She said she's not. Okay?" Hindi ko alam kunh nagpapaliwanag ba si Zig o nananakot.
"You're his friend, then?" Hindi talaga nila kami titigilan. Ito na nga ba ang kinakatakot ko sa pagdikit sa lalaking to ang mapagkamalang nobya o babae nya. Ang laswa ng ideyang yon. Kahit gwapo si Zig ay wala talaga sa isip ko ang bagay na yon.
"Hindi rin." Sagot ko na lalong pinagtaka nila.
"I said stop asking!"
"Heay, kids." Naagaw ang atensyon namin dahil sa babaeng kararating pa lang sa table namin.
Her smile went wider when she noticed me. "Oh, Hyleigh. Nandito ka rin pala." Magiliw na sabi nito at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"You got to know her, Liz?" Callum interrogated the new comer.
"Obviously, Cal." Sarkastikong saad ni Liz.
"How?"
"In Ziggy's room."
Ang layo naman ng sagot nya sa 'how'?
Everybody's jaw literally dropped and God knows how fast my heart pounding inside my chest right now. I assume that I really look pale too. Baka pag-isipan nila ako ng masama. Naku, ano ba tong pinasok ko?
"f**k! Will you put the kibosh on, you doofos? Be considerate. She might got starve for your nonsense." Zig huffed.
Kung kanina seryoso at mabangis ang nibel ng anyo nito, ngayon hirap na akong mawari kong ano na ang antas ng galit nito. Kaya hindi na ako nagtaka nang tumahimik ang mga pinsan nya. Si Liz naman ay nagkibit-balikat na lang.
"Eat now, Leigh." Napangiwi ako dahil biglang naging banayad ang boses nya at kita ko ang pag ngisi nila Sean.
"Holy s**t! Gentleman isn't in your vocabulary, Ziggy. Tell me, we're just hallucinating, right?" Liz exclaimed unbelievably.
"You're incredible." Redden seconded.
"Tatahimik kayo o ano?" Banta ni Zig pero mapanuksong tingin pa rin ang ipinapahiwatig ng mga pinsan nito.
Mabuti na lang talaga at tuluyan na nila kaming nilubayan. Pero alam kong nakamasid lang ang apat sa amin.
Hanggang sa natapos ang pagdiriwang ng kasal ay si Zig pa rin ang kasama ko. Nababalisa na nga ako sa upuan ko dahil baka uuwi na sina Ryle at mapag-iwanan ako.
Kaunti na lang ang mga bisita dahil ang iba ay nagsiuwian na. Kanina pa rin umalis ang bagong kasal dahil kailangan na nilang lumipad patungo sa honeymoon destination nila na ayon sa narinig ko ay sa Europe pa raw.
Nakilala ko naman ang ikinasal dahil pumunta sila sa table namin kanina. Pinsan pala ni Zig ang bride at naging tampulan na naman kami ng tukso kanina ng dumating sila sa table namin.
Mababait ang mga pinsan ni Zig, malayo kumpara sa kanya. Pero ganun pa man ay hindi pa rin ako komportable sa mga ito. Lalo pa sa ideya nila na may namamagitan daw sa amin ni Zig.
Sinabi ko na ngang kanina lang kami nagkakilala pero parang ayaw nilang maniwala.
Si Zig naman ito tahimik lang, hindi man lang magawang magpaliwanag sa mga pinsan nya kung ano ang sitwasyon namin.
Maging ako ay kailangan ko rin ng paliwanag nya kung bakit sinasama-sama nya ako dito.
Ang labo ng taong to!
"You alright?" Tanong nito. Nag-iinoman na lang sila ng ibang pinsan nya at ang bago kong nakilala na si Migz. Ang tumawag sa amin kanina nong paakyat kami sa kwarto nya. At masasabi kong ito ang maloko sa kanilang lahat.
"Ano.. baka aalis na sina Ryle. Kailangan ko na silang balikan."
"They left already." Aniya at napakunot ako ng noo.
"Seryoso ka? Bakit naman nila ako iiwan?" Kinakabahan na naman ako at.. natatakot. Paano na ako makakauwi kong totoo ngang umalis na ang mga kasama ko.
Zig face was still firm at walang bahid ng pagbibiro. "I'm serious, Leigh."
Para akong pinagsukloban ng langig ay lupa sa kinomperma nya. Paano na ko uuwi ngayon? Duda akong may babyahe pa ngayon papuntang Maynila. Diyos ko po, ayudahan nyo naman po ako ng swerte bago matapos ang araw na 'to.
My silent beseeching suddenly restrained when Zig's proclaimed.. "Don't worry, Leigh. It's now my responsibility to take you home, safe and sound."
Nahigit ko ang aking hininga dahil hindi ko namalayan na sobrang lapit na pala nito sa akin. Ito ang unang beses na may lalaking nakalapit sa akin nang ganito. Kinakabahan ako at alam kong nahahalata nya ang pagkailang ko kaya medyo lumayo ito.
"You're going home? Aren't you?" Tanong ni Migz dahil narinig nito ang usapan namin. Nasa tabi lang kasi sya ni Zig nakaupo.
"Yeah!" Simpleng tugon ni Zig.
"Sasabay na lang din kami. Sila Daddy at Tito Zandro nakauwi na rin." Si Sean.
Nice idea! The more, the merrier.
"Take your car with you." Nabagsak ko ang balikat ko sa sinabi ni Zig.
Migz chuckled. "There's someone here who do wants an exclusive ride with Hyleigh." He teased but Zig didn't bang-up.
"Just a friendly advice, Leigh. Don't intrust yourself to him." Ani Callum.
"f**k you, Cal!" Zig hooted and everyone sniggered except me.
Callum had a point, actually. Hindi ko nga dapat pagkatiwalaan ang taong ilang oras ko pa lang nakikilala. Paano kong masama sya? O r****t? A murderer?
Oh Jeez. My conscience doesn't help. Oo, wala sa hitsura nya ang pagiging mabait pero ewan ko ba kung bakit nagawang kong magtiwala sa kanya.
I do have this strange feeling that Zig is harmless behind his rugged and unkind expression.
"Clam up, dude! Let's just support this creepy guy here. Ngayon lang yan nagtino. Pabayaan nyo na." Sean announced.
Zig smirked. "As if you're normal."
"Compare to you?"
Ilang minuto pa ang inilagi namin doon bago kami tuluyang umalis. Zig excused himself for a while dahil kinuha nito ang mga gamit sa kwarto nya pero fifteen minutes passed ay bumalik na ito.
"Let's go?" Saad nito at tumango ako.
Nagpaalam lang kami sa mga pinsan nya dahil bukas pa daw sila uuwi pati si Liz. Si Sean at Callum lang sasabay sa amin pabalik ng Maynila.
Napagtanto kong doon talaga nakatira ang mga ito at hindi dito sa malaking mansion na pag-aari nila.
May kanya-kanya pa lang sasayan ang tatlo. Dapat inasahan ko na yon, e halata namang mayayaman ang mga ito. Kilos pa lang at hitsura nila ay halatang sumisigaw na nang karangyaan. Malayong-malayo ang estado ko kompara sa mga ito.
Why do I have to compare myself to them, anyway? Frankly speaking, I am just a nobody. Apo lang naman ako ng isang retired nurse at retired na sundalo. Ano namang say ko sa mga katulad nila?
Zig lead me to a black car and open the passenger seat for me. Tapos sya naman ngayon ang sumakay sa driver seat.
Napapitlag ako ng lumapit ito sa akin kaya napaatras ako. "Let's fix your seatbelt first. For your safety." He said.
Ah! Akala ko kung ano na!
"Thanks."
He started the long ride at nauna na ang dalawang sasakyang kasabay namin. They freakingly drove too fast!
"Where's your house, Leigh?" Zig asked.
"Sa Cebu." Tugon ko and he stared at me like I was asking him to solve a complicated mathematical equation. "Taga Cebu ako. Pero ang apartment ko ay sa may Lavish." Paliwanag ko kaya lumiwanag ang mukha nito.
"I see. Student?"
I nodded. "Junior college."
Gusto ko rin syang tanungin kung nag-aaral pa rin ba sya pero natatakot akong magtanong.
"So, you're leaving alone in your apartment?" Tanong nya ulit.
"I'm with my bestfriend, actually."
"Good! You can take a nap while we're on our way. Just rest, Leigh." Saad nito at nagustohan ko ang suggestion nya. I told him my exact address para alam na nya kung saan nya ako ihahatid.
Maaga pa bukas ang klase ko dahil Monday kaya iidlip na lang muna ako dahil mahaba-haba pa ang byahe namin nang sa ganun ay maibsan kahit papaano ang pagod ko.
"Leigh. Hey, wake up. We're already here." I was awaken by Zig voice and I felt him shaking my hand.
Minulat ko ang aking mga mata at tama sya. Nasa harap na pala kami ng apartment namin.
"Compose yourself first before hopping out, okay?"
I did what he said and saw him got off from the car. Umikot ito at pinagbuksan ako ng pinto.
Nakita ko si Sean at Callum sa likod namin na nakaabang. Sumama talaga sila hanggang dito.
"Get inside your apartment now, Leigh. We have to make sure you're completely safe before we leave." Utos ni Zig sa mababang tono nang makarating kami sa harap ng gate ng apartment namin.
Tumingin ako sa kanya para magpasalamat dahil sa lahat ng ginawa nya para sa akin ngayong araw.
"Salamat sa paghatid, Zig. Ingat ka pauwi." Ani ko.
Kahit medyo madilim sa bahaging to ay kita ko ang munting ngiti sa labi ni Zig. Parang lumukso ang puso ko dahil sa simpleng ngiti nyang yon.
Finally, I saw his smile and it really made him more courtly.
"Thank you too, Leigh. Thanks for your company and.. for your time." Parang nauumid na wika nito kaya napangiti ako sa kanya.
"Naku wala yon. Sige pasok na 'ko, Zig. Ingat kayo, ha?" Ani ko at tumamgo ito.
"That's enough, dude! Magkikita pa naman kayo next time."
"Goodbye is the hardest part ever." Rinig kong kantiyaw ng mga nasa likod.
I faced them and bid goodbye to them too at gumanti rin naman ang dalawa pero hindi talaga mabura ang mga nakakalokong ngisi sa mga labi nila.
It was such a long day ever.
And somewhat I enjoyed the day with my new acquaintance.
Especially Zig.