CHAPTER 2

2055 Words
CHAPTER 2 Minadali ko na ang paglilinis ng katawan ko at kailangan ko na talagang magmadali. Patay ako kay Ryle nito baka kanina pa iyon naghahanap sa akin. Hindii ko naman magawang itext sya dahil sa nangyari sa cellphone ko. Naku naman, Hyleigh. Palpak ka, ghorl! I chastised myself. Napapitlag ako nang may kumatok sa pinto ng banyo. It must be him! "Open the door, woman. The dress is here." Rinig kong sabi nito mula sa labas. Bakit ba kinakabahan ako kapag naririnig ko ang boses ng lalaking yon? Mas lalo na rin kapag kaharap ko ito. Grabe! Few strange things happened to me since I met that guy awhile ago. Bakit kaya apektado ako sa taong yon? I feel uncomfortable around him. I wonder why. Binuksan ko ng bahagya ang pinto ng banyo at sumilip sa ginawa kong siwang. Nakatayo sa labas ang lalaki at hawak-hawak nito ang isang bluish red na dress. Ito yong tema ng kulay ng kasal a. I eye the dress confusingly. Inabot nya ito sa akin kaya kinuha ko na lang. Iniwas ko agad ang tingin sa kanya at agad na isinara ang pinto. Dali-dali akong nagpalit at inayos ko pa ang buhok ko na medyo buhaghag na. Bakit kasi hindi ko to tinali kanina? Tinupi ko agad ang basa kong dress at lumabas na ng banyo bitbit iyon at ang basang sapatos ko. Nakapaa lang ako ng lumabas dahil wala pa namang binibigay na sapatos si.. si Zig. Zig. Parang hindi bagay ang pangalang iyon sa seryoso nyang aura. Nakatayo ito sa may bandang glass window ng lumabas ako. Lumingon ito sa gawi ko at parang may kausap sa cellphone nito. "Your size?" He queries using his signature poker-face. Hindi ko alam kong kanino nya tinatanong yon. Sa kin ba o sa kausap niya sa cellphone. Painosenti kong tinuro ang sarili ko para makompirma kung para sa akin ba ang tanong na yon at tinaas nito ang makapal nyang kilay. "What's the size of your feet?" Ah! "Seven." Mahina kong sagot dahil para na naman akong napapaso sa madilim nitong ekspresyon. Ganun ba talaga ang pagkatao nya? Parang walang magtatangkang lumapit o kumausap sa kanya. His gazes were still into me and I felt more uncomfortable with it. "Seven, Liz. Be quick! You pretty know that I'm not a fan of waiting," anito sa tila natural na bossy na tinig. It was for the one on the other line but he didn't even cut his eye contact with me. Ako na lang ang nag-alis ng tingin sa kanya dahil baka mamatay pa ko sa kaba kakatingin sa kanya at sa mga mata nitong hindi ko alam kung galit o talagang may pagka–suplado lang. Narinig ko ang yapak ng sapatos nito at alam kong papunta sya sa akin. "Leave your laundry in here. The maid lady will take care of it." Aniya kaya naibalik ko uli sa kanya ang mga mata ko. "Naku, ‘wag na ho, Sir. Masyado na ho akong nang–aabala saiyo. Dadalhin ko na lang ho 'to, tsaka ibabalik ko na lang din itong damit kapag..." Naputol ko ang aking sasabihin dahil inisip ko kung paano ko ba ito maisusuli? Is it accurate to travel from Manila up to here just to return a piece of dress? Sayang pera! "Just leave it, woman!" Ito naman ang bossy pitch nya na bahagyang nagpapa-nerbiyos sa akin. "And don't call me Sir! I prefer if you call me by my name. I am—" He cut his line when someone came over inside without knocking. "Damn it, Liz. Could you knock on the door first before entering my room!" Bugnot na sambit nito kaya napalingon ako sa pinto at nakita ang isang napakagandang babae doon na kakasarado pa lamang ng pinto. I look at her for a moment because she seems familiar. Parang nakita ko na siya ngunit hindi ko lang mawari kong saan at kailan. "Loosen up, Ziggy boy. You asked me to come over, remember? So what's the point of banging the pathetic door?" Medyo mataray na tugon ng babae na parang hindi naaapektohan sa paraan ng pananalita ni Zig. Kapatid ba sya ni Zig? She's in her bluish red gown too and I supposed that she's a matron-of-honor. She's too gorgeous and a bit sossy yet elegant. Finesse. Magkasing-tangkad siguro kami at magkasing-puti. Maliban doon ay halatang laki sa ito sa marangyang lifestyle ayon sa kilos nya at pilantik ng kaniyang kamay. Her eyes turn to me and she smiles mischievously. “Hi, dear! You are?" Magiliw na sambit nito. Mukha namang mabait sya kahit pansin kong may pagka-mataray nga talaga ito. Nginitian ko rin ang babae at magpapakilala na sana ako ng magsalita ang tao sa tabi ko. "Give her now the shoes, Liz!" Mando ni Zig at nakita ko ang pag-irap ng babaeng nagngangalang Liz. "And you can go already." Dagdag pa nito. Nagmartsa si Liz papunta sa akin at nakita ko pa ang pagnguso nito ng inabot sa akin ang isang box na hula kong sapatos ang laman. "This jackass is too rough and masungit. Tsk!" Pabulong na sabi nito pero nakarating iyon sa pandinig ko kaya medyo napangisi ako. She beamed at me again. "I doubt he's your friend." Pabirong saad nito. "Liz! Get your ass out of here!" He decreed and Liz grinned widely. "Okay! Okay!" Pagsuko ni Liz. "You look stunning in that dress, Miss. I mean, you look more beautiful." Saad nito kaya napayuko ako ng bahagya dahil medyo nahiya ako. Nagsimula na itong maglakad paalis. Pero nagpakilala na 'ko bago pa ito tuluyang makalabas sa pinto. "Ah, it's Hyleigh by the way." I cited my name and she turned back with a grin her beautiful face. "Glad to met you, Hyleigh. See you around." Ngumiti ako at nagwagayway pa ito ng kamay bago lumabas. Tumikhim ang lalaking kasama ko kaya nasa kanya na naman ang atensyon ko. Nakatuon lang sa akin ang mapanuring mga mata nito kaya ngumiti na lang ako sa kanya. "S-salamat dito, Sir. Promise, ibabalik ko ito kapag makabalik ako dito." Ani ko. "Don't bother, it was all yours." He replied. "And stop calling me Sir. It's Zig." Tumango na lang ako at dumuko para isuot ang sapatos. Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos ko at pinaiwan niya talaga ang mga nabasang gamit ko sa silid nya. Kaunti na lang talaga at maniniwala na akong may kabaitan din ang taong ito sa likod ng masungit at seryosong katangian nito. Kataka-taka ring parang hirap itong ngumiti. Sinabayan nya ako hanggang sa makalabas kami ng mansion. Naiilang ako dahil malagkit ang tingin ng mga taong nadadaanan namin. Especially young women. Ang sama makatingin na para bang nanlalamang ako ng kapwa. "Ah, Zig! Maiwan na kita, ha? Kailangan ko na kasing bumalik." at kakanta pa ko. Hindi ko pa binabanggit kung bakit ako nandito dahil wala naman siyang tinatanong. Hindi man lang ito nag-usisa kong anong ginagawa ng isang tulad ko rito. "Do you still have to perform?" Rinig kong tanong nito habang naglalakad pa rin kami pabalik sa may pavilion. Perform? Alam nya ba? "Ha?" Naguguluhang reaksiyon ko. Paano naman nya nalaman, e hindi ko naman yon nabanggit? Malabo naman na napansin niya ako sa malaking pagtitipon na iyon. Tumigil ito at ganoon din ako. Pinagmasdan niya ako. "Singer performer, right?" Malamig na tanong nito. "Ah, oo. Ano, sige maiwan na kita. Salamat ulit." Nginitian ko ito at naglaho ang kunot sa noo nito. I didn't wait for his reaction and leave him there. I breathed ceaselessly ‘cause I feel like I am running out of air. Diyos ko po! Para akong nawawalan ng hininga sa ilang sandaling kasama ko ang lalaking yon. Mabuti na lang at nakalayo na ko mula sa kanya. Nakabalik na 'ko sa may mini stage sa gilid ng pavilion at tama nga ako. Kanina pa nila ako hinahanap. "Saan ka ba nagsususuot, Hy?" Iritadong saad ni Winston. Nasa iisang banda lang sila ni Ryle. Lima sila sa banda nila pero silang dalawa lang ang kakilala ko dahil iisang university lang ang pinapasukan namin. Ang iba naman kanina ko lang din nakilala. "Changed outfit?" Puna sa kin ni Ryle matapos niyang pasadahan ng curious na tingin ang dress ko. Hindi ko na lang sila pinansin. Hindi naman ako madaldal at palakuwento sa mga nangyayari sa buhay ko. "Start na ba tayo?" Tanong ko na lang at itinuon ang sarili ko sa harap ng board at inusisa ang mga copy ng lyrics na tutugtugin namin. "Mamaya pa! Use our free time to memorize the lyrics, Hy. Baka may makalimotan ka." "Okay!" Nagsikainan pa lang ang mga bisita at tanaw ko na ini-entertain ng bagong kasal ang bawat panauhin. Now I'm wondering! Is Zig related to them? Sino kaya ang relative nya sa dalawa? The groom or the bride? Nakaupo lang ako sa isang mono block stool chair habang naghihintay kung kailan kami tutogtog ulit. "Leigh?" Napalingon ako sa four steps staircase sa gilid ng mini stage at namilog ang mga mata ko sa taong papunta sa direksyon namin. Gulat na gulat rin ang mga kasamahan ko, maging ang operators ng sound system ay nabigla rin. Anong ginagawa nya rito? Is he following me? I don't want to assume but I came up with that thought. Sana mali ako. Ang feeling ko naman kung ganoon! "Heay, pare!" Untag sa kanya ng isa sa kabanda nina Ryle. Kung di ako magkakamali, Brandon ang pangalan nya. Obviously, magkakilala sila. He pulled his eyes from me and flipped it to Brandon. Tinanguan niya lang iyon at bumalik ulit sa akin ang tingin nito. "Let's go, Leigh?" He said and my jaw dropped. Anong let's go? I saw him whispered something to Brandon that made Brandon grin playfully. Ngayon ko lang nakilala tong si Brandon pero okay naman sya at medyo mailap rin. Siguro kaya magkakilala ang dalawang to dahil may pagkahawig ang mga ugali nila. "Hy, you can go now. Kami nang bahala rito." Brandon aforementioned and I looked at them puzzled. Nakuha naman iyon ni Brandon kaya nagsalita ito ulit. "The eminent bride's cousin is here and he asked for your company, Hy." He added cockily. What? Tumingin ako ng diretso kay Zig. "Ano?" Litong tanong ko. Tahimik lang ang iba naming kasamahan at alam kong nakaantabay lang ang mga ito sa amin. Zig still standing there and.. waiting?! Seryoso ba sila? He asked for my company? Bakit ako? Pilit akong ngumiti bago nagsalita. "Look, our service here isn't done yet. Pasensiya na ho." Paumahin ko at kumunot na naman ang noo nito habang nakapamulsa ang dalawang kamay nito na parang nag-pose lang sya sa isang photoshoot. Ano ba sya? Artista? Fashion model ba? "Your service is already done. Come with me!" Zig maundered. Tututol pa sana ako ng bigla itong lumapit sa kinauupuan ko at hinablot na naman ang kamay ko. Namilog na naman ang mga mata ko. Ano ba sa tingin nya ang ginagawa nya? Hindi naman kami close friend, ni hindi nga kami friend. At hindi ko sya kilala pero bakit kailangan nya ang company ko? "Ho? Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng hilain na nya ako patayo. Napalingon ako sa ibang kasamahan namin at tumango ito sa akin na parang binibigyan nila ako ng permiso. Ha? Ano bang nangyayari? Hindi ko na magets. Nakita ko pang tinapik ni Zig ang balikat ni Brandon bago kami bumaba ng mini stage. Hila-hila pa rin nya ako habang ako ay nagugulohan sa mga inaakto nito. Ang weird nya! "We're going to eat together. Wala akong kasama, e." Himala! Ang lamya ng boses nya ngayon. Naku! Masyado naman akong judgemental, e kanina ko pa lang sya nakilala. Baka mabait naman din to. Or am I just convincing myself? "Bakit ako, Zig?" Ang dami namang tao dito, hindi ako naniniwala na wala syang kasama. Si Liz, yong gwapo rin kanina. Bakit hindi sya sumabay sa kanila? We're still walking on our way to the buffet table. Wala ata syang balak bitiwan ang kamay ko. Hindi ko magawang tingnan ang mga taong madaanan namin dahil pakiramdam ko ang sasama ng tingin nila sa amin. I mean, sa akin. "Why not?" He queried. Bumuntong-hininga ako. "Dahil hindi mo naman ako kilala. You can have anyone around here. Imposibleng wala kang ibang makasama. Atsaka performer ho ako rito at hindi bisita." Ani ko. "I knew you. You're Hyleigh." Oo nga naman! Alam na nya ang pangalan ko. Pangalan lang naman ang alam nya. "Bakit nga ako?" Tumigil ito at tiningnan ako. "Bakit? Hindi ba kita pwedeng isama?" Seryoso na naman ito. And I'm usually got afraid of it. I twitched my lips and slowly shook my head sideways. Kahit sino atang makakita sa hitsura nito ay walang makakahindi sa hiling nya. One thing I noticed about Zig was that he has a quality that everyone will obey him whether you like it or not. Dapat ba akong masindak sa taong 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD