"I DONT KISS GIRLS, THEY KISS ME. WELL EXCEPT FOR ELENA. BUT HEY! ITS NOT COUNTED! I'M NOT SOBER!"
ELENA'S POV
Ang bilis talaga ng araw lalo na pag ayaw mong dumating yung araw na yun noh? Kagaya ngayon.. Monday na, at malamang magkikita kami ni Stephen Araullo.
Gosh! Halos hindi ako nakatulog para lang makundisyon ko yung sarili ko kumalma para bukas.
Hindi na ako nagpakita kila Kath at Aine. Maaga ang pasok nila kesa sa akin at ewan. May ire research daw sila. Psh! If I know may nakita na naman yung dalawang yun na lalaking pagkaka abalahan nila.
Since napaagga ako ng punta sa school, dumiretso na din ako sa room namin. Sinet up ko na ng maayos yung mga gamit ko para hindi na ako maghahalungkat pa sa bag. Chineck ko yung relo ko and I'm still fifteen minutes early ako kaya kinuha ko yung book ko na 3rd degree ni James Patterson.
Masyado akong engrossed sa binabasa ko at hindi ko na namalayang nasa harapan ko na yung prof ko kung hindi niya pa ako tinawag.
"Miss Dimaguiba, hindi library ang klase ko so if it's not Philosophy book, then stop reading." Nagmamadali tuloy akong itinago yung libro ko.
Ang taray talaga nitong baklang ito. Di bale, isang sem ko lang naman siyang magiging teacher at wala akong balak maencounter siya ulit pagkatapos ng sem na to.
Wala naman masyadong significant na nangyari buong Philosophy Period namin. Nag discuss lang siya tungkol sa isang book na gagawan namin ng reaction paper by the end of the week.
Nadidistract lang ako sa kumag na nasa likuran ko na sinisipa yung bangkuan ko. Binibigyan ko siya ng death glares peeo pang asar na ngiti lamg ang sinusukli niya.
Strange nga eh. Nung huli ko siyang nakita sa room na ito dun siya sa pinakadulong part nakaupo. Nakasandal pa siya sa wall habang inuuga yung bangko niya at naka akbay sa dalawang babae. Ngayon nakapwesto na siya sa likuran ko at yung nasa likuran ko dati? Andun sa dulo.
"Okay that's all for today. See you next time." Agad kong itinabi yung mga gamit ko at nagmamadali din akong lumabas.
"Elena.."
Shit!
Iniiwasan nga eh! Lumalapit naman siya.
"Elena!" Sigaw niya.
Lena! Wag kang lilingon! Wag mong papansinin yan!
"ELENA DIMAGUIBA!" Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko siya. Alam niyo yung parang sa mga pelikula, yung bidang babae saka bidang lalaki pag ganito na yung eksena diba kusang nahahawi yung mga tao?
Ganitong ganito yun eh. Naglakad siya papunta sa akin in a slow and sexy way. Inayos niya pa yung buhok niya with his fingers while his other hand is in his pocket.
Parang runway model lang eh.
Inayos ko din yung sarili ko bago siya nakalapit sa akin. Ayokong isipin niya na isa ako sa mga babaeng naaapektuhan ng karisma niya, kase hindi naman totoo.
."May kailangan ka, Mr. Araullo? " Inayos ko yung salamin ko sa mata ko.
"Ako ba ang may kailangan sayo o ikaw ang may kailangan sakin?" He said smirking. Kinunutan ko siya ng noo. I actually have no idea kung anong sinasabi niya.
"Ano namang kakailanganin ko sa isang katulad mo?" Nawala yung smirk sa labi niya. Yumuko siya, his lips almost touching my ears.
"Hindi mo ba maalala? We kissed at the party. " Nanigas ako sa sinabi niya.
Eto na yun Lena! Gmitin mo na yung prinaktis mo.
"So?" Bulong ko din sa kanya. Tinignan niya ako as if hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"So?" Ulit niya pa. I took a deep breath.
'Calm down Lena!'
"So.. so what if we kissed? Anong gusto mong mangyari? It's s not as if first time mo yun." Balewalang sabi ko. Tumingin ako sa paligid and great! We caught everyone's attention.
Naman kase, kailangan ba talaga naming magbulungan sa gitna ng hallway?
"It's not my first but its definitely your first. Ano yun?Ganun-ganun na lang? Parang wala lang nangyari?" Malakas na sabi niya.
Napasinghap ako, sampo ng mga taong malapit s amin. Kailangan niya talagang ipaalam sa lahat na nahalikan niya ako?
'Syempre, Oo. taking someone else virginity is like a trophy. It's like robbing someone else's innocence and getting away from it.'
"You're acting like I should be guilty because of what happened na parang ikaw yung nawalan at hindi ako. Atsaka ano bang gusto mong gawin ko? Gusto mo bang tumalon ako sayo? Habul-habulin kita dahil lang nahalikan mo ako? Well, sorry to disappoint you pero I won't do that, okay? Hindi ako katulad nung mga ibang babae na hinahabol ka. Kalimutan mo nalang yung nangyari and get over it kase para sa akin, hindi ganun ka significant yung nangyari para I store sa memory ko." I walk out of him pagkatapos ng speech ko na yun.
Pumasok ako sa isang cubicle sa cr saka dun sumigaw. Grabe yung lakas ng t***k ng puso ko. Para akong mahihimatay sa sobrang intense nung tingin niya sa akin.
Siguro naman titigilan niya na ako gayung malinaw na ang lahat diba?
STEPHEN'S POV
"TAPOS NA YUNG SHOW! PWEDE NA KAYONG UMALIS!" Iritableng sabi ko. Da f**k! Sa dalawang taon ko sa school na ito, wala pang tumanggi sa akin tapos isang probinsyanang tulad niya lang ang sisira sa reputasyon ko?! Sa harapan ng madaming tao?! s**t!
Para pa tuloy ako yung naghahabol sa kanya!
Papunta ako sa locker room para magpalit ng damit. May practice ang varsity ng soccer at player ako dun.
"I can't believe she outsmarted you, the great Stephen Araullo. Ngayon na curious na tuloy ako sa pagkatao ni Elena." Natatawang sabi niya.
"Back off, Samantha! I'm not in the mood!" Nasa locker room siya, bawal siya dito at dito nagbibihis diba? Alangan ako yung umalis edi naghubad at nagbihis ako sa harapan niya. Ayon, siya na ang umiwas ng tingin.
"Stephen, why don't we have a deal?" Sabi niya.
"About what?"
"Making Elena Dimaguiba fall for you. And then break her. Nakaganti ka na sa humiliation na ginawa niya. Napatunayan mo pang walang nakakatanggi sayo."
"And what's the prize?" Actually, yung deal pa lang, okay na ako e. But no, everything and everyone has a prize.
"Anything you want Brad.. Anything." She smiled seductively habang naglalakad papunta sa akin and gave me a peck on my lips.
I smile. Magandang idea nga yun.. At sisiguraduhin ko talagang mapapaibig ko si Elena Domaguiba that's one thing for sure and I'm gonna crush her heart.
-----------------------