STEPHEN POV
I woke up when someone splash water on my face.
"Da f**k, Boromeo! Nababasa yung kwarto ko!" Sabi ko ng nakapikit pa.
"Lul! Wala ka sa kwarto mo!" Idinilat ko yung mga mata ko only to see grass, and dogs outside. And the sun. Ipinikit ko nalang ulit yung mga mata ko.
"f**k! Anong nangyari kagabe?!" Hinilot ko yung bridge ng ilong ko trying to remember what happened last night.
"Malay ko!" Tumabi siya sakin. "Araullo may kasama ka bang chicks kagabe?"
Napaisip ako sa tanong niya. Wala akong maalala s**t! "Wala naman, Bakit?"
"May iniwan kase akong chicks dito kagabe eh. Nakalimutan ko ng balikan." Kakamot-kamot ang ulong sabi niya.
"Gurang ka na kase. Ulyanin!"
"ULUL!" Sabi niya saka binatukan ako. "Pero sigurado ka bang wala kang kasama kagabe dito?"
I took a deep breath. "Wala, wala akong maalala." Sinabunutan ko yung sarili ko.
"Kung hindi chicks ang kasama mo kagabe. Baka aso ang gumahasa sayo." Kibit balikat na sabi niya.
"Naka katol ka na naman ba? Kung ano-anong sinasabi mo diyan!" He shrug and pouted his lips pointing my body. "Namo! Boromeo! Ang aga-aga nangmamanyak ka!" Sinapak ko siya sa braso.
"Namo din Araullo! Tinuturo ko yung damit mo!" Nun ko lang tinignan yung sarili ko.
Nakaroll up hanggang sa may leeg yung black sando na suot ko. Bukas yung zipper at butones ng pantalon ko at kita na yung V-line ko sa sobrang baba ng boxers ko. And dude! I have a major hard on! Buti nalang medyo tagong lugar itong napuntahan ko.. Baka napagsamantalahan na ako ng wala sa oras.
"s**t! Anong nangyari kagabe?!" Hinilot ko nalang yung bridge ng ilong ko.
"Lasing na lasing ka ba kagabe at hindi mo naalala yung mga ginawa mo?" Tanong niya ulit.
Naalala ko na naman tuloy yung dahilan kung bakit ako naglasing ng todo.
"Si Erpat kase, badtrip eh."
"Second year pa lang naman tayo eh. May tatlong taon ka pa para I-enjoy yang pagiging binata mo. Hahahaha!" Tangina talaga nitong kupal na to, kaibigan ko ba to?
"Pakyu ka bente!" At tinawanan lang ako ng hudas.
"Tara na! ipagtanong natin sa loob kung may nakakita dun sa nanggahasa sayo! Hahahah pag nalaman kong yung chicks ko yung gumawa sayo niyan, kalimutan mo ng magkaibigan tayo. Hahahah!" Siraulo talaga itong si Brad! Special child siguro to. Nakainom siguro si Tita ng gamot nung pinagbubuntis niya si Brad.
"Akala ko ba yung nerd na nakaaway ko ang type mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa bahay.
"Interesado ako sa kanya pero sayang din yung kagabe noh. At saka sayang din yung kagwapuhan ko kung hindi ko isha share." Nag pogi sign pa siya. "Isa pa, ni hindi mo pa nga sinasabi sakin kung sino 'yun e. Paano ko didiskartehan?"
"Wala kang kwenta kausap." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Naauna na akong naglakad papasok sa bahay.
"Hoy Papi, sandali naman!!"
Pagpasok ko sa bahay namin, ang daming kalat! Ang dami ring taong nagkalat. Urgh!
Naglakad ako papunta sa may kusina. Nandun na sila Liam na katabi si Celine, si Louie at si Iñigo.
"Papi, si Toby?" Tanong ko agad sa kanila. Siya lang kase ang wala eh.
"Hinatid yung pinsan niya saka yung mga kaibigan kagabe. Dun na rin ata natulog kase medyo late na." Sabi ni Liam na sinusubuan si Celine ng pagkain. Pansin ko lang na masama ang tingin ni Louie dun sa love birds. Napailing na lang ako.
May lihim na pagsinta nga pala si Louie sa girlfriend ng bestfriend niya. Tsk!
Love is Complicated. Minsan, kung sino pa yung gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha.
Luh! Saan galing yon?! Hahahaha!
"Ay mga Papi! May napansin ba kayong chixs na kasama si Stephen na lumabas kagabe?" Singit ni Brad na dumukot dun sa Cereals na kinuha ko.
"Nakita kong iniwan niya sila Stella at Samantha sa sofa nung lumabas siya eh. Wala akong napansin na kasama siya. Bakit?" Tanong ni Louie
"Eto kasing si Papi Stephen, nagahasa kagabe pero hindi niya maalala." Natatawang sabi ni Brad
"MANAHIMIK KA NGA BOROMEO! " Napipikon na ako!
"Hahahaha! Papi baka bading ang gumahasa sayo!" Tawanan na naman sila. Pati si Celine nakisali na.
"What did I miss?" Saktong pumasok si Toby sa kusina.
"Toby Paps! May nakita ka bang babaeng kasama ni Stephen sa may garden kagabe?" nagisip saglit si Toby.
"Wala akong nakita pero, Paps! Galit na galit sayo si Elena!" Kumunot ang noo ko.
"Elena?" Sabay sabay na sabi nila saka tumingin sa akin. Nagkibit balikat lang ako. Malay ko naman kung sinong Elena yun.
"Kaibigan nila Kath. Busog na busog kaya ako sa mura nun. Manyakis ka daw. Imoral. Masamang Tao. Saka sabi niya Put----" Tinakpan ko na yung bibig niya. Mahirap na baka ma restricted na naman yung story pag itinuloy niya pa.
"Sinong Elena? wala akong matandaan.." R sa wala akong kilalang Elena eh.
"Sabi ni Kath, classmate mo daw sa Philo yun." Natigilan ako. Dapak! Sa dami ng babaeng pwedeng makasama kagabe, bakit siya pa?!
"s**t!" nasabi ko nalang.
ELENA'S POV
"Ang sakit ng ulo ko." Literal na umiikot ang mundo ko. ni hindi ko na nga nagawang dumilat.
"Hang over ang tawag diyan. " Sabi ni Aine. "Alam mo Lena, we should do this more often.. Nagiging madaldal ka pag lasing. Hahahaha!" Natigilan ako sa sinabi niya.
"Ano namang walang kwentang bagay ang sinabi ko?"
"Sabi mo.. 'Gago talaga yung hayop na Manyak na Steven Araullo na yon! blah blah blah-- He stole my first kiss! Hindi pa nakuntento pati second ninakaw niya pa! Baliw siya! Gago siya!'" Sabi ni Aine mimicking my voice.
"Sinabi ko yun?" Pakiramdam ko nag init ang tenga ko.
"Ano ba kaseng nangyari kagabe?" natigilan ako.
"He.. he stole my first and second kiss and he.. he.. he Forced me to touch him!" Syempre isang malaking kasinungalingan yun. He didn't force me to touch him. I asked him if I can touch his body.
Shoot! anahawakan ko yung abs niya.. Pati yung.. Pati yung ano niya!
Naalala ko na! Ako yung nagtanong sa kanya kung pwede ko bang hawakan yung abs niya. Naalala ko ng binilang ko pa yun.. And then tinanggal ko yung butones nung pants niya.. tapos.. tapos..
"AAAHHHHHHHHHHH!" Nanakbo ako papunta sa cr! Ilang beses kong sinabon kung kamay ko ng paulit ulit! ang dumi ng kamay ko. Shet!
"Hoy Lena! Okay ka lang ba?" Kinatok ako ni Kath. kinalma ko yung sarili ko. Hindi nila ako pwedeng makita na apektado dahil sa nangyari.
Lumabas ako ng cr pagkatapos ko maghugas. Kumuha pa ako ng hand sanitizer para siguraduhin na malinis na talaga yung kamay ko.
"Ang o.a mo naman Lena! Gaano ba kadaming germs ang nasa kamay mo at nagkakaganyan ka?" Aine said. She took the hand sanitizer from my hands.
"Steven Virus." Kumuha ako ng maligamgam na tubig sa palanggana at ibinabad dun yung kamay ko.
"Shet Lena! Stephen nga. Stephen! Bakit ba Steven ka ng Steven? -Kath
Nagkibit balikat lang ako. Saglit silang tumahimik at nagtinginan. Alam ko na ang susunod dun kaya bago pa man sila makapag tanong, inunahan ko na sila.
"Tantanan niyo akong dalawa. Ayokong pag usapan. Kung tutuusin kasalanan niyo kung bakit nangyari yon. You chose, kukulitin niyo ako tungkol dun at wala kayong pagkain ng isang buwan o mananahimik kayong dalawa at kakalimutan ang mga nangyari? "
Agad silang tumayo. Si Kath kumuha nung walis tapos si Aine nag mop ng mga bintana. Alm nyo yun? Yung pang mop ng sahig ginamit niya sa bintana? Hahaha! Rich kid eh. Buti nga sumusunod sakin yang dalawa. Oh, well pinangako nila na tutulungan nila akong maglinis pag sinamahan ko sila dun sa party diba?
Nung nawala yung hang over ko, nagluto na ako ng lunch namin habang nakasalang sa washing machine yung mga labahin. Gabi na kami natapos sa lahat ng gawain namin so they decided na magpa deliver nalang ng Dinner habang nag mo movie marathon kami.
Kinabukasan, nagtiklop at nagplantsa ako nung mga nilabhan ko nung sabado. Hapon ko na nasimulang magbuklat ulit ng mga libro ko. Wala naman akong masyadong homework kaya nag advance reading nalang ako. Nung nahawakan ko yung philosophy Book ko, saka ko lang naalala na magkikita nga pala kami ni Stephen bukas.
"Urgh! Wag ka mapraning Elena Dimaguiba! si Stephen Araullo lang yon. kalma ka lang.. act as if nothing happened okay?" kinakausap ko yung sarili ko. wala naman akonh ibang kasama dahil wala dito yung dalawa. nag party na naman at ayoko ng sumama.
"Keep calm Lena. Walang mangyayaring kakaiba bukas everything's gonna be alright."
'I hope so..'
-------------------------------------------------
pansinin po ang time line. College palang sila dito so Girlfriend pa ni Liam (the Mistress) ang asawa ni Louie na si Celine (starting over again)nabanggit ko naman nun sa the Mistress na mag ex sila diba? kung di nyo po alam yun.. basa na din ng the Mistress :) Haha plug plug din pag may time :))
k.k? baka kase maguluhan kayo eh :)
-ateRHEAN