STEPHEN'S POV
Samantha and I discussed about the details of our deal and we've decided na kami lang dalawa ang makakaalam ng tungkol dito. HECK hindi ko naman pwedeng sabihin kila papi na nakipag pustahan ako para paglaruan ang isang babae lalo nat kaibigan ng pinsan ni Toby. Lagot ako dun.
"Elena!" Humarap siya sa akin ng nakalagay pa yung dalawang kamay sa may bewang niya.
"Ano na namang kailangan mo Araullo?" Ang sungit talaga nitong babaeng ito. Humanda ka talaga sakin pag nahulog ka sa patibong ko.
"Oh!" Inabot ko sa kanya yung isang bouquet ng pink rose na binili ko sa labas.
"Ano yan?!" Tinaasan niya pa ako ng kilay.
"Baka bulaklak?" Nakakabadtrip! Sa buong buhay ko ngayon lang ako may binigyan ng bulaklak tapos ganito lang ang mangyayari?
"Alam ko bulaklak yan. Anong gagawin ko diyan e wala namang patay?!" Pigilan nyo ko masasapak ko itong babaeng to!
"Gusto mong kainin? Okay lang!" I'm losing my temper here!
"Sorry. Hindi ako kumakain at tumatanggap ng bulaklak galing sa mga taong hindi ko kilala. Isa pa, hindi pa ako patay para bigyan mo ako ng bulaklak." Tinalikuran niya ako at nag umpisa na siyang maglakad.
"ANG ARTE MO NAMAN! AKALA MO KAGANDAHAN KA!" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. I've never been humiliated in my whole life.
Bumalik siya sa akin. She grab the bouquet from my hands saka niya hinampas sa mukha ko.
"Hindi ako maganda kaya hindi ako nag iinarte! Alam ko lang na once tinanggap ko yan mag aasume ka na na may gusto ako sayo! To tell you frankly, para sa akin isa kang anay na sumisira ng buhay! Hindi ko kailangan ng bulaklak lalo na kung galing sa katulad mo! Kung gusto mo ikaw ang kumain tutal ikaw ang nakaisip!" Naramdaman ko yung hapdi sa mukha ko pero hindi ko yun ininda. Parang mas matindi pa yung dating sa akin nung sinabi niya eh.
"Oh my god! girls! Yung mukha ni Papa Stephen!" Tumigil siya sa paghampas nung bulaklak sa mukha ko. Nabitawan niya nga yun at nalaglag sa may paanan niya.
"You b***h! Anong ginawa mo!" May humila sa kanya palayo sa akin habang may hindi magkaugaga sa pagpupunas sa mukha ko.
"I'm.. I'm sorry.." Halos hindi ko narinig na sinabi niya.
"SORRY?! SORRY?! LOOK WHAT YOU'VE DONE TO HIM?! YOU FREAK!" Sino nga ba itong babaeng umaaway kay Elena?
"Uhmm Miss? Anong pangalan mo?" Tumigil siya sa pagpupunas ng dugo sa mukha ko.
"I'm Rachel. Classmate tayo sa Drafting."
Ah okay! hindi ko siya kilala.
"Ang lakas ng loob mong away-awayin ako na parang ikaw yung nanay ni Araullo samantalang ka klase ka lang naman pala!" Sabi ni Elena. "Mukhang hindi ka pa nga niya kilala," Nakangisi pa siyang tinignan su Rachel mula ulo hanggang paa. Yung totoo? Saan nanggagaling ang tapang nitong babaeng to?
"Wala kang pakialam sa kung ano man ako ni Stephen! Concern ako sa kanya eh!" She said.
"Psh! Concern o papansin? Gusto mo ba ng advice para pansinin ka ng isang Stephen Araullo? Magpa hard to get ka! Ang mga babaeng easy to get kase hindi yan pinaghihirapan, nawawalan ng challenge ang lalaki dahil alam nilang madali ka lang makuha. At kapag nakuha ka nila para ka nalang basahan na itatapon nila dahil nagamit ka na! tsk tsk! Have pity on yourself please.. Oh gusto mo bang kami nalang yung maawa para sayo?" Namumula na sa galit si Rachel. Nung pasugot na siya kay Elena, hinawakan ko agad yung bewang niya. Sakto namang dumating yung Dean ng BS EDUC nun at pinatawag kaming lahat.
"Mr. Araullo. What is the meaning of this?!"
"Sir! It was my fault. Bnigyan ko kase ng bulaklak si Miss Dimaguiba at nagkaroon kami ng misunderstanding that ended up to her slapping the bouquet on my face." Diretsong sabi ko habang nakatingin kay Elena na nakayuko.
"And why do you gave Miss Dimaguiba flowers?"
"Because I'm courting her, sir." Dire-diretso kong sabi.
Napasinghap yung mga babae sa loob ng opisina ng dean at nag angat ng tingin sa akin si Elena.
"WHAT? HOY ARAULLO WAG MO NGA AKONG PAGTRIPANG MANYAKIS KA!" Sumisigaw na sabi niya.
"Miss Dimaguiba please lower your voice! Wala ka sa palengke. Nasa opisina kita!"
"I'm sorry Dean." Nakayukong sabi niya.
"It doesn't matter if you believe me or not. Liligawan kita whether you like it or not!" I said with finality.
-------------
"Nice show Stephen." Nasa may SC office ako pagkatapos nung nangyari. Sc officer din kase si Samantha kaya may access siya dito.
"What can I say? I told you.. I'm putting a goddamn fight. Babagsak din sakin ang babaeng yan kahit anong mangyari." Naupo ako sa may swivel chair ko saka ko ipinatong yung paa ko sa table.
"Baka naman imbes na siya ang mahulog sa bitag mo eh ikaw ang mahulog sa kanya." Nakangising sabi niya. Naupo siya sa may dulong part nung table.
"Tsk! Wala ka bang tiwala sakin? I'm Stephen Araullo for your information, wala pang babaeng tumanggi sa akin."
"And Elena Dimaguiba is an exemption. Hahaha! Remember the deal Stephen.. Two months.."
"Wala ka bang tiwala sakin, Sam? Give me one month and you'll get the result you need." Nag lean siya sa akin. She was about to give me a kiss nung may kumalabog sa pinto.
"Anong one month? At ano yung result?"
--------
ELENA'S POV
"It doesn't matter if you believe me or not. Liligawan kita whether you like it or not!"
Waaaah! Abo ba?! Nababaliw na ba ako?! Paulit ulit sa utak ko yung sinabi niya kanina sa haral ng dean.
"It doesn't matter if you believe me or not. Liligawan kita whether you like it or not!"
Ano ba Lena! Umayos ka nga! Ang landi landi mo sasabunutan kita diyan eh!
At kinakausap ko po ang sarili ko. Nakakabaliw!
Bumuntong hininga ako. ELENA DIMAGUIBA! ACT NORMAL. WAG KANG MAGPAAPEKTO SA SINABI NUNG HUDAS NA YON! KILALA MO SIYA.. ALAM MO YUNG HILATSA NG MGA GANUNG TAO. WALA SiYANG IBANG GAGAWIN KUNDI PAGTRIPAN KA LANG!
"Tama!Tama! Wag akong magpapaloko." Inayos ko yung sarili ko bago ako lumabas ng cr.
"Alam nyo ba yung nangyari kay Stephen? kawawa naman siya. Ang dami kaya niyang galos sa mukha." - Girl 1
"Ikaw kaya ang hampasin ng Rosas sa mukha.. Ay hindi lang pala rosas.. MGA ROSAS. Ewan ko nalang kung hindi magkasugat sugat ang mukha mo" -Girl2
Naguilty naman daw ako. First time ko rin kayang nakahawak ng rosas na naka bouquet! Malay ko bang hindi nila tinatanggal yung thorns nun e sa Sta. Catalina gumamela lang ang uso!
Pero naawa talaga ako sa mukha niya kanina. Daig pa yung kinalmot ng pusa eh.
"Ang swerte naman nung babaeng yun! Balita ko taga Educ department daw yun at nililigawan ni Stephen!" -Girl3
Atleast hindi pa naman pala masyadong kalat sa St. Celestine na ako yun.
"HUWAT?! MAY NILILIGAWAN SI STEPHEN?! EH KAHAPON LANG MAGKASAMA KAME EH!" -Girl1
"Psh! Girl parang hindi mo naman kilala si Stephen.. Kung kahapon kayo magkasama then, darling, for him your just an old story." -Girl2
"Oo nga girl! Move on ka nalang.. Madaming fish sa Ocean.." -Girl3
"Sabagay.. Hindi naman ganun kagaling humalik si Stephen.. mas magaling pa rin yung team captain ng basketball.." -Girl1
"HOY HINDI KAYA! MAGALING KAYA SIYA HUMALIK!" Nabaling sa akin yung atensyon nung mga nag uusap. Nag peace sign lang ako saka nanakbo palayo.
Nasa may Canteen na ako pero si Stephen pa rin ang pinag uusapan! Ano ba naman yan! Sumasakit na tuloy ang tenga ko.
"Nasa clinic si Stephen.. Ang dami niyang sugat sa mukha! Oh my handsome Stephen! Pag nakilala ko talaga kung sinong gumawa sa kanya nun.. Tatamaan sakin!"
Parang habang tumatagal dumadami ang haters ko.
Pero sa isang banda naguguilty talaga ako.
Kinuha ko yung gamit ko saka ako pumila sa canteen. Bumili ako ng cup noodles saka isang C2 na malaki saka ako naglakad papunta sa may clinic.
Pabalik balik ako sa tapat ng clinic. Hindi ko kase alam kung papasok ba ako o hindi eh.
"Haah! Aja Lena! ibigay mo lang sa kanya yan tapos umalis ka na.. Ay hindi! tanungin mo na din kung kamusta siya."
Hindi naman ako ganun kasama para pabayaan na lang siya, It's my fault afterall.
"Uhmm hi."
"Hi Kalabaw!" Napatalon ako sa gulat.
"Hahaha! your funny.. Papasok ka ba?!" tanong niya
Wow chicks! Ang ganda!
"Uhmmm.." Kinamot ko yung ulo ko.
"I'm Celine, Kaibigan ako ni Stephen. Halika!" Hinila niya ako papasok pero pinigilan ko siya.
"Ay naku Celine.. Wag na! Nakakahiya naman kase sayo eh! Uhmm pakibigay nalang neto kay Stephen.. saka pakisabi na rin na so.. sorry!" Nahihiyang sabi ko. Lumuwag yung pagkakahawak niya sa kamay ko.
"You mean.. Ikaw yung may gawa sa kanya nun?" Alanganin akong tumango.
"WAAAAAAHHH!! Sorry! Sorry! Hindi ko naman sinasadya eh! Yung kaibigan mo kase ang gago tapos ang lakas pa magtrip tapos!" Tinakpan ko yung bibig ko. Mapapahamak ako ng dahil sa bibig ko na ito eh. Baka makarating sa parents ni Kathleen to tapos tanggalan ako ng scholarship.
"HAHAHAHAH! You know what? I like you.." Sabi niya.
"Hin..hindi ka galit?" Takang tanong ko.
"Of course not! Alam mo kase yan si Stephen.. Wala pang nagtangkang awayin yan.. Well, aside from his friends and I think it is time to teach him some lesson." Okay! sadista naman ng kaibigan ni Stephen. "Halika.. Lets get inside.. Ako ang bahala sayo."
Hindi na ako nanlaban pa nung hinila niya ako papasok ng clinic. Wala yung nurse dun pero alam mo kung saang kama ang may tao dahil masyado silang maingay.
"Ehem guys!" Tawag sa kanila ni Celine. Hindi kase ata nila napansin yung pagdating namin dahil nagtatawanan sila.
"Elena! Anong ginagawa mo dito?" Si Toby yung unang umimik
"Kaibigan mo pala sila Toby?" Ngayon ko lang naman kase siya nakitang kasama itong mga to eh. Nun ko lang napansin na anim sila sa kwarto. Si Stephen naka higa sa kama. Psh! gasgas sa mukha lang naman ang meron siya kailangan pang nakahiga sa kama?
At ang sama ng tingin niya sakin. Magsosorry na nga eh!
"Sa kasamaang palad. Oo! haha!" sinapak siya sa tiyan nung isa.
"Para namang sinabi mong napipilitan ka lang sumama samin?" Sabi nung isang lalaki na nilapitan ni Celine.
"Hi! Naaalala mo pa ako?" Sabi naman nung isa. Bakit puro sila gwapo?
"Uhmmm.. Hindi eh.. Sorry." Sabi ko.
"Ay! oo nga pala.. Elena Dimaguiba guys! kaibigan ni Kathleen na pinsan ko. Lena sila Liam, Louie, Iñigo, Brad, saka si Stephen." Isa-isa niyang tinuro yung nasa kwarto.
"Hey babe! Hindi mo talaga ako maalala? Yung party nung friday ako yung naglabas sayo sa garden.. Kaya lang nawala ka na dun eh."
Oh so siya pala yun..
"He-hehe. Hi." At ayoko na pag usapan ang garden. May naaalala ako.
"Stephen baby! I'm done!" Sabay sabay kaming napatingin sa babaeng lumabas galing sa cr. At kagaya ng dati, kinulang na naman siya ng damit. Lumapit siya kay Stephen at hinalikan siya nun sa harapan ko.
"Yun oh! iba ka talaga Sam!" Pang aasar ni Brad.
Biglang nagdilim yung paningin ko sa nakita ko. humigpit yung hawak ko sa plastic na dala ko at huli na nung napigilan ko yung sarili ko at naibato ko sa kanya yung plastik.
"Andito ako para magsorry pero narealize ko na deserve mo naman pala yung nangyari sayo!"
Tumakbo agad ako palabas ng clinic. Nakakainis! May pasabi sabi pa siyang liligawan niya ako tapos ilang minuto palang niyang sinabi heto at may kahalikan na siyang iba?!
Urgh! Nakakainis siya! Mula ngayon wag na wag ka ng maniniwala sa kanya Lena!!
-----------------
-ateRHEAN