Rule #7

1845 Words
BROS BEFORE HOES, CHICKS BEFORE d**k. --------------- STEPHEN'S POV "SAMANTHA?  WHAT THE HELL WAS THAT?!" Inis na tanong ko sa kanya nung kaming dalawa nalang yung naiwan sa clinic. "Uhh, show? Really Stephen?  Do you think I will make it easy for you? HAHAHA. Paano nalang kung masyadong mabigat yung hilingin mong kapalit pag nagawa mo yung deal? Atleast diba? Alam kong worth it." Naikuyom ko yung kamay ko. f**k! andun na eh. Sign na yung pagpunta niya sa akin dito na concern siya eh. Naunsiyame pa! "Don't worry Stephen. Malakas naman ang karisma mo eh. Gamitin mo na lang. Hahaha!" Parang bruha siyang tumawa palabas ng clinic. Inis akong tumayo yung sa kama. Badtrip! Nasira na nga ang mukha ko, nasira pa diskarte ko. Pati araw ko sira na din! "Sisiguraduhin ko talagang worth it lahat ng ginagawa kong ito ngayon." Kinabukasan, maaga akong pumasok para sa practice ng soccer. Sandamakmak na band-aid ang itinapal ko sa mukha ko para lang matakpan yung mga galos sa mukha ko. Papunta palang ako sa may locker room namin nung may narinig akong nag uusap. "Hindi ba sobra yung ginawa natin sa kanya?" Wala sana akong balak maki-chismis dahil ang tunay na lalaki hindi chismoso pero napatigil ako sa sunod na narinig ko. "Anung sobra? That b***h deserve it. Nakita mo ba yung itsura ni Stephen? Kulang pa yun!" "Pero.." "Isang salita pa, isusunod na kita sa probinsyanang yon!" That does it. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinuntok ko yung pader that made them startled. "Sinong pinag uusapan niyo?" Ginamitan ko sila ng death glare. "S-Stephen!" Nanginginig na sa takot yung isang babae. "Tinatanong ko kung sino yung pinag uusapan niyo!" "S-si Elena!" Sabi nung isang babae. "Nasan siya?" "Don't worry babe.. Naiganti ka na namin." Nilapitan ako nung isang babae saka kumapit sa may braso ko pero iniiwas ko yun. "Anong karapatan mong pakialaman ang la-- ang pag aari ko?" Muntik ko ng masabing laruan! "Stephen! Iginanti ka lang naman namin eh!" Sabi na naman niya. Tahimik yung ibang mga kasama niya kaya tingin ko siya yung leader. Itinulak ko siya sa pader, hinawakan ko yung braso niya and pinned her pero imbes na matakot.. Ngumiti pa siya. Aba matinde! "Sinabi ko ba sayong gawin mo yun?" Bulong ko sa kanya. "No.. pero--" "HINDI NAMAN PALA! BAKIT NAKIALAM KA?!"  Natakot siguro siya sa pagsigaw ko kaya nagulat siya. "Hindi.. Akala ko--" "Akala mo mapapansin kita? Para sabihin ko sayo Miss.. kahit anong gawin mo hinding.hindi.kita.mapapansin." Humigpit yung hawak ko sa braso niya. "Nasaan si Elena?" Binalingan ko ng tingin yung mga alipores niya. Walang sumagot sakin. "Sasabihin niyo sakin kung nasaan siya o lahat kayo may community Service ng isang buwan?" Galit na talaga ako. Ginamit ko na yung pagiging SC President ko para lang dito eh. "Na.. Nasa may cr siya sa third floor nung abandoned building." Sabi nung isa. Agad akong nanakbo papunta dun sa abandonadong building na yun. "St-Stephen!" tawag sakin nung isang babae. "Ano?!" "Yung ga-gamit ni Elena.." Inabot niya sakin yung bag kaya tumakbo na ako. Ang tanga naman nung babaeng yon! bat ba siya nagpunta sa building na yun eh wala na ngang nagpupunta dun? Pero kinakabahan ako para sa kanya eh. Tssss! Baka nagi-guilty lang ako dahil pakiramdam ko may kasalanan ako sa nangyari? Yung sampung minutong lakad papunta sa abandoned building na yun nagawa ko ng limang minuto. Liliko na sana ako dun sa may hallway nung nakita ko siya. I mean sila. ELENA'S POV Mas maaga ang pasok ko ngayon as compared kahapon kaya maaga akong gumising. Nilutuan ko na ng breakfast yung dalawang senyorita para pag gising nila makakain na sila bago umalis. Ang bait ko no? Dahil wala naman ngang uniform sa school na to, I prefer plain white T shirt atsaka maong pants pagpasok. Dinala ko din yung yoga pants ko since may P.E kami mamaya. Naglakad lang ako papuntang school. Bahala na sila Kath mag drive nun. Wala pa ding masyadong tao since maaga pa nga kaya nagdecide muna akong maglakad lakad. Napapadpad ako sa may soccer field. Nagpa practice na dun yung ibang soccer players. Lumakad pa ako papunta dun sa may parang ewan ko.. Gubat ba ito? Haha joke lang! Basta parang building pero wala namang tao. nagulat nalang ako nung may humila sa akin. "Hey! Miss okay ka lang?" nakayuko siya kaya hindi ko napansin yung mukha niya. "I'm so-sorry!  May humahabol kase sakin eh!" akmang tatakbo ulit siya pero hinawakan ko na yung braso niya. "Miss!" "Wag ka dito Miss! Baka ikaw naman ang habulin nila!" kaya kahit naguguluhan pa ako sa mga pangyayari.. Sumama na ako sa kanya sa pagtakbo. Pumasok kami dun sa may abandonadong building at tumakbo ng tumakbo hanggang sa nakarating kami sa third floor. "Hinihingal na ako. Teka lang saglit!" sumandal ako sa pader while catching my breath. Grabe para akong nag exercise sa sobrang pawis. "Kung gusto mong magpahinga.. pumasok ka dito! wag diyan kung saan madali ka nilang makikita!" nasa Loob na pala siya ng cr nun kaya sumunod ako. Isinarado niya yung pintuan saka sumandal dun. "Hay! Grabe nakakapagod!" Sabi niya.  Ginamit niya pang pamaypay yung kamay niya. "Uhmm bakit nga tayo tumatakbo ulit?" may karapatan naman akong magtanong diba? haller?! Baka malate kaya ako sa first class ko. "May.. may humahabol kase sakin eh." Nun ko lang napagmasdan yung mukha niya. Maamo yun at parang nangungusap yung mga mata niya. "Mga masasamang tao ba? Paano sila nakapasok sa School?! Hindi mahigpit yung security?!" "Hahaha! Hindi. Relax ka lang. Yung mga humahabol sakin.. Naglalaro kase kami ng taguan. Hahahah!" Tumaas yung kilay ko. Seryoso ba to?! Pagkatapos niya akong I drag papunta sa building na to sasabihin niya na naglalaro lang sila ng Taguan? "Seryoso ka Miss? You drag me all the way up here dahil lang sa taguan? Unbelievable!" "Hahaha! Sorry.. I'm Rance nga pala. Ikaw si Elena diba?" iniabot niya pa sakin yung kamay niya. "Pagkatapos mo akong pagtripan magpapakilala ka? Saka teka.. Bat alam mo pangalan ko?" Inayos ko yung salamin ko "Uhmm oo! Haha! Ang saya naman maglaro diba? Hahaha!" Tawa siya ng tawa. Sa totoo lang nakakahawa siya. "Saka sa ginawa ni Stephen kahapon at sa ginawa mo sa kanya.. Tingin mo ba wala pang nakakakilala sayo?" "Great!  My anonymity GONE." "Alam mo Elena? Ang fame saglit lang yan eh, one day your on top and then next thing you know napalitan ka na agad.. So, kung ako sayo enjoy it while it last." makahulugang sabi niya. "Who said I wanted to be famous? Tch hindi ko naman ikakayaman yan!" ipinatong ko yung bag ko sa may sink at lumakad ako papasok dun sa isang cubicle para magbawas ng fluid sa katawan. Nakakatakot naman to, parang sa mga horror movies lang. "Ano nga palang course mo?" Pero wala akong narinig na sagot galing sa kanya kaya lumabas nako. *Splash* At may isang maliit na timbang tubig na nakapatong dun sa may pintuan ng cr kaya paghila ko, Tumapon sakin yun. Napasinghap ako sa lamig nung tubig. "Rance!" tawag ko sa kanya pero wala paring sumagot kaya lumabas ako ng tuluyan. "Rance?" nagkibit balikat nalang ako dahil baka umalis na nga siya. Pinihit ko yung door knob pero nakalock na yun. Dun na ako nag umpisang kabahan. Geez! Anong kasalanan ko sa kaniya para pagtripan niya ako ng ganito? Lumingon ako kung saan ko inilapag yung bag ko pero  wala na yun dun. I'm soaking wet and my bag is missing. Ang galing! Sinubukan kong sipain yung pinto pero wala parin. Sumigaw na ako ng sumigaw pero pagkatapos ng ilang minuto tinigilan ko na dahil pakiramdam ko wala namang nakakarinig sakin. Idagdag pa yung feeling ko nasa horror movie nga ako. Naiimagine ko nalang na biglang lalabas si Sadako sa toilet bowl o di kaya maynakasabit na patay sa may ceiling.. "INAAAAANNNNNGGG! PALABASIN NIYO KO DITO!! AYOKO NA DITO PLEASE! !" umiiyak na ako habang sinisipa yung pinto. Oo na inaamin ko ng takot ako sa multo. Nung narinig kong parang may hinahataw ng kahoy, lalo akong natakot. sumiksik ako dun sa may ilalim ng sink. My knees on my forehead saka ko niyakap yung tuhod ko.  Takot ako. Takot na takot ako. sa sobrang takot ko gusto kong mag shut down.  sana panaginip lang lahat ng ito. Sana pagmulat ko wala na ako sa lugar na ito. "Miss? Miss?!" "Aaaahhhh! wag po inang!!" hiyaw ako ng hiyaw ay sipa ako ng sipa habang nakapikit. I sound and look ridiculous. "Elena? Elena calm down!" tumigil ako kakapiglas nung narinig kong tinawag niya ako. "Okay ka lang ba?" Umiling ako saka ko siya hinila para mayakap. -------------- "Ipatong mo nalang yung jacket dyan sa basang damit mo." sabi sakin ni Brad saka niya Ipinatong yung varsity jacket niya sa may balikat ko. "Thank you." pinunasan ko yung salamin ko na basa din ng pinaghalong tubig at luha. "Ano ba kaseng ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi sa orientation niyo na off limits itong lugar na to?" nakaupo siya sa tabi ko pero hindi siya nakatingin sakin. "Hindi ako nainform eh." nakapout kong sabi. Ayoko na sabihing may nagkulong sakin sa cr. Saka sabi naman niya, naglo lock talaga yun e. "Aray naman!" kinurot niya kase yung pisngi ko. "Wag ka ngang magpout diyan! Nakaka inlove ka tignan eh." sabi niya which made me blush. pasimple kong tinignan yung relo ko. "Hala! male late na ako sa first class ko!" Tinulungan niya akong tumayo. "Gamitin mo nalang muna yang jacket ko. Hanggat suot mo yan, Under protection kita." sabi niya. "Wow! Parang meteor garden lang? hahaha !" "Tsss.. sira! halika na nga!" hinawakan niya yung kamay ko. Natense nga ako nun eh. pero kinalma ko na lang yung sarili ko. Friends hold hands Elena. Sinamahan Ako ni Brad hanggang sa classroom ko kaya hindi na naman ako nakaligtas sa mapanuring mata ng mga tao. "akala ko ba si  Stephen ang nanliligaw kay Elena? Bakit si Brad ang kasama niya?" "oo nga! aba may tinatagong landi." dumiin yung pagkakahawak ko kay Brad pero ipinatong niya lang yung isang kamay niya sa magkasalikop na naming mga kamay. "Hindi nila alam kung ano yung nangyari at wala kang dapat I explain sa kanila. As long as alam nating dalawa yung totoo yung nangyari, wala kang dapat ikatakot kay Stephen." Ngumiti ako sa kanya at binitawan ko na yung kamay niya. "Salamat." STEPHEN'S POV "Stephen, Seryoso ka ba talagang liligawan mo si Elena?" natigilan ako sa sinabi ni Brad. "Oo naman! Bakit mo natanong?" nasa shower room kami kakatapos lang ng practice. "Wala lang Papi! Interesado kase ako talaga kay Elena eh. Too bad, she's already yours." Tahimik lang ako. Nasa akin padin yung bag niya. I wonder kung anong ginagamit niya ngayon. "DAPAK BOROMEO!  LUMABAS KA NGA DITO!" tengene! nagsho shower ako bigla bigla ba namang pumasok! "Eh hindi ka na sumagot eh. Akala ko napaano ka na." kinuha niya yung body wash ko. "Basta Papi ha! kung paglalaruan mo lang din naman si Elena.. Tigilan mo na, she's different Paps."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD