ELENA'S POV "Naguguluhan talaga ako sa Elena na yan eh. Sino ba talagang nanliligaw sa kanya? Si Brad Boromeo o si Stephen Araullo?" "I dunno. Pero kahit sino naman sa kanilang dalawa, Nice catch na yun eh." "Baka naman pinagsasabay niya para may reserba?" "Baka naman pinapaasa niya pareho.. Alam mo yun? Kung sino yung mas.. Yun na lang." "Para sakin mas lamang si Brad kesa kay Stephen. " "Ano ka? Mas gwapo kaya si Stephen kay Brad!" "Playboy yun eh." "Bakit si Brad hindi ba?" Yan lang naman ang bumungad sakin kinabukasan. Grabe yung bulong-bulungan parang sigaw-sigawan na eh. Are they really busy talking about me that they didn't realize that I'm standing beside them? Or sinasadya talaga nilang iparinig? Mabuti na nga lang hindi pa nakakarating sa kaalaman nila Kathleen at Aine