Chapter 5

2743 Words
"Yes; siya nga. Ang ganda 'no?" Kumurap-kurap ako sa harap ng sarili kong picture. Baka namamalikmata lang ako pero hindi; picture ko talaga 'yong sinend ni Paulo. "Luh." Tumawa ako. "Loko-loko ka talaga 'no?" Umiling-iling na lang ako kahit na nagwawala na iyong puso ko at parang gusto nitong lumabas sa katawan ko. Tumawa rin siya. "Anong loko-loko? Totoo iyan. Ganda niya diba?" Uminit ang pisnge ko; s**t parang mina-massage iyong puso ko sa sarap ng pakiramdam na pinuri ako ng isang gwapong tulad niya. "Siguro. Syempre ako iyan eh! Kaya bias ako." Tinawanan ko na lang ulit siya at saka ako umiling-iling. Gabi na at oras na ng tulog ko kaya nakahiga na ako sa kama, pero hanggang ngayon paulit-ulit ko pa ring nai-imagine ang pag-uusap namin kanina ni Paulo sa Potato and Milktea boulevard. Inamin niya mismo sa 'kin na crush niya ako at grabe sobrang na-flattered talaga ako. Ang gwapo niya kaya para magustuhan ako. Sinabi ko na rin sa kanya kanina na nahuli ka siyang na-like iyong picture kong iyon. Natawa nanaman siya; napakamasayahin niya talagang lalake. Lalo tuloy akong naaakit sa kanya. Tinanong ko rin siya kung paano niya nalaman iyong i********: account ko at proud na proud siyang sinabi na tinanong niya lang naman ito sa magaling niyang pinsan na si Farah. Oo nga pala, kakausapin ko pa si Emily. Buti na lang at online pa siya kaya tinawagan ko na agad. "Yes hello girl?" Bungad sa 'kin ni Emily mula sa kabilang linya. "Anong hello girl?" Napairap ako. "Aminin mo nga sa 'kin. May lakad ka ba talaga kanina?" Emily laughed at sa tawa niya pa lang alam ko ng may naiisip siyang kalokohan. "Oo naman. Bakit?" sagot niya. "Utot mo! Iyong totoo?" Alam kong onting kulit ko lang sa kanya at madudulas din siya. Tumawa siya. "Bakit ba? Nagkita ba kayo ni Paulo." "I knew it!" Napapadyak ako sa kama. "Sabi na may kinalaman ka ro'n eh. Mga bwiset kayo!" She laughed. "What's the matter? Hindi ba naging okay iyong pagkikita ninyo kanina? Ano bang nangyari? Chika mo naman!" Iyan nanaman siya sa pagiging tsismoso. "Okay naman. I actually had fun... pero dapat sinabi ninyo na lang sa 'kin na ise-set up ninyo ko kay Paulo." Irita iyong boses ko para hindi mahalata ni Emily na nakangiti ako dahil naalala ko nanaman iyong pag-amin sa 'kin ni Paulo na crush niya ako. "Duh! Paulo asked for it. Gusto niya raw makipagkita sa 'yo kaya nagtanong siya ng information kay Farah kung paano ka niya pwedeng makita nang hindi mo nalalaman. Gusto niya raw surprise meet up eh, so we just helped him." Uminit nanaman ang pisnge ko at nagpalakpakan ang mga alaga ko sa tiyan. Paulo naman, pakilig masyado. "Pero dapat sinabi ninyo pa rin sa 'kin para aarte na lang ako na nagulat." Di pa naman ako masyadong nakaayos kanina. Kung alam ko lang na pupuntahan ako ni Paulo, edi sana nakapag-retouch pa 'ko. Shocks. "Wag ka ng maarte girl. Ang mahalaga nagkita kayo, tsaka taray mo ha, ang gwapo talaga ng nabingwit mo. Kung mag-iinarte ka, ibigay mo na lang siya sa 'kin." "Heh! Manahimik ka riyan." Pinapauso ata ni Farah ang ilong ko. There's no way I would give Paulo to him; finders keeper. Emily laughed. "Just kidding. Chill ka lang; marami akong boylet iyong-iyo na si papa Paulo." "Tse! O'siya, gonna hang up na." Gusto ko ng magpaantok para hindi ako mukhang sabog bukas. Natuto na 'ko; kailangan always ready ako para sa biglaan naming pagkikita ni Paulo. "Hoy hindi mo pa nakekwento sa 'kin iyong nangyari sa inyo--" "Bukas na Emily. Goodnight, byee." Pinatay ko na iyong call bago pa siya magbunganga nanaman. Tumitig ako sa kisame at saka parang baliw na napangiti. Nagpapadyak ako sa kama na parang sinasapian ni kupido. Paulo naman eh! Malapit na 'kong umasa na may future tayo, s**t. The next day was Saturday and it means family day for my mom and dad. Palagi kaming sabay nagla-lunch since rest day nila pareho ang Saturday. Bagsak ang balikat kong nagtungo sa kusina. Nakita ko ang nakangiting si mom habang seryoso naman ang mukha ni dad, as usual. Noong bata ako, palagi akong excited mag-Saturday kasi iyon ang bonding moments namin. Pakiramdam ko one big happy family talaga kami, pero habang tumatanda ako, parang ayoko ng sabayan silang kumain. Paano ba naman kasi, iyong baby talk ni dad sa 'kin dati, napalitan na ng mga sermon na nakakabingi and what really irritates me was he never listen to my explanations. "Tanghali ka nanaman gumising, Wendy." Bungad sa 'kin ni dad na naka-pajamas pa. Nakaupo siya sa kabilang dulo ng table at katapat niya si mom. Syempre doon ako umupo malapit kay mom. "Good afternoon po," binati ko sila at hindi na pinansin ang sermon ni dad. Dad sighed. "Kung kailan ka tumanda, saka ka naging tanghali gumising. Maging responsable ka naman, Wendy. Tapos gusto mo pang huminto ng pag-aaral sa ganyang ugali mong 'yan, ay ewan ko na lang kung saan ka pupulutin--" "Honey tama na," mom stopped dad, thankfully. "Nasa harap tayo ng pagkain. Let's eat." Mom was calmed. She even smiled at me. Nagbuntong hininga nanaman si dad at umiling-iling. Disappointment on his eyes was really breaking my heart into pieces. Kahit naman anong gawin ko, palagi siyang disappointed. I was trying my best, pero parang hindi niya makita 'yon. Nagsimula na kaming kumain. Humigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor. Parang dati lang, puno ng sigla iyong bahay. Sana talaga bata na lang ako at hindi na 'ko tumanda, baka sakaling hindi rin naging matamlay iyong hapagkainan namin. Hanggang sa natapos kaming kumain ay hindi na kumibo si daddy. Nagpaalam na rin agad siya sa 'min at may online meeting pa raw siya. Nagbuntong hininga na lang ako at uminom ng tubig. Hindi ko talaga maisip kung anong nagawa ko para maging cold sa 'kin si dad. Maybe I wasn't the daughter he wanted me to be. Nagbuntong hininga si mom kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. Kita rin ang lungkot sa mga mata niya at pakiramdam ko kasalanan ko nanaman kung bakit hindi masaya si mommy. "Anak pasensya ka na sa daddy mo ha. Stress lang siya sa work niya kaya sa 'yo nabubuntong minsan; pagpasensyahan mo na." Tipid akong ngumiti at tumango. "Okay lang po." Huminga ako nang malalim. "Mommy nakausap mo na ba si dad tungkol sa paghinto ko ng pag-aaral?" Yumuko si mom. Lalo ko tuloy naramdaman na baka pabigat lang ako sa kanilang dalawa, lalo na kay mom dahil siya ang pumapagitna sa 'min ni daddy. "Ayaw talaga ng daddy mo, anak. Mabuti pa pag-isipan mo na munang maige iyang desisyon mo. Baka nabibigla ka lang o nahihirapan sa studies kaya gusto mong huminto--" "Mommy hindi po ako nahihirapan lang. Sadyang gusto ko po talagang pagtuunan na ng pansin iyong gusto kong business." Hinimas ko ang hita ko; uminit ang mga mata ka. "Bakit po ba parang wala kayong tiwala sa 'kin?" Pumatak na ang luha ko. Ang sikip sa dibdib na isiping parang disappointment lang ako sa kanila. Ang bigat-bigat sa dibdib na maramdamang walang tiwala ang sarili kong magulang sa 'kin. Ginagawa ko naman ang lahat para maging mabuting anak, pero sobrang taas ng standards nila at hirap na hirap na akong abutin 'yon. "Anak hindi naman sa ganon." Pinunasan ni mommy ang mga luha sa pisnge ko. "Kapakanan mo lang naman ang iniisip namin anak. Sana maintindihan mo." "N-naiintindihan ko naman po... sana kayo rin naiintindihan ako." Bumuhos ang mga luha sa pisnge ko at hindi ko na ito mapigilan. Sumabog na ang dibdib kong matagal ng ipit sa pressure. "Anak naiintindihan naman kita..." "Pero hindi ninyo po ako mapagbigyan?" Tumango-tango ako. "Pasensya na po mom. Akyat na po muna ako sa kwarto ko." Tumayo na ako at tinalikuran si mom. Hindi ko na kaya ang sakit. Habang tumatagal ang pag-uusap namin ni mommy lalo lang akong nasasaktan. Pakiramdam ko pinapamukha sa 'kin na hindi talaga pwede... hindi ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko at ang dahilan nila; iniisip lang nila ang kapakanan ko. s**t naman oh. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at saka ko nilabas lahat ng sikip sa dibdib ko. Lahat ginawa ko na para maniwala sa 'kin ang mga magulang ko, pero bakit hindi nila 'yon nakikita? Hinayaan ko lang lumabas ang mga luha ko hanggang sa unti-unti ng lumuwag ang dibdib ko. Huminga ako nang malalim at kinuha iyong phone ko. I needed to go somewhere away from my parents. Gusto ko libangan ang sarili ko and Paulo was the first person that came on my mind. I took a deep breath before sending my message. Hey Paulo! Busy ka ba ngayon? Sana hindi siya busy. Nasisiyahan talaga akong kausap siya mapa-text o sa personal. Gusto ko ng makakausap at siya ang partikular na gusto ko. Wala pang one minute, nag-vibrate na ang phone ko. Napanguso ako ng makitang notification lang ito mula sa f*******:. Paasa naman oh. Nagmuni-muni ulit ako sa kisame. Mukhang busy nga si Paulo; baka sina Emily na lang ang ayain ko. Nag-vibrate ulit ang phone ko kasabay ng pamimilog ng mata ko, pero agad din akong nag-poker face; notification nanaman siguro sa f*******: iyan. Tinignan ko pa rin iyong phone ko para makasigurado. Hey Wendy. If for you, I can free my time :)) Saan ba tayo? - Paulo Alistare. Napunit ang labi ko sa pagngiti. Niyakap ko ang phone ko at saka nagpapapadyak sa kama. Shocks, never akong kinilig nang ganito. Oh gosh, Paulo. Nag-decide kami ni Paulo na magkita na lang sa mall. Sinigurado ko munang maayos ang mga mata ko at hindi halatang umiyak ako bago umalis sa bahay. Nahirapan pa 'kong mamili ng suot pero bumagsak din ako sa plain black fitted dress na above the knee then denim jacket. Tapos nag white Airforce one shoes na lang ako. Nauna akong makarating sa Sm kaya sinabi kong sa Watsons na lang kami magkita; sakto at kailangan ko na ring mamili ng toner since paubos na iyong nasa bahay. "Maganda raw 'yan." I flinched; someone just whispered behind may back. Hinarap ko iyong nasa likuran ko. It was Paulo. Tatarayan ko na sana siya pero napaawang na lang ang labi ko sa ganda ng mga tawa niya. Nakaka-distract talaga iyong dimples niya eh. I couldn't stop looking at it. Tapos iyong porma niya, simple pero ang lakas na ng dating. Plain beige oversized shirt lang and black sweat shorts, tapos black Nike Jordan shoes. "By the way, I'm sorry; medyo late ako," sambit niya nang kumalma na siya sa pagtawa. Ngumiti na lang ako. "No problem. Wag ka lang manggugulat sa susunod." I chuckled at napailing-iling. "Hindi ko naman alam, magugulatin ka pala." Hindi nawala iyong ngiti sa labi niya. Siguro gustong-gusto niya ring shino-show off iyong dimples niya; hmp. "Hindi ako magugulatin, sadyang nakakatakot lang boses mo." Binalik ko iyong Luxxe Organix toner sa shelf. Never ko pang na-try iyon kaya do'n na lang ako sa Celeteque toner. "Boses ko? Nakakatakot? I doubt that." Umiling-iling si Paulo habang natatawa nanaman. Kinuha niya iyong binalik kong toner sa shelf at saka binasa ang nakasulat sa box. "Maganda nga raw 'to. Ayaw mo i-try?" Kumunot ang noo ko. "Sino namang nagsabi sa 'yong maganda 'yan?" "Napanuod ko sa YouTube. Maraming reviews about dito." Napatango-tango ako. Mukhang skincare fan din siya ah; kaya siguro makinis iyong balat niya. Mas maputi pa nga siya sa 'kin actually, tapos ang kinis ng mukha niya; parang walang pores. "Oh so you're into skincare?" I smiled. He shrugged. "Siguro." Tumawa ako at kinuha iyong hawak niyang toner. "Na-try mo na 'to?" Umiling siya. "Hindi pa." My brows furrowed. "Oh akala ko ba maganda? Hindi mo pa naman pala nata-try." Binalik ko iyong toner sa shelf. Echosera siya. Tumawa nanaman siya. Happiness talaga palagi 'tong si Paulo. Now wonder, masaya talaga siyang kasama. "Ta-try ko rin iyan. May inuubos lang akong toner tas susubukan ko iyan." I nodded. "Sige balitaan mo 'ko 'pag effective sa 'yo ha." He laughed. "Ayaw mo talagang mag-risk ha?" Napaiwas ako ng tingin. Oo nga 'no, kilala ko iyong sarili ko bilang risk taker since starting a business and stopping from school is risky already, pero 'pag sa skincare... I shrugged. "Risk taker ako. Maingat lang ako pagdating sa skin." Tumango-tango siya. "I see." Dumiretso kami sa Gong cha. Nagke-crave nanaman kasi ako sa milktea. Buti na lang trip din ni Paulo mag-tea ngayon. Tamang chill lang kami habang iniinom iyong drinks namin. Tamang scroll lang ako sa phone ko, naiisip ko pa rin kasi si daddy paminsan-minsan kaya naman dini-distract ko ang sarili ko. "Excuse me po." Paulo cleared his throat. "Inaya mo ba 'ko para panuorin kang mag-phone sa harapan ko?" Nilapag ko iyong phone ko. "Oh no I'm sorry." I laughed awkwardly. Napangiti naman siya. "No, it's okay. Mag-cellphone ka lang. Hindi ka naman nakakainip titigan eh." Natawa ako at napailing-iling. "Tapos na 'kong mag-scroll. Kwentuhan naman tayo." Humigop ulit ako sa tea ko. He nodded. "So bakit bigla ka nga pa lang nag-aya?" I shrugged. "Gusto ko lang maglibang." "Boring sa bahay?" Natatawang sambit niya. I shook my head. "Stressful is the word." "Bakit naman?" Kumunot ang noo niya. Pilit akong tumawa. "Basta, baka hindi mo lang din ako maintindihan. "Come on; I can comprehend." Nalulungkot ako 'pag naiisip ko sina daddy pero thank you sa dimples ni Paulo, napapangiti na lang din ako bigla. "Weh? Sure ka?" pabirong sambit ko. "Oo nga. Promise; 'di naman ako judgmental." Tumawa siya. I smiled. Nagdadalawang isip iyong utak ko kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Baka kasi ma-turn off niya 'pag nalaman niya kung paano ako mag-isip. Well mas okay ng malaman niya agad 'no. At least makikita ko na kung compatible ba talaga kami o hindi. Huminga ako nang malalim. "Kasi ano... sinabi ko sa daddy ko na gusto kong huminto ng pag-aaral." I paused to see his reaction. Hindi naman siya mukhang nagulat. Wala siyang reaksyon at parang naghihintay lang sa susunod kong sasabihin. "Tapos anong sabi niya?" Ang kalmado lang ni Paulo. "Ayaw niyang pumayag. Binigyan niya lang ako ng dalawang choice. Ipagpapatuloy ko iyong pag-aaral ko o papalayasin niya ako sa bahay." Yumuko ako nang balutin ng kahihiyan ang puso ko. He gasped. "Pwede ko bang malaman kung bakit gusto mong huminto sa pag-aaral?" Hinimas ko ang hita ko. "Ano kasi... iyong pangarap ko naman, hindi na kailangan ng diploma para ma-reach eh. Sipag at tiyaga lang, tapos experience. Gusto ko kasing mag-start ng clothing business. Naisip ko nag-aaral lang naman ako sa college para makakuha ng diploma; at the end of the day, hindi ko rin naman magagamit iyon." He nodded na parang naiintindihan niya iyong sinasabi ko. Para akong nakaramdam ng relief sa dibdib ko nang maisip na mayroon din pa lang nakakaintindi sa 'kin. "Pero mahirap din iyang gusto mo, Wendy. Hindi lahat ng pumapasok sa business, nagiging successful," he advised. "Syempre alam ko iyon. Eh ako naman, pursigido akong tao. Iyong mga hindi lang naman nagiging successful is iyong mga sumusuko. Ako wala akong planong sumuko hanggat hindi ko nararating iyong gusto kong marating. Dedicated naman akong tao." I sighed. "Hindi ko maintindihan kung bakit hindi makita ni daddy iyong intensyon ko." Hinawakan niya iyong kamay kong nasa lamesa. Nagtama ang mga mata namin at parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. "Ganoon talaga siguro kapag mga magulang, Wendy. Baka protective lang ang daddy mo kaya ayaw ka niyang payagan." Nag-inet ang mga mata ko kaya kumurap-kurap na muna ako para mapigilan ang pangingilid ng mga luha ko. "Kaya i-set aside ko na lang muna ang pangarap ko para kay daddy, ganoon ba?" May pumisil nanaman sa dibdib ko. Ayoko talagang gawin ang isang bagay na hindi naman napapasaya sa 'kin. Hinimas niya ang kamay ko. "Pwedeng gano'n; pagbigyan mo muna iyong parents mo tapos after mong maka-graduate saka mo na lang gawin iyong gusto mo o kaya naman, kung gusto mo talagang simulan ng abutin iyong sarili mong pangarap, pwede mo ring ipaglaban sa parents mo kung ano talaga iyong gusto mo. Nasasa-iyo 'yan Wendy. Ikaw ang magdedesisyon para sa kapalaran mo." Napangiti ako sa mga sinabi niya. Nakakataba ng puso na nakakilala ako ng isang taong kritikal mag-isip pagdating sa mga bagay. At least, sa kanya, alam kong hindi ako mahuhusgahan. "Salamat sa advice, Paulo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD