Chapter 4

2798 Words
"What?!" Halos malaglag ang panga ni dad. "Anong sinasabi mong gusto mong huminto ng pag-aaral Wendy? Nahihibang ka na ba?" Yumuko ako. "Dad, gusto ko po talagang mag-start ng business at pakiramdam ko hindi ko naman kailangan ng diploma para gawin 'yon. Helpful naman po ang experience." Kahit takot na takot ako kay dad ay pinilit ko pa ring ipaliwanag sa kanya ang punto ko. Nakaupo ako sa sofa kaharap si dad. Inis na inis ang hitsura niya at in-expect ko na rin naman na hindi niya magugustuhan ang naisip ko. Ilang beses namang pinag-isipan kung hihinto ba ako o hindi. Sa dami ng napanuod kong mga advice mula sa social media, naisip kong huminto na lang talaga at simulan ang pagbu-business na matagal ko ng pangarap. Besides marami namang successful na hindi nakapagtapos ng pag-aaral. "Bakit ka hihinto kung kaya ka naman naming pag-aralin anak? Tapusin mo ang college tapos saka mo gawin 'yang sinasabi mong business." Hinimas ko ang hita ko; hindi pa rin ako makatingin sa kanya pero tagos sa gilid ng mga mata ko ang inis sa mukha niya. "Eh dad, sayang nga po iyong oras; tsaka hindi naman lahat ng pinag-aaralan sa college kailangan kong matutunan para bumuo ng business--" "Enough Wendy!" Dad shouted. Sumulyap ako sa kanya at galit na galit na nga talaga siya. Nangilid ang mga luha ko; kinagat ko ang labi ko at saglit na tumingala at kumurap-kurap. "But--" "I said enough," he declared. "Ipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo o aalis ka rito sa bahay. You only have two--" Bumukas bigla ang pinto; pinakiusapan ng mga mata ko si mom na kararating lang at naka-corporate attire pa. Kumunot ang noo niya nang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay dad. "What's happening?" "Itong anak mo, gusto raw huminto sa pag-aaral." Dad sounded disappointed and it breaks me. Umawang ang labi ni mom pero umamo rin agad ang mukha niya. Lumapit siya sa 'min at umupo sa tabi ni dad. "Why sweetie? What's the matter?" Mas approachable si mom kaysa kay dad kaya kahit papaano, nabawasan naman ang tinik sa dibdib ko. "Naisip ko lang po na hindi ko naman kailangan makapagtapos ng pag-aaral para marating iyong mga pangarap ko--" "See that," dad cut me off. "Anong klaseng pag-iisip 'yan?" Hinilot niya ang sintido niya at saka umiling. "I'm done. Nasabi ko na ang two choices mo. Choose wisely Wendy." Dad stood and looked at mom. "Honey, tara na at hayaan mo muna siyang mag-isip-isip." Ngumiti si mom kay dad at tumango. "Sige honey, susunod na 'ko sa 'yo." Tumingin si dad kay mom na parang hindi makapaniwala. Umiling-iling siya. "Bahala ka. Kausapin mo 'yang anak mo at baka sakaling sa 'yo makinig." Tumalikod na si dad kasabay ng pagbagsak ng balikat ko. Kahit sanay na 'ko sa coldness ni dad, nasasaktan pa rin ako. Hindi ko maintindihan kung bakit madalas siyang yamot kapag kausap ako. Pakiramdam ko disappointment na lang lagi ang nabibigay ko sa kanya kahit tina-try ko naman ang best ko. Hinawakan ni mom ang kamay ko kaya nag-angat na rin ako ng tingin sa kanya. "Anak ano bang plano mo kapag huminto ka?" I pouted. "Magtatayo ako ng clothing business mom. Alam ko pong hindi iyon madali pero pursigido naman po akong maging successful. Kaya ko naman pong gawin 'yon kahit hindi ako nakapagtapos, besides I felt like nagsasayang lang po ako ng oras sa college lalo't hindi ko naman magagamit ang diploma ko." Mom sighed. "Anak alam mo naman kung gaano kahalaga sa daddy mo ang education diba? Nagbibigay siya ng scholarship sa mga walang kakayahang mag-aral. Ano na lamang ang iisipin ng mga tao, may scholarship siyang binibigay pero sarili niyang anak, hindi niya napagtapos." Hinimas ko ang hita ko. "Ano naman ma kung isipin 'yon ng mga tao? Hindi naman mahalaga ang opinion nila diba?" "Mahalaga 'yon para sa daddy mo anak." Sinuklay ni mom ang buhok ko. "Pero hanggang kailan naman po ako magpapaapekto dahil lang ayaw ninyong may isiping masama iyong iba tao? Gusto ko pong panindigan ang nararamdaman ng puso ko mom." Nagbuntong hininga si mom. "Anak, nagpapayo lang ako sa 'yo pero si daddy mo pa rin ang magdedesisyon. Kaya kung gusto mo talagang ipilit 'yang naiisip mo, siguradong mahihirapan ka anak." Pumikit ako at humingang malalim. Binalik ko ulit ang tingin kay mom. "Handa po akong mahirapan mom. Alam ko naman pong hindi magiging madali dahil matagal ko rin itong pinag-isipan. Wala naman po talagang madali kaya handa akong mag-suffer pero iyon ay para sa pangarap ko at hindi para sa pangarap ng iba na marating ko." Mom tapped my back. "Kung ano man ang desisyon mo, susuportahan kita anak. Basta siguraduhin mo lang na talagang pursigido ka sa pangarap na tatahakin mo. Susubukan kong kausapin ang daddy mo pero hindi ko maipapangako na mapapapayag ko siya. Kung ano man ang maging desisyon niya, kailangan pa rin natin iyon respetuhin." Ngumiti at tumango na lang ako kay mom. "Salamat po mommy, and thank you for always considering my feelings." I hugged her really tight. Buti na lang nandito si mommy at kahit papaano nararamdaman kong may nakakaintindi sa 'kin dito sa bahay.  Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos akong kausapin ni mom. Gusto ko na lang magpahinga dahil napagod din ang utak ko kakaisip kung paano magpapaliwanag kay dad kanina. Naligo muna ako bago ko chineck ang phone ko. What's up? - Paulo Alistare. Napangiti ako at agad na nag-type nang mapansing seven pa pala iyong chat niya, eight na ngayon. What's up? Paulo and I had been texting continuously after the party of Farah. Palagi siyang nanghihingi ng update sa buhay ko at palagi ko rin namang binabalik ang tanong sa kanya. I was loving his companion, actually. Sayang hindi ko siya na-reply-an agad, ayan wala pa tuloy reply dalawang minuto na ang nakalipas. Pero okay na rin 'yon, para hindi niya isipin na lagi akong excited sa mga text messages niya. Nag-scroll na lang muna ako sa mga social media accounts ko; una ang Twitter, then i********:. Napahinto ako sa pag-scroll nang makatanggap ako ng heart notification. I immediately checked it. alistarepaulo liked your photo.  Halos malaglag ang eyeballs ko sa nakita. Hindi naman kami nagpapalitan ng ig accounts so... how come? I decided to stalk the account. alistarepaulo 30 posts - 8,986 followers - 546 following Paulo Alistare Custudio Twenty two. Napangiti ako nang makita ang kasimplehan ng bio niya. I found it hot actually. Pero mas lalong lumawak ang ngiti ko nang maisip na inii-stalk niya ako pero teka, paano niya nga pala nalaman ang ig account ko. Pumunta ako sa profile ko at tinignan 'yong picture na ni-like niya. Nakaupo ako sa stairs ng pool tapos naka black bikini ako. Shocks, nakakahiya naman; hindi pa 'ko ready na makita niya iyong ibang bahagi ng body ko, anyways, pinost ko eh, so I should have expected that to happen. Chineck ko iyong mga nag-react pero kumunot ang noo ko nang nawala na iyong pangalan niya. What the? Nagha-hallucinate lang ba ako kanina? Sinearch ko ulit 'yong ig account ni Paulo. alistarepaulo. Lumabas iyong account niya so I wasn't hallucinating. Aha, siguro napindot niya lang iyon? Ayaw niyang malaman ko na inii-stalk niya 'ko. Well I got him. Nag-notify iyong messaging ko, showing Paulo's name. Tumalon nanaman sa excitement iyong puso ko. Dali-dali kong in-exit iyong ig at saka nagtungong messaging. Nothing much din. Just stalking my crush :)) - Paulo Alistare. Punit ang labi ko sa lawak ng ngiti ko. Akala niya ba hindi 'ko nakita na napindot niya? Teka, baka naman hindi ako iyong tinutukoy niya. Okay, ayokong mag-assume pero kasi lumabas iyong pangalan niya sa notification ko, hmp. Naghintay ako na lumipas muna ng five minutes bago ako nagtype ng reply. Baka isipin niya sabik akong ka-text niya kapag agad-agad reply ko. Wow. I didn't know you have a crush. Sino naman 'yan? Patingin.  Pikit mata kong sinend iyong text. Syempre masasawi ako kapag ibang picture iyong sinend niya, pero mas okay na rin para magkaalaman agad. Kumabog ang puso ko nang nag-vibrate ulit iyong phone ko. Ikaw muna. Patingin ng crush mo ;) - Paulo Alistare. I pouted. Medyo umasa na 'ko ha. Wala naman akong sinabing may crush ako ah. Ikaw lang iyong may crush kaya patingin na. Dumapa ako at kumuyakoy. Gabi-gabi madalas ganito ang hitsura ko. Ang sarap din pala talaga sa pakiramdam ng may kausap lalo na 'pag gabi. Hindi ko masyadong naiisip ang ilang mga problema ko dahil nalilibang ako sa kakulitan ni Paulo. Sabi ni Farah may crush ka raw - Paulo Alistare. Umawang ang labi ko. Ha? Loko-loko talaga 'yon. Wag kang maniwala ro'n. May binanggit ba siya kung sino? Lagot talaga sa 'kin si Farah bukas sa school. Ilalaglag pa 'ko ng b***h na 'yon. Tsaka hindi ko naman cinonfirm kay Farah na crush ko si Paulo. Echosera talaga iyong babaitang iyon. Hahaha wala. Kaya nga nanghihingi ako ng picture. Baka lang kilala ko. - Paulo Alistare. Napailing-iling ako. Buti naman at walang sinabing pangalan si Farah. Hindi mo 'yon kilala kasi hindi nga siya nag-e-exist kaya dali na, patingin na ng crush mo. Humiga ako at tumitig muna sa kisame. Sino kayang crush nito? Tss hindi dapat ako umasa. My phone vibrated; tinapat ko agad ang phone ko sa mukha ko. Sige na nga. Sinend ko na sa viber mo. - Paulo Alistare. Chineck ko agad iyong Viber; Paulo Alistare sent a photo.  Agad ko 'tong binuksan. Downloading photo. Parang may nagda-drums sa dibdib ko at mas lalo pang bumilis ang pagkuyakoy ko. Nalaglag ang panga ko nang mag-load ang picture. Puting background lang ito na may text na kulay itim at wala ring kwenta ang nakasulat. It's a prank!  Nag-type agad ako. Bwiset ka! Ang duya mo. Piningot ko na talaga siya kung kasama ko lang siya ngayon. Pinakaba niya pa 'ko sa wala, bwiset na lalakeng 'yon. He replied. Hahaha peace! Hayaan mo, tomorrow ko na lang ipapakita sa 'yo iyong crush ko ;)  - Paulo Alistare. Nagsimula akong mag-type pero binura ko agad 'to nang makitang typing siya sa Viber. Sleep na muna tayo. Gabi na, goodnight. Sweet dreams. - Paulo Alistare Napasinghap ako. Fine! Goodnight. Tomorrow sabi mo ipapakita mo ha, noted ko 'yan.  Opo. Sleep na. - Paulo Alistare. Friday kinabukasan, we only had three subjects kaya maaga rin ang uwian. Tamad na tamad na talaga 'kong pumasok at drop out na lang ang tanging nasa isip ko. Bakit ba kasi hindi iyon maintindihan ni dad? Usually kumakain kami nina Emily at Farah sa paborito naming kainan, bago umuwi ng bahay tuwing Friday, pero ngayon mga busy daw ang loko at may kanya-kanya silang lakad. Edi sila na, solo flight tuloy ako ngayon. Potato and Milktea boulevard ang paborito naming kainan sa labas lang mismo ng school. Muntik na ngang mapuno 'yong lugar pero buti nakahanap pa 'ko ng isang available table na good for two. Iniwan ko muna 'yong bag ko at saka ako um-order ng wintermelon milktea and large cheese fries. Kailangan kong kumain pampatanggal ng stress kakaisip sa daddy ko. Tamang scroll lang ako habang kumakain ng fries. Minsan napapakunot lang ang noo ko sa ingay ng mga magbabarkada sa paligid ko. Kung ano-anong kalibugan pinag-uusapan, nakalimutan ata nilang nasa public place sila. Sumipsip ako sa milktea nang medyo nauumay na 'ko sa fries. "Hi miss, pwede maki-table." Nabulunan ako sa milktea nang makita si Paulo na nakatayo sa harapan ko. Kumuha ako ng tissue at saka umubo nang umubo. "Hey are you okay? Kuha akong water." Umalis siya sa harapan ko. Letse! Para siyang mushroom na biglang sumusulpot at sakto pa talagang umiinom ako ha. Kumalma na ang lalamunan ko bago pa siya nakabalik. "Eto tubig ka oh." Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Tinanggap ko na lang ito at saka uminom. Nakakahiya. Ano bang ginagawa niya rito? Naka uniform pa siya at mukhang kakagaling lang din niya sa school. Familiar iyong uniform niya, oo nga; halos walking distance lang pala ang school niya sa school namin. Engineering ang nakasulat sa id lace niya. Nabanggit niya nga pa lang electrical engineer ang course niya. "Di ka pa tapos titigan ako?" His dimples showed up. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko namalayang natulala pala ako. "Anong ginagawa mo rito? Go have a seat." Uminom ulit ako ng tubig at hindi siya tinignan. "Napadaan ako rito ta's nakaramdam ako bigla ng gutom. Buti nakita kita, sakto." Tinignan ko na siya at pinigilan kong matulala ulit sa singkit niyang mga mata. "Really ha?" Ayokong mag-assume pero bigla kong naisip sila Farah. Hindi kaya may kinalaman sila rito at nagpanggap lang busy ang mga loko? Tumango siya. "Yep. Kanina ka pa ba rito?" Tinignan ko iyong fries ko na paubos na. "Oo eh. Patapos na rin ako. Ikaw, order ka na. Akala ko ba gutom ka." Tumawa siya. "Oo nga pala. Sige order lang ako saglit. Hihintayin mo naman ako diba?" Umawang ang labi ko pero lihim pa rin akong napangiti. "Sige, basta bilisan mo." Tumango siya bago nagtungo sa cashier. Napailing-iling na lang ako habang pinagmamasdan ang likod niya; likod pa lang niya halata na talagang gwapo, s**t. Bumalik siyang bitbit na ang mga orders na. Sakto namang naubos ko na ang fries at milktea ko. Umupo siya kasunod niyon ang pagtayo ko. "Oh siya mauna na 'ko sa 'yo." Tumingin siya sa akin nang may pagtataka. "Aalis ka na? Akala ko ba hihintayin mo 'ko?" "Ha? Sabi ko hintayin kitang maka-order after that I gotta go." Tumawa siya; nahumaling nanaman tuloy ako sa dimples niya. "Walang ka namang sinabing ganyan." Umiling-iling siya habang tumatawa pa rin. "Ha? Kakasabi ko lang," I resisted. "Come on, stay for a while." Ngumiti ang puso ko sa sinabi niya. Si koya naman pinapakilig ako. Lumawak ang ngiti ko nang maalala 'yong usapan namin kagabi. "Sige; in one condition." I smirked. "Anything Wendy." Umupo ulit ako. "Papakita mo sa 'kin 'yong picture ng crush mo, after mong kumain. Deal?" He laughed. "Sus iyon lang pala. Deal." Nagsimula na siyang lantakan iyong fries niya. Inalok niya pa nga ako pero sabi ko busog na ako. Parang nawawalan na 'ko ng pag-asa na ako iyong crush niya. Kasi confident siyang ipakita sa 'kin sa personal iyong picture nung babae after niyang kumain, so baka nga hindi ako iyon. Hays ano naman? At least text mate ko pa rin siya. "Sure ka busog ka na? Tikman mo 'tong barbeque fries oh." Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong inalok ni Paulo. "Busog na nga ako. Sige lang, kain ka lang nang kain diyan." Kinuha ko iyong phone ko at nagkunwaring busy na lang. Pumunta ako sa camera ng phone ko at doon ko siya sinilayan. s**t, photogenic din siya. Kahit sa pagnguya niya, lumalabas iyong dimples niya. Ang cute, tapos sumusulyap-sulyap din sa 'kin iyong singkit niyang mga mata. Hindi ko na natiis. I wanted to took a picture of him so I clicked. Tumunog iyong shutter ng camera kaya agad kong binaba iyong phone ko at patay malisyang uminom ng tubig. s**t. May tunog nga pala phone ko kapag kumukuha ng picture. Awkward tuloy, f**k. He laughed. "Isa pa." Nag-aalangan ko siyang tinignan nang may kunot sa noo. "Ha?" I was confuse. "Picture-an mo pa 'ko. Baka panget ako sa unang shot eh." Iyong tawa niya parang nang-aasar. Pilit akong tumawa at saka siya inirapan. "Sino namang nagsabi sa 'yong kinuhanan kita ng picture?" Lalo siyang tumawa. Imbes na maasar ako, kinikilig lang ako sa dimples niya. "Iyong cellphone mo; ang ingay ng camera eh." Umiling-iling siya habang natatawa pa rin. Hinimas ko ang hita ko at pilit nag-isip ng palusot. "Luh assuming. Ringtone ko 'yon 'pag may message." He nodded, still with his dimples showing. "Gano'n ba? Sige let me try." Kinuha niya iyong phone niya kaya kumunot ang noo ko. "Anong gagawin mo?" I asked. I flinched nang mag-vibrate iyong phone ko sa lamesa. Tumawa nanaman siya. "I messaged you. Hindi naman gano'n ringtone ah. Vibrate nga lang eh." I bit my lower lip. Edi okay, nahuli niya na 'ko. Umirap na lang ako. "Whatever Paulo; kumain ka na lang nang kumain diyan." He smirked. "Hindi mo ba titignan iyong sinend ko?" I shrugged. "Baka kalokohan nanaman iyan." Tumawa ulit siya. Punong-puno ata ng energy buong katawan niya eh. "Baliw, picture iyon ng crush ko," he said. Kinuha ko ang phone ko at saka tinignan iyong sinend niya. Tumalon ang puso ko nang makita iyong bikini picture ko sa pool na naka-post sa ig ko; I was pretty sure ito iyong accidentally niyang na-like kagabi. Oh my. Namilog ang mga mata kong tumingin sa kanya. He nodded kahit wala naman akong tinanong. "Yes; siya nga. Ang ganda 'no?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD