Chapter 6

2885 Words
"Daan tayong bookstore," sambit ko kay Paulo habang palabas kami sa Gong cha. "Sige; mahilig kang magbasa?" "Nung bata ako, oo. Ngayon gusto ko lang i-try magbasa ulit pero hindi na mga fictions." Nakangiti ako habang nagkekwento. Kumunot ang noo niya. "Ah anong ita-try mo?" "Mga self development books." Nakarating kami sa bookstore at naglibot agad ako. Nakasunod lang sa likod ko si Paulo habang hinahanap ko iyong gusto kong basahin. Napapatingin din ako sa mga fiction stories sa tuwing nadadaanan ko ito. It reminded me of my highschool days; noong mga panahong atat kami lagi ng mga kaibigan kong magpunta sa bookstores para lang magtingin ng mga bagong babasahin; para akong baliw niyon na patili-tili pa sa mga fictional characters. Napatingin ako kay Paulo nang maramdamang nakasunod pa rin siya sa 'kin. "Ikaw ba? Hindi ka mahilig magbasa?" He shook his head. "Hindi eh." I smiled and nodded. "So anong hilig mo?" Kumunot ang noo ko nang tinignan niya iyong shelf sa tapat namin. Para siyang may hinahanap at napangiti siya nang mahinto ang mata sa isang direksyon. May kinuha siyang libro at saka inabot sa 'kin. Kunot noo ko itong tinignan. 'You' A novel by Caroline Kepnes Nag-inet ang pisnge ko pero agad ko rin siyang tinawanan. "Kabahan na ba 'ko?" I asked. "Ha bakit ka kakabahan?" Binalik ko sa kanya 'yong libro. "Creepy iyong bida riyan eh. Si Joe, stalker siya tapos pumapatay." Tumawa siya. "Ah talaga ba? I didn't know." Binalik niya iyong libro sa shelf. "Pero don't worry, hindi ako pumapatay; stalker lang." Kumindat siya at saka pigil na tumawa. Natawa na lang ako napailing-iling kahit deep inside, kinikilig na talaga 'ko. Ang hot ng kindat niya, s**t. Pinalobo ko ang pisnge ko para maitigil ito sa kakangiti. Lumipat ako sa kabilang shelf at pinagpatuloy iyong paghahanap sa librong gusto ko. Sumunod pa rin sa 'kin si Paulo at kada susulyap ako sa kanya, dimples niya ang unang napapansin ko. Napangiti ako nang makita na ang librong kanina ko pa hinahanap. Kinuha ko ito at hinimas-himas; finally. Tumama ang braso sa 'kin ni Paulo nang tumabi siya sa 'kin. Naagaw niya nanaman tuloy ang atensyon ko. Nakatingin siya sa librong hawak ko. "Rich dad, Poor dad?" his brows furrowed. "Oo bakit? Alam mo ba 'to?" tanong ko at medyo umurong ako palayo sa kanya. Masyado kasi siyang malapit kanina, at sobrang nakaka-distract ang mabango niyang amoy. Ang hirap mag-focus. He shook his head. "Ano 'yan? Parenting book?" Natawa ako at hinampas iyong libro sa kanya. "Baliw. For adults 'to. Mga tips kung paano mag-handle ng pera at kung paano rin yumaman." Kumuha pa 'ko ng isang copy nung libro at saka ako naglakad patungong counter. Nakasunod pa rin sa 'kin si Paulo. "Dalawa bibilhin mo?" I smiled and nodded. "Oo. Para sa 'yo iyong isa. Just try to give it a shot. Marami ka raw matututunan dito." Tumawa siya at tumango. "Sige, sabi mo eh." Lumawak ang ngiti ko. Buti madaling kausap si Paulo. Feeling ko vibes talaga kami. s**t, I couldn't wait to know more about him. Pagkatapos naming bilhin iyong libro, nagdesisyon na kaming umuwi. Ayoko pa nga sana kaso feeling ko baka hanapin na 'ko ni daddy; mainit pa naman ang dugo niya sa 'kin ngayon. Nagpresinta si Paulo na ihatid ako since padilim na rin ang paligid. Gusto ko pa siyang makasama kaya pumayag na ako. Bahala na kako kung makita siya ni daddy. Palagi namang disappointed sa 'kin iyon kahit gawin ko iyong mga gusto niya, so why not gawin ko na lang iyong mga gusto ko. "Okay ka lang ba? Gusto mo ihinto ko na lang iyong kotse sa tapat ng bahay bago iyong sa inyo? Para hindi makita ni daddy mo na may naghatid sa 'yo." Nakatingin lang si Paulo sa daan habang nagmamaneho. "Hindi okay lang 'yan. Edi 'pag nakita niya 'ko, edi nakita." Pilit akong tumawa kahit medyo kinakabahan talaga ako sa desisyon ko. "Seryoso ka ba? Mukha kang kinakabahan eh. I'll just drop you near your house." I sighed. "Sure nga ako. Diba sabi ko sa 'yo risk taker ako. Kaya ite-take ko na 'tong risk na 'to. Bahala na kung anong reaction ni daddy kapag nakita ka niya. Besides, gawin ko man iyong gusto niya o hindi, disappointed pa rin siya sa 'kin so... wala ng mawawala." Sumulyap sa 'kin si Paulo at tipid na ngumiti. Thanks to his dimples, napunta roon ang atensyon ko. "Kanan, kaliwa?" he asked. Napatingin ako sa daan. "Kanan." Tumango siya at saka pinasok iyong kotse sa kanang kanto. Nang matanaw ko iyong bahay namin, doon ko pa lang naramdaman ang mga kabayong tumakbo sa puso ko. Shocks, nakakaba pala. Nagbuntong hininga ako, masyadong mabigat ang mga horses sa dibdib ko. "Sabihin mo sa 'kin 'pag hihinto na 'ko ha." Paulo spoke na nagpabalik sa 'kin sa huwisyo. "Iyan, hinto mo na." Daig ko pa ang lalaban sa competition sa kaba na naramdaman ko. Mahigpit si daddy, no wonder. Sana umalis sila ni mommy o kaya naman, nasa kwarto na sila. Basta sana hindi nila makita si Paulo. Ewan ko ba, kanina confident ako na ipaglaban iyong sarili ko kung sakali mang makita nila 'kong may kasamang lalake, ngayong nasa tapat na 'ko ng bahay namin, biglang umurong ang buntot ko. "Iyan bahay ninyo?" Napatingin ako kay Paulo at nakasilip na rin siya sa bintana sa gilid ko. I nodded. "Salamat Paulo ha; you made my day." Ngumiti ang singkit niyang mga mata. "Anytime, Wendy. Message me, anytime." Gusto ko siyang yakapin pero nahihiya ako. Hinimas ko na lang ang hita ko. "Pa'no ba iyan. Hindi na kita papababain ha? Alam mo na." Tinago ko sa tawa ang kaba ko. He nodded. "Sige, basta if anything goes wrong, message mo lang ako." Napangiti ako. "Sige. Ingat ha." Tumango siya. Kumaway ako bago bumaba sa kotse niya. Hinintay ko rin itong makaalis bago ako pumasok sa gate. Nagbuntong hininga ako at nilibot ang paningin. Sarado ang pinto namin at wala namang tao sa labas, sana talaga walang nakakita na may ibang kotse na naghatid sa 'kin. Buti na lang at mukhang busy sila mommy and daddy. Hindi ko sila nakita sa sala kaya dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Nag-half bath muna ako bago ko ibinagsak ang katawan ko sa kama. Umukit ang ngiti sa labi ko nang maalala ang mga nangyari kanina sa mall kasama si Paulo. Minsan parang nabibigla pa rin ako na may gwapo ako ka-date. Teka, date ba ang tawag sa ginawa namin? Tss, it doesn't matter anyway, basta nagkita kami and we both had fun. Kinuha ko iyong phone ko at saka ako dumapa. Mag-ii-scroll pa lang ako nang bigla nag-ring iyong phone ko. Paulo Alistare Calling... Kasing ganda nanaman ng bahaghari ang ngiti ko. Nagpapadyak ako sa kama at saka kinalma ang sarili bago ko sinagot iyong tawag niya. Kinabit ko iyong earphones, pero hindi ako nagsalita. I waited for him to say something. "Kamusta?" he asked. Tinakpan ko ang bibig kong gusto sanang tumili. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at saka ako nagpapapadyak. Ang gwapo rin ng boses niya sa call; oh my! "Hello?" he asked again. Nilayo ko iyong mic sa bibig ko at huminga muna ako nang malalim; kalma self. I cleared my throat. "Uy hello Paulo." Pinalobo ko ang pisnge ko para lang mapigilan ang pagngiti. He laughed. "Akala ko hindi mo ko naririnig." "Ah kanina medyo choppy," palusot ko. "Ganoon ba? I see. Kamusta naman? May sinabi ba sa 'yo iyong parents mo?" Humiga ako at ang kisame naman ang nginitian ko. "Gladly, hindi nila ako nakita. Wala rin sila sa living room; mga busy ata." "Ah buti na lang, mukhang nakakatakot pa naman ang daddy mo, base sa kwento mo." Tumawa siya. Napangiti ako at napailing. "Hindi lang mukha; nakakatakot talaga. Ikaw ba kamusta?" As much as possible ayoko munang pag-usapan sina daddy kaya iniba ko na lang ang topic. "Okay lang din. Hindi naman strict magulang ko kaya pwede kong gawin kahit anong gusto kong gawin, except sa mga kalokohan syempre." Humawak ako sa dibdib kong kakaiba ang t***k. Para akong nakikinig sa magandang musika, sa ganda ng boses niya. "Ah siguro kasi lalake ka, kaya hindi sila mahigpit." I sighed. Tumawa siya. "Ganoon ba 'yon? Hindi naman siguro. Baka gano'n lang talaga sila magpalaki ng anak. Iba't iba naman way ng mga magulang diba." I smiled. "Edi maswerte ka pala," pabulong kong sambit. "Syempre, pero I'm sure maswerte ka rin sa magulang mo. Sadyang hirap pa lang kayong mag-meet in the middle ngayon." Napangiti na lang ako. Nakakatuwang kausap si Paulo, hindi siya puro kalokohan lang kagaya ng ibang lalake. May laman ang sinasabi niya, madalas. "Siguro nga." I laughed. "Only child ka ba?" Iniba ko ulit iyong topic dahil ang gloomy 'pag usapang parents ko. "Yep. Ikaw ba?" Lumawak ang ngiti ko. "Same." He laughed in amusement. "Ano namang pakiramdam mo na only child ka lang?" "Sa totoo lang, gusto ko sana may kuya ako." Nakangiti pa rin ako, as if nasa harapan ko si Paulo. "Kuya?" Paulo laughed. "Bakit naman? Gusto mong may mang-aasar lagi sa 'yo?" Natawa rin ako. "Baliw. Gusto ko may magtatanggol sa 'kin syempre, lalo na kay daddy." "Paano mo naman nasabing ipagtatanggol ka ng kuya mo? Kung mayroon man." Tinaas ko ang kilay ko. "Bakit ikaw ba? Kapag may bunso kang kapatid, hindi mo ipagtatanggol?" Non stop pa rin ang pagtawa niya. Na-imagine ko tuloy bigla ang dimples niya. "Syempre ipagtatanggol." "Oh, ipagtanggol naman pala eh. Ganoon kasi ang mga kuya." "Hayaan mo na; ako na lang ang magtatanggol sa 'yo." Natawa ako. "Sa daddy ko?" "Sa lahat syempre, pero sa daddy mo, uhm..." Lumakas pa ang tawa ko kaya napatakip ako sa bibig ko. "Joke lang. Syempre 'di mo pwedeng tutulan si daddy. Baka ma-bad shot ka agad sa kanya." He laughed. "Oo nga magiging daddy ko pa naman siya sa future." Uminit ang pisnge ko. "Baliw--" I paused when Someone knocked on my door. "Anak?" My mom's voice was coming from the door. Nanlaki ang mga mata ko. "Hey Paulo. Nandito si mommy, wait lang ha. I'll hang up." "Sige bye Wendy." I ended the call at saka ako umayos ng upo. Sumandal ako sa headboard ng kama at huminga akong malalim. "Pasok po, mommy." Bumukas ang pinto at tuloy-tuloy na pumasok si mommy. Umupo siya sa tabi ko. "Kamusta anak, sa'n ka galing kanina?" Sinuklay ng daliri niya ang buhok ko. "Ah nag-mall lang po ako." Pilit akong ngumiti. "May kasama ka ba?" "Ah, mayroon po... kaibigan ko." Tumango si mom. "Si Emily?" I smiled and nodded. "Opo mom." May batong pumatong sa dibdib ko. I just lied to my mom pero kasi siguradong makakarating kay daddy if ever mang malaman ni mommy na may kasama akong lalake. "Naku nag-shopping ka nanaman ba?" Tinawanan ko si mom. "No mom, nagtitipid na po ako. I told you nag-iipon po talaga 'ko para sa business... k-ko." Yumuko ako. Kahit ano nga palang sabihin ko, hindi sila maniniwala sa 'kin. "Mabuti iyan nak. Matuto kang mag-ipon." Tumango na lang ako. "Inaantok na po 'ko mommy." "Anak, galit ka ba kay mommy?" Napatingin ako kay mom. Nakita ko ang concern sa mga mata niya. "Hindi naman po." Nagtatampo lang naman ako. "Anak sana maintindihan mo ang daddy mo ha; mahal na mahal ka namin kahit pinaghihigpitan ka lalo na ng daddy mo. We only want the best for you." Umiwas ako ng tingin. "Sige po," iyon na lang ang nasambit ko. Sinabi ko na nga kay mommy na naiintindihan ko sila. Ang gusto ko lang naman, maiintindihan din nila ako. They want the best for me and so I want the best for myself. Mom sighed. "Sige na anak, matulog ka na." Tumango ako nang hindi na ulit tinitignan si mommy. "Sige po. Good night." Mommy kissed my cheek. "Goodnight, anak." Monday nanaman, ang pinakanakakatamad na araw para pumasok. Bakit kasi two days lang ang weekends? Lugi naman. Ang bigat na ng mga mata ko pero pilit ko pa ring tinutuon ang atensyon sa prof naming nagsusulat sa board. Siniko ako ni Emily. "Ano ng relationship status ninyo ni mister dimples?" bulong niya na nangingisi-ngisi pa. Kumunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo riyan?" May pa mister dimples, mister dimples pang nalalaman si Emily. Pwede namang Paulo na lang. "Sis naman, wag ka ng in denial. Kayo na ba?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Anong kami na? Agad-agad?" Pinigilan niya ang pagtawa niya. "Bakit hindi? Gwapo naman siya ha." "Miss Soriano and Miss Guansing! Would you mind sharing your thoughts with us?" Umayos kami ng upo nang tinawag kami ng prof. Hinimas ko ang hita ko. Napakadaldal kasi ni Emily eh. Yumuko na lang ako at hindi nagsalita. Hindi rin nagsalita si Emily kaya sumama lang ang tingin sa 'min ng prof pagkatapos ay pinagpatuloy na niya ang pagdaldal sa harap. I sighed. Akala ko mapapalabas nanaman ako eh. Natapos iyong klase na buong oras lumilipad lang iyong utak ko. Pumunta kami ni Emily sa cafeteria para roon mag-merienda. "Buti na lang hindi masyadong terror prof natin kanina." Emily laughed bago kumagat sa burger niya. Inirapan ko siya. "Napakadaldal mo kasi; nadadamay tuloy ako." Tumawa nanaman siya at pinunasan ng tissue iyong ketchup sa gilid ng labi niya. "Sorry na. Curious lang naman ako sa love story ninyo ni mister dimples." Kumunot ang noo ko. "Sino bang nagsabi sa 'yong tawagin mo siyang mister dimples?" Emily chuckled. "Luh? Selos ka na agad do'n? Edi hindi na." Lalong nagsalubong ang kilay ko. "Anong selos? Tinatanong ko lang sa'n mo nakuha iyong tawag sa kanya na mister dimples." Tamang kain lang ako ng fries habang nakakunot ang noo. Ang kulit kasi ni Emily, pasalamat siya kaibigan ko siya. "Saan pa ba? Edi sa dimples ni Paulo. Ang cute kaya, bagay na bagay sa kanya. Tapos chinito pa siya; mukha siyang Kpop hearthrob." Binato ko iyong isang piraso ng fries sa mukha niya. Naharang naman ito ng palapulsuhan niya. "Tumahimik ka nga riyan." Emily laughed harder. "Hala selos nga si bakla. Wag kang mag-alala, hindi ko aagawin sa 'yo boylet mo." Tumawa ako at umiling-iling. "As if magpapaagaw." Umawang ang labi ni Emily at sarkastiko siyang pumalakpak. "Confident si bakla; ayos ah." Tinawanan ko na lang ulit siya at nag-focus na lang sa fries ko. "Pero seriously, kamusta na kayo sis? Marami ka na bang nalalaman tungkol sa kanya?" tanong nanaman ni Emily. Napangiti ako habang umiinom ng pineapple juice. "Sakto lang," sagot ko pagkatapos uminom. Lumawak ang ngiti niya. "Ay sus, jackpot ka talaga riyan if ever mang maging kayo." Para siyang highschool na kiti-kiting kinikilig. I laughed. "Kung magiging kami." "Malay mo naman girl. Kita mo nga, nakikipag-usap pa rin siya sa 'yo hanggang ngayon. Wag ka lang sanang i-ghost, masakit iyon tss." Natawa ako nang maalala iyong mga moments na umiyak si Emily dahil biglang hindi nagparamdam iyong mga kalandian niya. "Halata ngang masakit eh, ang dami mong iniyakang lalake noon." "Shut up." Tumawa nanaman si Emily at napailing-iling. "Cringe 'pag naaalala ko." Kinuha ko iyong phone ko sa lamesa nang mag-vibrate ito. Lumawak ang ngiti ko. Tapos na class mo? - Paulo Alistare. Nag-type agad ako. Yes :)) bakit?  I flinched nang batuhin ako ni Emily ng tissue. "Hoy si Paulo iyan 'no? Abot langit ngiti ni bakla." Tinawanan ko lang si Emily at tinuon ulit iyong atensyon sa phone ko. Tara, merienda tayo? - Paulo Alistare. Tinignan ko iyong pinaglagyan ko ng fries at iyong pineapple juice kong ubos na. Dapat pala hindi na 'ko nag-merienda rito, kung alam ko lang na aayain ako ni Paulo. "Emily, inaaya niya 'ko mag-merienda." Lumawak ang ngiti ni Emily. "Talaga? Oh gorabels na, para magka-moment na ulit kayo." "Eh nag-merienda na 'ko." Hinimas ko ang hita ko. "Bakla edi mag-merienda ka ulit. Ang laki ng problema mo ha." Tumawa si Emily at umiling. Natawa na lang din ako. Syempre, gusto ko lang nang may magpu-push sa 'kin na gumora; thanks to Emily. Nag-type na ako ng reply kay Paulo. Sure. Saan tayo magkikita? Sunduin na lang kita. Hintayin mo 'ko sa labas ng gate ng school ninyo :))  - Paulo Alistare. Lumawak ang ngiti ko. Kinuha ko agad iyong pouch ko sa bag at saka ako nag-retouch. Tinawanan ako ni Emily pero hindi ko siya pinansin. Nagkabit ulit ako ng natural red lipstick ko at nag-blot lang ng mukha. Hindi na 'ko naglagay ng blush kasi pinapapula naman na ni Paulo ang pisnge ko. "Saan kayo kakain sis?" tanong ni Emily habang pinapanuod pa rin akong magpaganda. "Di ko pa alam eh." Binalik ko iyong pouch sa bag ko at saka ko inayos iyong mga gamit ko. "Susunduin niya na lang daw ako sa labas ng gate." Tumayo ako at saka excited na tumawa. Tumayo na rin si Emily. "Sama ako." Sinamaan ko siya ng tingin at saka ko sinakbit iyong sling bag sa balikat ko. "Ayain mo mga boylet mo, gaga. O'siya bye na ha." Kumaway ako ng paalam kay Emily. Tumawa naman siya at tumango. "Enjoy your merienda. Ingat at baka iba makain ninyo." Hinampas ko siya bago ko siya tuluyang malagpasan. "Gaga ka," pahabol kong sambit kay Emily, bago ko binilasang maglakad patungo sa front gate ng school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD