Chapter 3

1092 Words
"Pau, I want you to meet my close friends; Wendy and Emily." Pilit kong nginitian si Paulo at saka ako nagkunwaring busy sa phone ko. "Nice to meet you guys." Gusto ko na sanang umirap pero buti na lang napigilan ko. Wag niya sabihing hindi niya ako nakilala? Simple lang naman ang makeup ko, malamang napansin niya ng ako 'yong kinita niya. Siguro acting innocent na lang siya. "Wendy and Emily, this is Paulo, my cousin." Nag-angat ang tingin ko kay Farah at bumungad sa 'kin ang nang-aasar niyang ngiti. Kumagat ako sa labi ko at pinigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko. Tumawa naman si Emily kaya hinampas ko siya. "Hi Paulo." Bati ni Emily sa kanya at kumaway pa. Sinamaan ko nga ng tingin si Emily, parang gusto pa niyang gawing boylet 'yong boylet ko. "Alistare! Come here, may papakita kami sa 'yo." Nilingon ni Paulo 'yong lalakeng tumawag sa kanya mula sa kabilang table. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya nang humarap ulit siya sa 'min at saktong nagtama ang mga mata namin. Nahuli ko pagkurba ng maliit na ngiti sa labi niya na lihim ding nagpangiti sa 'kin. "Teka lang ha, tignan ko lang 'yong sinasabi nung mga 'yon." Paalam ni Paulo at saka siya umalis sa table namin. Hinampas ko agad si Farah nang tuluyang makalayo si Paulo. "Walang hiya ka bakit 'di mo sinabi sa 'king pinsan mo 'yon?" Nagpipigil siya ng tawa habang himas 'yong braso niyang hinampas ko. "Ha? Bakit ko sasabihin? Grabe Wendy, don't tell me crush mo 'yong pinsan ko." "Ano ka ba Farah, you're missing out nanaman. Pinsan mo 'yong ka-meet up niya noon, na nakilala niya sa Bumble." Nagniningning ang mga mata niya habang kita sa labi niya ang pagkabigla. "Oh wait for real? Tama pa lang 'yong hinala ko." Natatawa siya na naiiling. "Akala ko nung una kapangalan lang." "Anong kapangalan lang? Baka hindi mo lang talaga gustong sabihin. Nakakainis ka talaga minsan." I crossed my arms at inirapan siya. Lalo lang siyang natawa. "Anong ayaw sabihin? Napakaraming Paulo sa mundo, malay ko bang iyong pinsan ko 'yong nakilala mo. Ayaw mo ngang sabihin buong pangalan nung kausap mo kasi baka kamo i-stalk namin sa f*******: o tignan mo ngayon pinsan ko pala." Naghampasan sila ni Emily kakatawa habang nagpipigil naman ako na tumawa. Pasimpleng hinanap ng mga mata ko si Paulo at agad ko naman itong natanaw. May kausap siyang dalawang lalake at mukhang masaya ang pinag-uusapan nila. "Farah nabanggit niya ba sa 'yong may kausap siya sa Bumble?" Nagtataka kasi ako kung bakit 'di niya binanggit na ako iyong ka-meet niya noon. Imposible talagang hindi niya ako nakilala. "Wala naman. Hindi naman kami madalas magkwentuhan niyon. Minsan lang 'pag may family gatherings." Tumango ako. "Tingin mo nakilala niya na ako 'yong ka-meet up niya dati?" Nagtinginan sina Farah at Emily nang may ngiting makahulugan. Sinimangutan ko nga sila. "Malamang Wendy." Si Emily na ang sumagot. "Eh bakit 'di niya nabanggit kanina nung nakita niya 'ko? Parang hindi nga siya nabigla eh," paliwanag ko. "Gago ka ba? Hindi ka naman nakatingin sa kanya nung mga unang segundong nakatitig siya sa 'yo. Edi sana nakita mo kung pa'no magulat ang mga chinito." Tawa pa rin nang tawa si Emily. "Ah talaga nagulat siya?" Hinampas ako ni Farah. "Oo nga, 'di niya lang pinahalata, parang ikaw." "Farah!" Sasagot pa sana ako kay Farah pero may tumawag sa kanya na nilingon niya naman agad. "Tara sa photo booth; picture tayo." Aya nung babae sa ibang table. "Oh pa'no ba 'yan guys, maiwan ko muna kayo. Mamaya tayo naman ang mag-picture sa photo booth. For now enjoy-in ninyo muna ang party ko. Feel free na maglibot-libot sa resort." Nagsimulang maglibot si Emily sa labas ng haul; noong una ay hila-hila niya pa ako hanggang sa may nabunggo siyang gwapong lalake at hindi niya na ito tinigilan; nakipagkwentuhan siya kay kuyang pogi kaya iniwan ko na lang silang dalawa at nag-solo ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng mini playground. Nagtungo ako roon at naupo sa may duyan. Mahina ko lang itong inugoy gamit ang mga paa ko. "Hi." Napaangat ang ulo ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Parang gustong kumawala ng puso ko nang makita si Paulo na papalapit sa 'kin. Umupo siya sa isa pang duyan na katabi lang ng akin. Kinain nanaman ng hiya ang buong pagkatao ko. Hindi talaga ako ready na makita siya ngayon. Wala tuloy akong maisip na pwedeng sabihin. "Hello." Sagot ko na lang. "Kaibigan mo pala si Farah." Mahina siyang tumawa "What a coincidence." Hindi ko pa rin siya tinignan pero napangiti ako dahil sa cute niyang tawa. "Yeah, small world." Sabi ko na lang habang nakatanaw sa kawalan at dinadama ang malamig na hangin ng gabi. Nabalot nanaman ng katahimikan ang paligid. Inisip ko tuloy kung aalis na ba 'ko rito. No, ayoko nga, masyadong masarap 'yong hangin dito para iwan ko. "Angas ng damit mo ha." Pinuri ko na lang siya nang maalalang mahilig nga pala siya sa usapang damit. Siya naman ang nakatingin sa kawalan. Kitang-kita ko tuloy 'yong dimples niya at 'yong perfect bridge ng nose niya pati na rin ang nakakaakit niyang jawline. "Yours too." Tumalon 'yong puso ko nang magtama ang mga mata namin, idagdag pa 'yong biglaan niyang pagngiti. "You're stunning." Naramdaman kong uminit ang pisnge ko kaya yumuko ako pero hindi ko naman napigilan ang pagngiti. "Bolera ka pero thank you." Tumawa siya. "Hindi ako bolera ha. Honest 'to." Tumango ako habang hindi maalis ang ngiti sa labi ko. "Sige sabi mo eh." Nabalot nanaman ng katahimikan ang paligid. Tumingin ako sa mga bitwin at nag-isip ng pwede pa naming mapag-usapan. Umubo siya pero halata namang peke "So..." Kumunot ang noo ko at tinignan siya. "So what?" "I guess this is a sign." Lalong lang lumabas sa mukha ko ang pagtataka. "What sign?" Dinilaan niya 'yong labi niya. Napansin ko tuloy ang pagkapula nito. "Iyong pagkikita natin, baka sign na 'to na hindi talaga tayo hanggang Bumble lang." Napaawang ang labi ko at tumawa na lang nang wala akong naisip na pwedeng sabihin. "Anong ibig mong sabihin." Tumawa nanaman siya at kumamot sa ulo niya na parang nahihiya. "Basta ano... uhm..." Tumayo siya at nagtungo sa harapan ko. "Friends?" Napatingin ako sa kamay na nilahad niya sa 'kin. Tumango ako. "Friends." Napangiti ako nang maramdaman ko ulit ang malambot niyang kamay. "For now." Dugtong niya. Napakunot ang noo ko. "Ha?" Mahina siyang tumawa. "Friends for now, lovers in the future, maybe."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD