Chapter 7

3052 Words
"Ang bango, lalo akong nag-crave," sambit ko. Umupo ako sa chair sa gilid mismo ng wall. Nilapag ko iyong sling bag ko at nag-bun ako ng buhok, para walang sagabal mamaya sa pagkain nang marami. Umupo na rin si Paulo sa harapan ko. Inayos niya iyong bag niya sa tabi niya nang may ngiti sa labi. "Sa akin o sa pagkain?" bigla niyang tanong. Kumunot ang noo ko pero natawa rin ako agad nang maalala iyong sinabi ko; I was craving. "Pwede both?" I joked na mas lalong nagpatawa sa 'ming dalawa. Sa Romantic baboy namin napiling kumain ni Paulo. Natatakam kasi ako sa mga foods ng Korean sa tuwing nanunuod ako ng Kdrama. Si Paulo naman mahilig sa ramen kaya nagkasundo kami. May lumapit na waiter at naglapag ng dalawang menu sa table namin. I smiled to her bago tinignan iyong menu. "Ramen sa 'yo 'no?" tanong ko kay Paulo. "Oo," tipid niyang sagot. Napatingin ako sa kanya, nagtama ang mga mata namin kaya agad kong binalik iyong tingin sa menu. "Iyon lang iyong sa 'yo?" tanong ko ulit. "Oo; diet ako eh." He laughed. Tumawa na lang din ako. Hindi naman siya mataba para mag-diet, actually maganda na nga iyong katawan niya. Lakas maka-oppa. "Sige ramen din ako, tsaka kimbap," sambit ko sa kanya. Ngumiti naman siya. "Drinks mo?" "I'm good sa water." Hindi kasi talaga ako masyadong ma-soft drinks nor juice. "Sige ako rin." He smiled to me bago tinawag iyong waiter. While waiting, tinignan ko muna iyong board sa gilid namin. I didn't know may mga ganitong pakulo rin pala rito. Maraming nakadikit sa board na sticky notes at kung ano-anong nakasulat doon. Napangiti ako nang maalalang may sticky note sa bag ko. Kukuhanin ko na sana 'to pero biglang tumawa si Paulo kaya napatingin ako sa kanya. Kumunot ang noo ko nang makitang may hawak siyang isang sticky note habang umiiling-iling pa siyang nakangiti roon. "Hey." I called him. "Ano 'yan?" tanong ko, out of curiosity. Inabot niya sa 'kin iyong papel kaya kinuha ko ito at binasa ang nakasulat. "Want to f**k? Just dm me on Ig; @adamperial." Tumawa nanaman si Paulo habang napailing-iling lang ako sa kalokohan ng kung sinomang nagsulat nito. "Tawang-tawa ha," sambit ko. "Kilala ko kasi iyong nagsulat niyan." Kumapit na siya sa tiyan niya sa kakatawa. "Tropa ko, actually." Umawang ang labi ko at mas lalong napangiti. "Talaga ba?" Tumango-tango siya. "Oo; loko-loko talaga iyang si Adam." "Edi loko-loko ka rin pala?" Napailing-iling ako habang nakangiti pa rin. Binalik niya iyong sticky note kung saan niya ito kinuha. "Syempre hindi; ibahin mo 'ko kay Adam." Tumawa ako. "Talaga lang ha? Naku baka may makita ako ritong sinulat mo ring kalokohan ha." Nilibot ko ulit iyong paningin sa board. "Sige tignan mo kung may makita ka." Sumingkit ang mga mata ko nang matanaw ang pangalan ni Paulo sa isang sticky note. Kinuha ko ito. "I miss you, Paulo. Please bumalik ka na sa 'kin - Gwen Almonte." I read it out loud habang kunot ang noo. "Ha?" Pinaningkitan ko si Paulo ng tingin. "Who's Gwen?" Uneasiness flashed on his face. "Patingin." Inabot ko sa kanya iyong paper at siya mismo ang nagbasa nito. Seryoso lang ang mukha niya hanggang sa unti-unti siyang tumawa. "Di naman ako 'to eh." Binalik niya iyong sticky note sa board. Lalo lang naningkit ang mga mata ko. "Anong hindi ikaw, eh pangalan mo nakalagay." Lalo siyang tumawa. "Hindi lang naman ako ang Paulo sa mundo." Hinimas ko ang hita ko habang inuusisa ko lang ang mukha niya. Parang may hindi siya sinasabi eh, may nag-iba sa mukha niya noong nabanggit ko iyong Gwen. Nakangiti lang siya sa 'kin habang seryoso lang akong nakatitig sa kanya. Pinilit kong wag magpa-distract sa dimples niya pero ang hirap na hindi 'yon mapansin. Naiwas ang tingin ko sa kanya nang may naglapag na ng tubig sa table namin. "So wala kang kilalang Gwen?" Nagsalin siya ng tubig sa dalawang baso at saka niya inusog iyong isa palapit sa akin. Uminom muna siya bago ako muling tinignan. "Mayroon, pero iyong nasa sticky note, for sure kapangalan ko lang." He shrugged. Tinaas ko ang isang kilay ko. "Weh?" He laughed. "Oo nga, at saka kung ako man iyong tinutukoy sa sulat, wag kang mag-alala, hindi ko na siya babalikan; may Wendy na 'ko eh." Napairap ako pero tinawanan ko rin ang sinabi niya. Buti na lang dumating na rin iyong order namin; wala na rin kasi akong maisip na isasagot at napuno na ng kilig iyong utak ko. Nagsimula akong kainin iyong ramen ko at ganoon din si Paulo. Hindi ko naman naiwasang mapangiti minsan, kada naaalala ko iyong sinabi niyang may Wendy na siya. Kalma self, baka kapangalan ko lang. Napatigil ako sa pag-kain nang mag-ring iyong phone kong nakapatong sa table. Daddy calling... Kumabog ang puso ko nang makita kung sino iyong tumawag sa 'kin. I looked around, baka mamaya nandito rin si daddy at nahuli ako, shocks. Nagtama ang mga mata namin ni Paulo. "Hindi mo sasagutin?" he asked. Kinuha ko iyong phone ko at sinenyasan si Paulo na wag mag-ingay. Tumango naman siya. "Hello dad?" Hinimas ko ang hita ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nagwawala ang puso ko. "Where are you?" Nilibot ko ulit ang paningin. Wala naman akong nakitang kakilala nina mommy and daddy. "Sa... mall po daddy. Dumaan lang po ako saglit." Mariin akong pumikit. I was freaking nervous. "Sinong kasama mo?" Kinagat ko ang ibabang labi ko. "A-ako lang po." "Umuwi ka na." "Po?" "Now," he declared. "S-sige po." Dad ended the call. Huminga ako nang malalim at nahihiyang binalik ang tingin kay Paulo. "Pinapauwi na 'ko ni daddy." Tinignan niya iyong ramen ko at hindi pa ito ubos; iyong kanya rin hindi pa. "Gano'n ba. Hatid na kita." "Wag na Paulo. Baka hinihintay nila 'ko sa bahay at baka makita ka nila." Himas ko pa rin ang hita ko. Nanghihinayang ako at gusto ko pa sanang maka-bonding si Paulo kaso nakakatakot ang boses ni daddy. "Gano'n ba? Sige i-book na lang kita ng grab." Tumango ako. "That'll work. Ubusin na lang natin iyong food nang mabilisan then takeout ko na lang iyong kimbap. Ikaw na mag-uwi, Paulo." Napatingin ulit siya sa 'kin. "Ba't ako? Order mo iyan eh." "Sige na please... sabi ko kasi kay daddy, dumaan lang ako sa mall saglit. Hindi ko sinabing nag-samgyup ako." Tumango siya. "Sige, pero ibabalik ko sa 'yo iyong kimbap ha." Napatawa niya ako. "Baliw, kainan mo na Baka sira na iyan 'pag binalik mo." Tumawa rin siya. "I mean papalitan ko." "Ah linawin mo kasi." I chuckled. Uminom na ako ng tubig. "Sige salamat, Paulo ha." He smiled. "No problem." Biglang bumigat ang dibdib ko nang makita na si daddy na nakaupo sa mahabang sofa sa sala. Hindi niya 'ko nakita dahil nakatalikod ang pwesto niya mula sa 'kin. Huminga ako nang malalim, bago lumapit sa harapan niya. "Daddy." Magmamano sana ako, pero bigla niyang iniwas ang kamay niya. "Ba't ngayon ka lang?" Matalim pa sa kutisilyo ang tingin niya sa 'kin. Napaatras ako nang tumayo siya. "D-diba po dumaan ako sa mall." Hinimas ko ang hita ko. Tuluyang nilamon ng kaba ang dibdib ko. "Sinong kasama mo?" "A-ako nga lang po." Malakas na sampal ang dumapo sa pisnge ko. Nanginig ang buong katawan ko. "Sinungaling!" Kumabog ang dibdib ko sa sigaw ni daddy. Nangilid ang mga luha ko kasabay ng paghawak ko sa pisnge kong tila namanhid. Nag-angat ako ng tingin kay daddy pero napaiwas din agad ako sa nanlilisik niyang mga mata. "Nakita kitang may kasamang lalake kanina! Sino iyon ha? Boyfriend mo?! Kaya ba gusto mong huminto ng pag-aaral dahil gusto mo na lang lumandi?!" "Daddy hindi ko po iyon boyfriend." Sinampal niya ulit ako at sunod-sunod ng bumagsak ang mga luha ko. "Hindi mo boyfriend pero tinatago mo sa 'kin?!" Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko na alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili. "Wendy mag-e-eighteen ka pa lang! Ang bata-bata mo pa para sa mga ganyang bagay--" "Hindi ko naman nga po siya boyfriend--" "Tama na! Ayoko ng makarinig ng kasinungalingan mo. Pinatuyan mo lang sa 'kin na hindi tamang huminto ka ng pag-aaral. Iyong mga huling grades mo, puro mababa! Tapos may boyfriend ka pa?! Eh anong gusto mong mangyari sa 'yo? Mabuntis nang maaga." "Daddy hindi naman po--" "Sabi ng wag ka ng sumagot!" Napaatras ako sa sobrang lakas ng sigaw niya. "You're grounded, Wendy! Simula ngayon ipapahatid at ipapasundo kita sa driver natin. Hindi ka na pwedeng magpunta sa kung saan-saan pagkatapos ng klase mo! Ibibilin ko sa driver na dumiretso agad ng bahay pagkasundo sa 'yo at sa oras na gumawa ka nanaman ng kalokohan, humanda ka. Hindi ka na makakalabas sa bahay na 'to; tandaan mo iyan." Daddy walked away after he almost killed with his sharp eyes and words. Bumagsak ang katawan ko sa sahig habang patuloy na nanginig ang buong katawan ko. Sinapo ng palad ko ang mukha kong bumabaha ng luha. Pumalipit ang dibdib ko sa sikip. Nakakasakal na talaga si dad, pero wala akong magawa... ang hirap-hirap, pero hindi ako dapat lumaban kasi tatay ko siya... sobrang hirap maging anak niya, s**t. Tamad na tamad akong pumasok pero wala akong choice lalo't hatid sundo ako ng driver namin. Buti na lang may vacant kami every Thursday, tamang tambay lang kami ni Emily sa library. Actually busy si Emily sa harap ng laptop niya; inaasikaso niya ata iyong report niya habang busy lang ako sa pag-ii-scroll sa social medias ko. "Hey," pabulong akong tinawag ni Emily. Nakaupo siya sa harapan ko. Inalis ko iyong earbuds ko at tinaas lang ang isang kila ko. "Kanina ko pa napansin pero ngayon ko lang naisip tanungin... bakit parang umiyak ka?" Kumunot ang noo ko pero mahina ko rin siyang tinawanan. "Baliw, hindi." Binalik ko iyong tingin sa phone ko. "Liar. L.q agad kayo ni Paulo?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Hindi sis. Hindi nga ako umiyak." Gigill pero pilit ko pa ring hininaan ang boses ko. "Eh bakit namamaga mata mo?" Napairap ako. "I don't know. Nasobrahan ata sa cellphone." Tinawanan ako ni Emily pero hindi ko na ulit siya pinansin at binalik iyong tingin sa phone ko. Buti naman at tumahimik na rin siya at pinagpatuloy na iyong ginagawa niya. Binalik ko iyong earbuds sa tainga ko. Wala pa 'kong plano i-share kay Emily na grounded ako at pinagalitan ako ni dad. Baka maiyak lang ako sa harapan niya lalo't medyo masikip pa rin ang dibdib ko sa mga salitang sinabi ni dad. Huminga ako nang malalim at pilit itinuon ang atensyon sa pag-ii-scroll ko. Ayoko munang isipin ang mga problema at sumasakit lang ang dibdib at ulo ko. "Pst. Uy!" Binato ako ni Emily ng crumpled paper. Kunot noo ko ulit siyang tinignan. "Ano?" "L.q nga kayo ni Paulo? Anong pinag-awayan ninyo?" Umawang ang labi ko. "Ang kulit mo 'no? Hindi nga kami l.q. Mag-focus ka na nga lang diyan sa ginagawa mo." Maloko siyang tumawa at muling nag-type sa laptop niya. Speaking of Paulo... naalala ko bigla iyong sticky note na may pangalan ni Paulo. Alam ko maraming pangalang Paulo, pero curious kasi ako bigla sa babae. Gusto kong tignan kung kilala niya nga ito. Baka may way para ma-confirm ko. Pumunta ako sa f*******: at sinearch ang Gwen Almonte. Maraming lumabas pero may ilang Gwen na may ka-mutual friends ako. "Wendy." Farah suddenly came from my back. In-off ko iyong phone ko. "Oh Farah, san ka galing?" tanong ko. Kumaway lang naman si Emily kay Farah. "Sa faculty, tas nakasalubong ko si Dean, pinapatawag ka sis." Kumunot ang noo ko. "Bakit daw?" Tumawa si Farah. "Malay ko. Tatanungin ko pa ba iyong Dean natin kung bakit? Baka ibagsak pa ko niyon." Napatango-tango na lang ako at inayos ang mga gamit ko. Madalang akong ipatawag ni dean, kaya nabalot tuloy ng curiosity ang utak ko. Medyo kinabahan din ako, dahil kadalasan ng pinapatawag niya is iyong mga loko-loko lang. I sighed bago binaling ang tingin kay Emily at Farah. "Mauna na muna 'ko sa inyo." They both nodded kaya kumaway na 'ko ng paalam sa kanila. Nang makarating ako sa harap ng office ng dean, isang malalim na hinga muna ulit ang binuga ko bago kumatok. "Come in!" "Good afternoon po." Umupo ako sa harapan ni Dean na ngumiti rin naman sa 'kin. "Good morning miss Soriano, so aware ka naman siguro na you have failing marks, right?" "P-po?" "Yes miss Soriano. Your grades unbelievably fail. Hindi rin ako makapaniwala. You're running for honor, so how come it happened?" Napaiwas ako ng tingin kay Dean. Hinimas ko ang hita ko. Lagot nanaman ako kay daddy kapag nabalitaan niya 'to. Dean cleared his throat. "Patapos na ang second sem ninyo, gusto mo pa bang mahabol ang mga grades mo?" Kung may choice lang talaga ako, hahayaan ko ng mababa ang grades ko. Wala naman na kasi talaga ang intensyon ko sa pag-aaral. Gusto ko ng i-pursue iyong business na gusto kong itayo. I sighed. "Opo sana." Napilitan ang boses ko. If not for daddy, I wouldn't do this. "I will give you requirements para mahabol mo ang grades mo. I believe you have the capability miss Soriano. Ang laki ng binaba mo at gusto kitang bigyan pa ng isang pagkakataon para makabawi." "Ano pong requirements?" May kinuha siyang papel sa ilalim ng table niya. "You have to accomplish two term paper, two reports, and an A grade for your finals." Umawang ang labi ko. Iniisip ko pa lang ang mga gagawin ko, tinatamad na ako. Walang wala na talaga ang motivation ko sa pag-aaral at hindi ko alam kung paano pa 'to ibabalik. "Okay po," sagot kong napipilitan. Dean smiled. "You can go now, and good luck. I hope you do a job well than this time." Pilit din akong ngumiti sa kanya at tumango. "Thank you po," paalam ko. Bagsak ang balikat kong naglakad sa hallway ng school. Kaunting oras na lang uwian na. Gusto ko sanang maglibang sa mall dahil down na down ako, pero hindi naman pwede at bantay sarado ako ng driver ko; nakakaasar. "Wendy!" Emily and Farah was running towards me. Nginitian ko sila nang makalapit sila sa 'kin. "Kamusta, anong sabi ni Dean sa 'yo?" Farah asked. Nagkibit balikat ako. "Ayon, may failing grades daw ako at kailangan ko iyon habulin." Parehong umawang ang mga labi nila. "What?" Emily asked. "Ikaw magkaka-failing grades? Come on." Yumuko ako. "Hindi kasi talaga ko masyadong nag-aral noong mga nakaraang exams." Tinapik ni Farah ang balikat ko. "Paano iyan? Edi magco-comply ka nanaman ng mga bagong requirements?" Nagbuntong hininga ako nang maalala nanaman ang mga kailangan kong gawin. "Ano pa nga ba," matamlay kong sambit. Emily sighed. "Alam mo mabuti pa, ikain na lang natin iyan." Napatingin ako sa kanya. "Ha?" "Wala si prof kaya pwede na tayong umuwi. Tara ikain mo na lang iyang stress mo." Napangiti ako pero agad ding nawala ang ngiti ko nang maalala na pinagbawalan nga pala ko ni dad pumunta sa kung saan-saan after class. "Sige kayo na lang," sambit ko. Bumagsak ang balikat nung dalawa. "Grabe naman, ayaw mo na ba kaming kasama?" Farah asked. Hindi ko pa nga pala nababanggit sa kanila na grounded ako. Siguro kailangan na rin nilang malaman para hindi na sila mangulit. Hindi ko na lang didibdibin ang pagkekwento para hindi ako maiyak. "Ano kasi..." pagsisimula ko. "Ang totoo niyan... g-grounded ako." "What?!" Sabay silang napasigaw. Sumenyas akong wag silang maingay at tinignan ko ang paligid. May ilan tuloy estudyanteng napatingin sa amin. "Bakit? Anong ginawa mo, Wendy?" I sighed at tumingin kay Emily. "Naalala mo noong sinabi ko sa 'yo na nag-aya si Paulo na mag-merienda kami? Nahuli ako ni dad." Umawang nanaman ang labi nila pareho. "Kaya grounded ka kasi nahuli ka ng daddy mo na may kasamang lalake?" Hindi makapaniwala si Emily. Tumango-tango ako. "Alam ninyo naman ang daddy ko, masyadong strict." "Grabe naman iyon, hindi ka ba pwedeng makipagkaibigan lang sa mga lalake?" Maski si Farah, nabigla. Umiling ako. "Exaggerated nga iyong pagkahigpit niya." Emily sighed at tumingin sa relo niya. "Edi bilisan na lang natin kumain tas umuwi ka na agad. Hindi naman siguro malalaman ng daddy mo." "Oo nga," dagdag ni Farah. "O kaya sabihin mo traffic." Tumingin ako sa relo ko at napailing. "Hindi pwede, naghihintay na iyong driver namin sa labas." "Nge, edi ipapaalam ka namin. Tara." Hinatak nila ako papuntang parking lot at hinayaan ko na lang sila. Kahit papaano ay umaasa rin naman akong papayag iyong driver namin. Saglit na saglit lang naman eh. Gusto ko rin talagang maglibang. Nalulungkot lang ako sa bahay. "Sige na po, pumayag na kayo. Saglit lang naman eh." Nangilid na ang mga luha ko sa kakakulit ko sa driver kong ayaw pumayag. Maski sila Emily at Farah nakiusap na sa kanya pero wala pa ring effect. "Pasensya na po talaga ma'am. Napag-utusan lang po ako ng daddy ninyo. Ako po ang malalagot 'pag nagkataon. Umuwi na po tayo." Bumagsak ang balikat ko at kinusot ko ang mga mata ko bago hinarap ulit Sina Emily. "See? Sabi ko sa inyo hindi talaga ako pwede. Sige na mauna na 'ko sa inyo. Ikain ninyo na lang ako." Bagsak ang balikat kong pumasok sa passenger's seat. Ngumuso na lang ako buong byahe. Ilang ulit din akong kumurap-kurap para hindi na tumulo pa iyong luha ko. Hindi ganitong buhay ang gusto ko. Para naman akong bilanggo na school, bahay lang. Di bale sana kung masaya sa bahay, okay lang, pero hindi eh. Iyong bahay pa mismo iyong lumalamon sa kalungkutan ko. Binagsak ko agad ang katawan ko sa kama pag-uwi. Wala akong ka-energy-energy para kuhanin ang laptop ko at simulan ang term paper o ang report ko. Bahala na, ubos na talaga lahat ng motivation sa katawan ko. Nakatitig lang ako sa kisame; ganito na lang ba lagi ang buhay ko? Bahay, school, bahay, school? Paulit-ulit, nakakasawa. Nakakalungkot dito. Gusto kong mag-break free pero wala akong tapang para gawin iyon. Tumulo ang luha sa pisnge ko at hinayaan ko na lang ito. Kaibigan ko naman na ang kwarto ko at sanay na sanay na itong makita na umiiyak ako. May nag-vibrate sa kama ko kaya kinapa ko ang phone ko at kinuha ito. Paulo Alistare calling...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD