Chapter 8

2738 Words
Umupo ako at sinandal ang likod ko sa headboard ng kama. I cleared my throat, bago sinagot ang tawag ni Paulo. "Uy!" Bungad ko. "Hi Wendy, kamusta?" May ngiting sumilay sa labi ko kahit hindi talaga ako sobrang okay ngayon. "Okay naman. Ikaw, napatawag ka?" He sighed. "I'm sorry. Balita ko grounded ka raw." Sumapo ang palad ko sa mukha ko. Hindi talaga mapipigilan ang kadaldalan ni Farah. "Ah sinabi sa 'yo ni Farah?" Kunwari hindi ko alam kung kanino niya nalaman. "Oo; kamusta? Ayos ka lang ba?" Tumango ako. "Ayos lang naman ako Paulo." Hinimas ko ang hita ko. "Weh? Di nga? Anong nararamdaman mo?" Tumawa ako. "Baliw, okay nga lang ako." "Baliw ka rin." Seryoso ang boses niya pero may lambing pa rin. "Ilang days kang grounded?" Napabuntong hininga ako. "Walang sinabi si daddy eh. Ewan ko sa kanya." "Dahil sa 'kin kaya ka na-grounded diba? Dahil nakita niyang kasama mo 'ko--" "Uy baliw hindi. Wala kang kasalanan." Pilit ulit akong tumawa. Medyo tumawa rin siya. "Gusto mo kausapin ko iyong daddy mo? Magpapaliwanag--" "Wag na, Paulo. Walang pinapakinggan si daddy kundi sarili niya, so don't bother." Humiga na ulit ako sa kama ko at tinitigan na lang ulit ang kisame. Tinataas-taas ko rin ang paa ko para makadagdag libang sa 'kin. "Malay mo naman maniwala siya kapag ako iyong kumausap sa kanya." I sighed. "Kilala ko si daddy, hindi siya maniniwala sa 'yo. Baka nga lalo ka niyang pag-initan kaya wag na, Paulo." Huminga siya nang malalim. "Sige, sabihin mo na lang sa 'kin kamusta iyong araw mo kanina?" Napapikit ako nang maalala iyong mga requirements na kailangan kong i-comply. "Okay lang din naman." Tumawa si Paulo pero halatang pilit. "Puro naman okay sinasabi mo. Iyong totoo? Kamusta nga?" Natawa na lang din ako sa sarili ko. Hindi ko naman kasi alam kung paano mag-o-open sa kanya. "Iyong totoo?" Pumikit ako at humingang malalim. "Ayoko ng mag-aral; naii-stress na 'ko sa bahay pati sa school. Wala na 'kong motivation na mag-comply. Iyon iyong totoo. Oh ikaw, kamusta ang araw mo?" Kumagat ako sa labi ko. Baka isipin niyang tinatamad lang ako, pero dati naman na-gets niya 'ko, kaya sana ma-gets niya pa rin ako. "Talagang ayaw mo ng mag-aral?" Hinimas ko ang hita ko. "Ayoko na nga. Pakiramdam ko sayang lang ang oras ko sa pagko-comply, eh kung nilaan ko na lang iyon sa pagbuo ng business, edi sana growing na ang pangarap ko." "Iba ka nga talaga mag-isip." Kumunot ang noo ko. "Ano?" "Wait, don't get me wrong. I mean iba ka mag-isip in a good way." Halos rinig ko ang pagngiti niya. "I like your mindset." Napangiti rin ako. "Talaga ba? Inuuto mo lang ata ako." Sa kanya ko unang narinig ang ganoong papuri, at ang sarap sa pakiramdam ng simpleng salitang sinabi niya sa 'kin. Para bang biglang na-cheer up ang down na down kong puso. "Totoo nga. Bibihira ang mga taong ganyan mag-isip tulad mo. Willing mag-take ng sobrang laking risk para sa pangarap. Bilib ako sa 'yo." Halos mangilid ang luha ko sa sinabi niya habang nakangiti pa rin ako. Ni'minsan hindi ko narinig kay daddy o kay mommy ang mga salitang iyon. Paulo was melting my heart. "Ano ba Paulo? Wag kang ganyan, baka maniwala ako sa 'yo." Pinalobo ko ang pisnge ko. Baka mapansin niya pang napapangiti niya ako. Tumawa siya. "Sino bang nagsabing wag kang maniwala? Believe me, Wendy, nakakabilib talaga ang mga tulad mo." Pumatak ang luha sa pisnge ko, pero this time, dahil sa sobrang tuwa. Grabe, hindi ko pa gaanong kilala si Paulo, pero sobra-sobrang saya na ang pinaramdam niya sa 'kin. His words meant a lot to me. "Thank you kung gano'n." Pinunasan ko ang pisnge ko. "Sana iyong parents ko, katulad mo rin mag-isip, para makita rin nila iyong vision ko." Dinaan ko sa biro ang tunay kong hiling. "Alam mo Wendy, hindi talaga lahat makikita o maiintindihan iyong vision natin, kasi iba-iba tayo mag-isip eh. Kaya ang gawin mo na lang, ipakita mo sa kanila iyong result. Patunayan mo na tama ka at mali na hindi sila naniwala sa 'yo." Lumawak ang ngiti ko sa motivationg binigay niya, pero agad ko rin iyong binawi. "Paano ko ipapakita iyong results? Kung hindi ko masimulan iyong gusto ko, dahil hadlang sina daddy?" He sighed. "Break free, Wendy. Kung sa tingin mong handa ka na talaga para sa sinasabi mong pangarap, go get out of your comfort zone. Wag kang mag-alala, I'm here to support you kahit hindi ka nila susuportahan." Naluha nanaman ako. Napakababaw ng luha ko sa mga bagay na ganito. Madalang ko lang kasing maramdaman na may sumusuporta sa 'kin. Grabe pala talaga iyong pakiramdam. "Sinasabi mo bang himinto na 'ko sa pag-aaral?" birong tanong ko. "Kung iyon talaga ang nararamdaman mo, why not. Basta magpupursige ka talaga na abutin iyong dahilan ng paghinto mo." Napangiti nanaman ako ni Paulo. Pumikit ako at humingang malalim. Grabe, kaunti na lang mapu-push na talaga 'ko ni Paulo na mag-break free. "Kaso baka mapalayas ako eh." Tumawa ako pero bumakas pa rin ang pait. "You can stay in my condo." Natulala ako sa sinabi niya. Pinalobo ko ang pisnge ko at mariing pumikit. Shocks, biglang may lumipad na paro-paro sa tiyan ko. He laughed. "Joke lang." Nakahinga ako nang maluwag at natawa. "Baliw ka! Muntik na 'kong maniwala." Napailing-iling ako. Lalo siyang tumawa. "Pero pwede rin naman, kung gusto mo, you can stay." Napanganga ako pero pinigilan kong mapasigaw. Si Paulo, pinapakilig nanaman ako, s**t. "Pwede ba 'yon?" I laughed. "Baka lalong magalit sa 'kin si daddy; baliw ka." "Sige wag na." Tumawa nanaman siya. Hinampas ko iyong kama ko habang hindi mapigilan ang pagngiti. "Sayang." Napatakip ako sa bibig ko. Shocks, nasabi ko iyong dapat nasa isip ko lang. Tumawa nanaman si Paulo. "Ay gusto rin." Napatawa na rin tuloy ako. "Baliw, I mean sayang kung hindi ko masubukan iyong nararamdaman ng puso ko," palusot ko agad. "Sayang kung hindi mo 'ko masubukan?" Uminit ang pisnge ko sa sinabi niya. Pinalobo ko ang pisnge ko at huminga muna ako nang malalim. "Baliw! Ano bang sinasabi mo riyan?" Napailing-iling ako. "Bakit ka nakangiti? Kinikilig ka 'no," pang-aasar niya. "Hindi ah. Natatawa lang ako sa 'yo," sambit ko. "Sus, sige na nga; sabi mo eh." Nag-usap pa kami ni Paulo sa call about life and stuffs hanggang sa pareho na kaming nakaramdam ng antok. Busy nanaman ang mga sumunod na week. Comply dito, comply doon. Minsan nahihirapan na 'kong mag-time management pero kinakaya naman. Dumarating din sa point na naiisip ko na talagang mag-drop out pero nagho-hold back sa 'kin iyong mga sinabi ni daddy noon. Ayokong mapalayas sa bahay at ayokong mawalan ng magulang. Vacant namin ngayon, pero imbes na magpahinga, nasa park kami nina Emily at Farah habang gumagawa ng report. Actually ako lang pala ang gumagawa dahil busy lang sila sa pagpo-phone. Wala naman kasi silang report na kailangan ipasa, hindi kagaya ko na may hinahabol na grades. Nagbuntong hininga ako at dumukmo sa cemented table nang sumakit na ang mga mata ko kakatutok sa laptop. "Hays... ayoko na talagang mag-aral," reklamo ko habang nakadukmo pa rin. Emily laughed. "Kaya mo iyan bakla, para sa future ninyo ni Paulo." Inangat kong muli ang ulo ko at inirapan si Emily na nasa harapan ko. "Pwede namang hindi mag-aral at maging successful pa rin sa future." Emily shrugged. "Mahirap nga lang." Pinanlakihan ko siya ng mata. "Mas mahirap pa kaysa sa mga requirements na 'to? I don't think so." Farah laughed. "Hay naku guys, tama na iyan. Wendy ano ka ba? Kayang-kaya mo iyan. Kulang ka lang sa inspirasyon." Farah stood. "Wait nga lang; I'll just go to the comfort room." Napairap na lang din ako kay Farah. Sabi ko na nga ba, hindi rin nila mage-gets iyong mindset ko. Iniisip nilang kulang lang ako sa inspirasyon; oo kulang ako sa inspirasyon, iyon ay dahil may iba akong gustong i-achieve. Ano naman kung mahirap? Mas mahirap gawin iyong isang bagay na napipilitan ka lang gawin, buti pa si Paulo gets ako. Napatingin ulit ako kay Emily nang batuhin niya ko ng lukot na papel. "Grounded ka pa rin hanggang ngayon sis?" Tumango lang ako at binalik ang tingin sa laptop. Masyado akong stress para chumika. "Edi hindi pala kayo nakakapagkita ni Paulo?" "Malamang," sambit ko nang hindi sinulyapan si Emily. "Edi miss mo na siya?" Napahinto ako sa pagta-type at tinignan muli si Emily. "Tingin mo ba?" Emily laughed. "Miss mo nga." Napailing na lang ako at tinuon ulit iyong atensyon sa paggawa ng report ko. "Bukas na iyong report ko, Ems. Kailangan ko na 'tong matapos ngayon," sambit ko ulit nang hindi siya tinitignan. "Oh? Kailan ka pa natutong mag-procrastinate?" Nagkibit balikat ako. "Mula nang mawalan ako ng gana mag-aral." Tumawa nanaman si Emily. "Nababaliw ka na talaga. Don't tell me, distracted ka masyado kay Paulo?" Kumunot ang noo ko. "Of course not. Sadyang pagod na 'kong mag-comply." Emily shrugged. "Tama nga si Farah, kailangan mo ng inspiration." "Ano?" Malokong nakangiti si Emily. Umiling-iling siya. "Wala." Napairap na lang ako at binalik ang tingin sa laptop ko. Kinuha ko iyong ipit ko at pinusod na iyong buhok ko. May ilang strands ng buhok na bumagsak sa gilid pero hinayaan ko na lang ito. Umiinit na, pati ulo ko umiinit dahil sa stress ng mga school works na 'to. Biglang tumawa si Farah kaya kunot ang noo kong napatingin sa kanya. "Napapa'no ka?" tanong ko. Umiling siya pero para pa ring baliw na nakangiti. "Tingin ka sa likod mo sis, may gwapo." Para siyang bulateng kinilig. Napailing na lang ako. Wala akong oras sa mga boylet niya ngayon, lalo't tambak ako ng mga dapat gawin. Pinagpatuloy ko na lang iyong report ko. "Hoy baliw tignan mo na!" Binato nanaman ako ni Emily ng papel. "Ano ba iyon? Wala akong pake sa mga boylet mo, okay? Mayroon na ako." I sighed at binalik ulit ang tingin sa laptop. "Wow ang yabang! Si Paulo ba iyang tinutukoy mo?" Parang tangang nakangiti si Emily. "Malamang, sino pa ba sis? Loyal ako, 'di katulad mo." Inirapan ko ulit siya. Tumili siya na parang nakakita ng artista. "Tignan mo na kasi iyong nasa likod mo sis, sobrang gwapo; promise!" Huminga ako nang malalim. "Fine." I turned my back on. Halos malaglag ang panga ko nang makita si Paulo na nakatayo sa likuran ko. Maloko siyang nakangiti at kumaway pa sa 'kin. "P-Paulo? Gagi anong ginagawa mo rito?" tanong ko. May naramdaman nanaman akong kung ano sa tiyan ko nang umupo sa tabi ko si Paulo. Tumili pa si Emily pero nanatili ang tingin ko kay Paulo. Nasulyapan ko rin si Farah na tumawa-tawa, at saka siya tumabi kay Emily tapos nag-appear silang dalawa. "Dinadalaw ka," sambit ni Paulo na nagpatili sa dalawang kaibigan ko. Pinalobo ko ang pisnge ko at tinignan ang kagwapuhan niya mula ulo hanggang paa. Naka-uniform pa siya at halatang nag-aaral siya sa kabilang university. "Paano ka nakapasok dito?" takang tanong ko habang nagpipigil pa rin ng kilig. Sinulyapan ni Paulo si Farah. "Alam mo namang malakas ako kay kuyang guard." Kinindatan ako ni Farah. Gusto ko sana siyang pingutin pero masyado akong masaya para umalis sa tabi ni Paulo. "Loyal ka pala kay Paulo?" Paulo asked. Nabalik ang tingin ko sa kanya nang nakaawang ang labi. s**t, narinig niya iyong sinabi ko kay Emily kanina; oh gosh. "Ha? Anong sinasabi mo riyan?" Hinimas ko ang hita ko. "Come on Wendy!" sumabat si Farah. "We heard it kaya wag mo ng i-deny." Pinanlisikan ko siya ng mga mata pero agad ding bumalik ang ngiti ko. "Bakit nga naparito ka?" tanong ko ulit kay Paulo, para lang maiba iyong topic. "Binibisita ko nga iyong loyal sa 'kin." Uminit ang pisnge ko at napangiti na lang. Nagkantyawan naman sina Emily at Farah sa harapan namin. "Wala ka na bang klase?" tanong ko. "Baliw ka." "Wala na. Ikaw? Mukhang busy ka ah?" Napatingin ako sa laptop ko. "Ah oo. May tinatapos kasi akong report." "Ah sige tapusin mo muna; dito lang ako," sambit niya. I laughed. "Baliw, anong gagawin mo rito? Papanuorin ako?" "Sus kunwari ka pang ayaw mo, Wendy," sabat ni Emily. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya nagtawanan nanaman sila ni Farah. "Hay naku, Emily. Mabuti pa't iwan na muna natin ang dalawa rito," suhestiyon ni Farah. "Hoy mga baliw! Sa'n kayo pupunta?" Tinignan ko sila nang makahulugan. Hinihiling na wag silang umalis. "Diyan lang sa tabi-tabi, bye." Farah waved her hand at saka sila naglakad. "Uy wait--" "Ayaw mo ba 'kong kasama?" Napahinto ako at napatingin kay Paulo. Pinagmamalaki niya nanaman sa 'kin iyong dimples niya. Bumigay nanaman tuloy ako at napangiti. Umayos ako ng upo. "Sure ka, diyan ka lang? Ayaw mong sumama kila Farah? Maglibot ka." Umiling siya. "Dito lang ako. Dali, ituloy mo na iyang ginagawa mo." Napatingin ulit ako sa laptop. Bumagsak ang balikat ko at nagbuntong hininga. Sinarado ko iyong laptop at muli siyang tinignan. "Gusto mong burger?" Ngumiti ulit ako. Kumunot ang noo niya. "Ha? Akala ko naggagawa ka ng report?" "Naalala mo iyong sinabi mo sa 'kin noon?" I asked. "Alin do'n?" Tumawa siya. Lumawak ang ngiti ko nang magkaroon ulit ng motivation na piliin ang gusto ko kaysa sa gusto ng lipunan para sa 'kin. "Break free." Paulo smiled. "Nakapag-decide ka na?" I laughed. "Malapit na; kaya tara, burger muna tayo. Best seller burger dito." Kinindatan ko siya, bago ako tumayo. Tumayo rin siya. "Sige." Hinawakan ko ang balikat niya at binagsak ulit siya paupo. "Ako na lang pala bibili. Bantayan mo na lang mga gamit natin." Tumakbo na 'ko bago pa siya makaangal. Para akong baliw na nakangiti habang tumatakbo, s**t ang saya ko nanaman Bumili ako ng dalawang double cheese burger and one soft drinks para kay Paulo, since hindi ako mahilig sa mga soft drinks. Pagkabalik ko, tutok sa cellphone si Paulo; nilapag ko iyong mga pinamili ko sa mesa para maagaw ko ang atensyon niya. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Tumabi ulit ako sa kanya. "Anong ginagawa mo?" I got curious. Pinakita niya sa 'kin iyong phone niya; aba nag-ml pala at sakto victory sila. Tumango ako. "May ka-duo ka?" Inabot ko sa kanya iyong burger. Tumawa siya at umiling. "Wala. Gusto mo duo tayo?" I laughed. "Hindi ako nag-e-ml eh. Ayaw mo na sa 'kin?" Lumawak ang ngiti niya. "Mas lalo kitang nagustuhan. Tara kainin muna natin 'to." Pinalobo ko ang pisnge ko at tinuon ang tingin sa burger. Huminga ako nang malalim dahil parang may nagkarera nanamang kabayo sa dibdib ko, shocks Paulo. Tumingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin kaya ngumiti na lang ako. Nagsimula na siyang kainin iyong burger, kaya sinimulan ko na rin. "Masarap nga ah," sambit ni Paulo. Napatingin ako sa kanya at ubos na agad iyong burger niya. Tinuro niya iyong coke. "Akin ba 'to?" Nahihiya siyang tumawa. I laughed. "Yep." "Bakit ikaw wala?" I shrugged. "Hindi ako mahilig sa soft drinks eh." Nilabas ko iyong tumbler ko at pinakita ko sa kanya. Uminom ako nang maubos ko na iyong burger. Paulo laughed. "Ako rin, pero iinomin ko 'to." Namilog ang mga mata ko. "Ay ayaw mo rin ba ng mga coke?" "Hindi naman sa ayaw. Hindi lang din ako mahilig, pero umiinom ako minsan." Binuksan niya na iyon at tinungga. Napatingin ako sa adam's apple niyang gumalaw. Pinalobo ko ang pisnge ko, s**t pati adam's apple niya ang hot ng hitsura. Binalik niya ang tingin sa akin nang nakalabas pa rin iyong cute niyang dimples. Tumingin siya sa tumbler ko at nahihiyang tumawa saka binalik ang tingin sa coke. "Hindi 'to nakakatanggal ng uhaw eh." He cleared his throat. "Pwede makiinom? O kung ayaw mo bibili na lang ako." Umawang ang labi ko at natulala sa labi niya. Shocks, iniisip ko pa lang na didikit iyong mapula niyang labi sa tumbler ko eh inaatake na 'ko sa puso. Tumawa nanaman siya at ang sarap talaga niyang pagmasdan. "Sige, bibili na lang ako." Tumayo siya kaya hinawakan ko agad ang palapulsuhan niya. "Ah hindi sige... okay lang." Inabot ko sa kanya iyong tumbler. "Hindi naman ako maarte." Pinalobo ko ulit iyong pisnge ko. Shocks, baka mahalata niyang kinikilig ako. Lumubog lalo iyong dimples niya. "Okay." Tinanggap niya iyong tumbler at ininoman. Nakaawang ang labi kong tinignan ang labi niyang nasa bibig ng tumbler ko. Sana ako na lang iyong tubigan ko, oh gosh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD