"Di mo na talaga tutuloy iyong report mo?" tanong ni Paulo.
Pagkatapos naming mag-merienda nagkwentuhan muna kami saglit tungkol lang sa school and sa pinsan niyang si Farah.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko nga alam eh. Ikaw kasi, namo-motivate akong huminto sa tuwing nagpapayo ka eh." I laughed.
"Good thing ba iyan o bad?" Nag-aalangang tumawa si Paulo.
"Syempre good, kaya thank you." Ngumiti ako.
"So hihinto ka na talaga?"
Nagbuntong hininga ako. "Gusto ko na talagang mag-break free, Paulo, lalo na sa daddy ko."
Hinimas niya ang ulo ko na para akong aso, pero napangiti pa rin ako dahil sa ka-cute-an niya.
"Alam ko na gagawin natin." May kinuha siya sa bulsa niya.
Kumunot ang noo ko nang pinakitaan niya 'ko ng coins.
"Anong gagawin natin diyan?" I asked.
Lumubog nanaman ang mga dimples niya. "Let's play head or tales. Kapag head ang lumabas, ibig sabihin ipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo, kapag tails naman, susundin mo kung ano talaga iyong nararamdaman ng puso mo at iyon ay huminto ng pag-aaral. Game?"
May pumisil bigla sa dibdib ko. "Teka lang parang nakakakaba naman 'to." Hinimas ko ang hita ko.
He tapped my shoulders. "Chill ka lang. Toss ko na ha?"
Huminga ako nang malalim at tumango. s**t sana tales ang lumabas.
"Okay." He smiled and tossed the coin. Tinakpan niya agad ang palad niya nang bumagsak na iyong piso.
"Anong lumabas?" Lalo kong naramdaman ang kaba; please sana tails.
Maloko siyang ngumiti at binulsa ulit iyong coin. Ni hindi niya man lang sinilip kung ano iyong lumabas.
"Uy bakit binulsa mo ulit?" Napakunot ang noo ko.
Lalong lumawak ang ngiti niya. "Wendy, kung ano iyong hiniling mo sa mga oras na nasa ere iyong coin, iyon iyong sundin mo; iyon iyong sagot."
Paulit-ulit na tumakbo sa utak ko ang pag-uusap namin ni Paulo kanina. Nasa kotse na ako at nakatanaw lang sa bintana, habang hinihintay na makarating sa nakakasakal na bahay.
"Wendy, kung ano iyong hiniling mo sa mga oras na nasa ere iyong coin, iyon iyong sundin mo; iyon iyong sagot."
May umukit na ngiti sa labi ko. Tama si Paulo, kung ano iyong hiniling ko, iyon dapat ang sundin ko. Hindi mahalaga kung walang tiwala sa 'kin sina mom and dad; ang mahalaga naniniwala ako sa sarili ko. Kaya ko 'to.
I feel sorry kina mommy and daddy, pero sisiguraduhin kong mababawi ko rin ang loob nila, dahil magiging successful ako sa path na gusto ko. Papatunayan ko sa kanilang kaya kong maging successful kahit pa college drop out ako.
"Ma'am Wendy?" Binasag nung driver iyong pagmumuni ko. "Hindi pa po ba kayo bababa?"
Napakurap-kurap ako nang mapagtantong nandito na pala kami sa harap ng bahay. Shocks, kanina lang confident ako, ngayon bigla nanaman kinabahan ang dibdib ko.
Pumikit ako at nagbuntong hininga. Kaya ko 'to. Wala ng atrasan. I will talk to mommy and daddy.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko at saglit na naghilamos. Kinuha ko iyong phone ko at hinanap agad ang name ni Paulo sa messages.
Paulo kinakabahan ako.
I texted him nang makaramdam nanaman ako ng pag-aalinlangan.
Natural lang iyan, pero kaya mo iyan :)) - Paulo Alistare.
Hinimas ko ang hita ko bago nag-type ulit.
Paano kapag pinalayas nga ako?
Uminit ang mga mata ko nang maisip ang sigaw ni daddy. s**t, nakakatakot masigawan ulit. Parang gusto ko nanamang umurong; baka itakwil niya 'ko bilang anak.
My phone vibrated.
If anything goes wrong, just text me, okay?
Napangiti na lang ako kahit nagsimula ng mangilid ang luha ko sa kaba.
Paano 'pag kinuha phone ko?
Shocks, kung ano-ano ng possibility naiisip ko.
Malalaman ko naman kapag kinuha phone mo; that's if you didn't text me twenty four hours. Pupuntahan kita riyan, 'pag gano'n. Wag ka masyadong mag-alala; you can do it. :)) - Paulo Alistare
Napangiti ako at niyakap iyong phone ko. Thanks to Paulo, he helped me gained my confidence.
Himinga ako nang malalim at tinanguan ang sarili. Kaya ko 'to.
It was dinner time; kasabay ng bawat hakbang ko sa hagdan ang malakas na t***k ng puso kong gusto ng kumawala.
Nasa kusina na sila mommy at ako na lang ang hinihintay nila. Hindi ko pa maisip kung paano ko sisimulang sabihin sa kanila ang desisyon ko, pero bahala na.
Lalong nagwala ang puso ko nang makita ang poker face na si daddy at ang malambing na ngiti ni mommy. Nasa magkabilang dulo sila ng table at syempre umupo ako malapit kay mom.
Tahimik lang ang hapagkainan as usual, tanging kalansing lang ng kutsara't tinidor ang rinig sa paligid, pero alam kong bumebwelo lang si daddy at maya-maya manenermon na siya. Gano'n naman lagi ang routine sa tuwing kasabay ko silang kumain.
"Kamusta school?" daddy asked.
Humigpit ang hawak ko sa kutsara. "Okay lang po."
Uminom ako ng tubig; natutuyo na ang lalamunan ko sa kaba.
"Siguraduhin mong okay iyan, Wendy. Husayan mo ang pag-aaral mo lalo't running for honor ka," daddy said.
Tahimik lang kumakain si mommy habang hindi naman ako makatingin sa mga mata ni daddy.
Nagwawala na ang puso ko at gusto na nitong sumabog. Oras na siguro talaga para sabihin sa kanila ang desisyon ko. Wala pa mang nangyayari, nangilid na ang mga luha sa mata ko. Uminom na lang ulit ako ng tubig at kumurap-kurap.
"Ah... daddy, mommy..." Hinimas ko ang hita ko. "Nakapagdesisyon na po ako."
Kumunot ang noo nilang pareho.
Sa tingin pa lang ni daddy, parang sinusuntok na ang dibdib ko. s**t, ang hirap mag-speak up sa kanila.
"Ano iyon anak?" Mommy asked.
"Hihinto na po ako sa pag-aaral--"
I flinched nang hampasin ni daddy iyong mesa. Tumulo na ang kanina ko pang pinipigilang mga luha. Gusto kong umurong, pero hindi, kailangan kong panindigan ang desisyon ko.
"Nababaliw ka na talaga 'no?!" sigaw ni daddy.
"Honey..." Hinawakan ni mommy ang wrist ni daddy at doon ko napansin ang kamao ni dad na nakayukom na.
"Sisirain mo talaga iyong buhay mo ha?!" Halos lumabas na iyong ugat ni daddy sa leeg.
"Daddy hindi ko naman po--"
"Shut up!" Hinawi niya iyong baso sa mesa at halos lumundag ang puso ko kasabay ng tunog ng nabasag na baso.
"Honey, calm down." Kalmado lang si mommy, pero si daddy... sobrang nakakatakot.
Pumikit si daddy at humingang malalim, bago niya ako kinutsilyo ulit sa mga tingin niya.
"Lumayas ka," he declared.
Nanginig ang buong katawan ko at pumatak muli ang luha ko. Akala ko handa na 'kong marinig sa kanya ang mga salitang iyon, pero sobrang nakakadurog pala ng puso.
"Dad--"
"Kuhanin mo iyong mga gamit mo at lumayas ka na!" daddy shouted.
"Honey, tama na please..." mom's eyes were teary.
Lalo akong nakaramdam ng kirot sa puso nang makita ang lungkot sa mga mata ni mommy, pero ngayon lang 'to. Ngayon lang siya magiging malungkot, because one day, I will make her proud; I will make them proud.
"Anong tama na?" Daddy faced mom. "Nakapagdesisyon na siya; hayaan mo siyang matuto." Binalik niya ang tingin sa 'kin. "Lumayas ka na, bago pa ako ang humila sa 'yo palabas, Wendy."
Napatingin ako kay mom at tumakip na ang mga palad niya sa mukha niya. Huminga ako nang malalim bago tumayo at nilapitan si mom.
I hugged her tight. "One day, I will make you proud, mom," I whispered. "Sorry for now."
Pinunasan ko ang mga luha sa pisnge ko bago umayos ng tayo at muling hinarap si daddy.
"Thank you for everything dad." Yumuko ako nang bumagsak nanaman ang luha sa pisnge ko.
I turned my back on them at umakyat na sa kwarto ko para kuhanin ang mga gamit ko.
Ni-lock ko iyong pinto ko at saka bumagsak sa sahig ang mga tuhod kong kanina pa nanghihina. Hinawakan ko ang napiga kong dibdib at hinayaang bumagsak lahat ng luha sa mga mata ko.
Sana tama ang desisyon ko; kailangan kong piliting gawing tama ang desisyon ko para makabalik ako kina mommy at daddy at masabi sa kanilang I made it.
Ilang minuto ang lumipas bago tuluyang maubos ang mga luha ko. Kinuha ko ang pinakamalaki kong maleta at nilagay doon ang ilan sa mga importante kong gamit at mga damit.
Huminga ako nang malalim at humarap sa salamin. Nginitian ko ang sarili ko kahit may pait pa ring sumilay sa mukha ko.
"Kaya mo 'yan self; from now on, this is your new beginning, and I will make you a better version of Wendy." I puffed a breath, kahit anong iyak ko, may tira pa rin talagang sikip sa dibdib ko, pero ngayon lang 'to; lilipas din 'to.
Wala akong naisip na puntahan kaya dumiretso na lang muna ako sa coffee shop. Ang tagal kong nagpigil ng luha kanina sa taxi pero pagkaupong-pagkaupo ko sa sulok ng Starbucks, bumagsak agad ang mga luha ko.
Tinakpan ko ang mukha at hinayaan munang lumabas lahat ng luha sa mga mata ko. Tagos pa rin sa tainga ko ang sigaw ni daddy at nakikita pa rin ng mga mata ko ang pag-iyak mi mommy.
Hindi ko na alam kung tama ba ang pinili ko, pero wala na rin naman na akong magagawa. Nangyari na ang mga nangyari, kailangan ko na lang panindigan ang desisyon ko.
Sa wakas ay unti-unti ng kumalma ang puso ko. Um-order na muna ako ng Nutella frappe pampalubag loob ko lang sa sarili ko.
Kinuha ko ang phone ko at hinanap sa messenger ang pangalan ni mommy.
Mommy I'm really really sorry. Sana po magtiwala kayo sa naging desisyon ko at sana hindi ninyo po ako tuluyang talikuran bilang anak. Promise ko po sa inyo na magiging successful ako. Hindi ko po papabayaan ang sarili ko at mga pangarap ko. Sana mapatawad ninyo po no daddy.
Pikit mata kong sinend ang chat ko kay mommy. Kinukurot pa rin ng konsensya ang puso ko.
"Wendy!" The barista called me.
Kinuha ko agad iyong order ko at tinikman ito.
Huminga ako nang malalim. Buti na lang kahit papaano ay nakapag-ipon ako ng pera.
Tinignan ko ang maleta sa gilid ko. Shocks, hindi ko maisip kung saan ako pwedeng magsimula.
Kinuha ko ulit ang phone ko at tinignan ang conversation namin ni Paulo. Nag-back read ako.
If anything goes wrong, just text me, okay? - Paulo Alistare.
Huminga ako nang malalim. Siguradong hindi ako maiintindihan nina Emily at Farah kapag sinabi ko sa kanila ang nangyari. Ipu-push lang nila akong bumalik sa bahay at mag-sorry kay daddy.
Si Paulo lang ang tanging nakaintindi sa 'kin. Siya rin ang may alam ng plano ko, pero nahihiya akong i-text siya ngayon.
I flinched nang mag-vibrate ang phone ko. Kumabog ang puso ko; ni-replyan kaya ako ni mommy?
Sinilip ko ito at medyo nakahinga ako nang maluwag sa nakita.
Kamusta, Wendy? - Paulo Alistare.
Nagbuntong hininga ulit ako. Buti na lang nag-chat siya, dahil nahiya ako bigla na mag-firt move.
Nasabi ko na sa kanila.
I replied. Hinimas ko ang hita ko; hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na pinalayas ako.
Congrats! Kamusta naman? Naintindihan ka na ba nila? - Paulo Alistare.
Huminga ako nang malalim at uminom muna sa frappe ko.
Free ka ba ngayon, Paulo?
Kumuha na ako ng lakas ng loob para humingi ulit ng tulong sa kanya.
Sabi ko naman sa 'yo, palagi akong libre basta ikaw. :)) Asaan ka ba? - Paulo Alistare.
Napangiti na lang ako sa chat niya.
Sa Starbucks, malapit sa school namin.
Sige. I'll be there in a minute - Paulo Alistare.
Thank you, Paulo. I replied.
Nilapag ko iyong phone ko at nag-focus na lang ulit sa frappe ko. Kakailanganin ko pa atang mangupahan kaso sayang naman ang pera, bakit ba kasi hindi na lang ako intindihin nila daddy?
"Wendy."
Nag-angat ako ng tingin at automatic akong napangiti nang makita ulit ang mga dimples ni Paulo.
"Uy andiyan ka na pala." Hinimas ko ang hita ko.
Nag-aalangan akong ngumiti nang nilipat niya ang tingin sa maletang nasa gilid ko. Biglang nag-alala ang mga mata niya.
"Anong nangyari?" Umupo siya sa harapan ko.
Hindi ko na naitago ang lungkot sa mga mata ko. "Obviously." Sinulyapan ko iyong maleta ko.
"I mean anong sabi sa 'yo ng parents mo? Talagang pinalayas ka nila?"
Tumango ako habang bagsak ang balikat ko.
"Oo eh. Galit na galit si daddy sa 'kin. Kung nakita mo lang ang reaksyon niya kanina, para niya na akong papatayin." Hinawakan ko ang hita ko at saglit na tumingin sa itaas. Nag-init ang mga mata ko, pero ayokong makita ako ni Paulo na umiiyak.
Huminga nang malalim si Paulo. "Bakit naman? Malinaw mo bang nasabi sa kanila iyong mga gusto mong gawin?"
"Oo naman; sadyang ayaw lang talaga ni daddy na huminto ako sa pag-aaral." Binaling ko ang tingin sa lamesa. Nailang na ako sa mga titig ni Paulo.
"Pa'no iyan? Anong plano mo? Pursigido ka na ba talagang ituloy iyong gusto mo?"
Hinimas ko ang hita ko. "Nasabi ko na sa kanila eh. Uurong pa ba 'ko?"
Hinawakan ni Paulo ang kamay kong nasa lamesa. May kung anong lumipad sa tiyan ko nang magtama ang mga mata namin.
"Tama ka," aniya. "Ang kailangan mo na lang gawin ngayon, patunayan sa kanila na tama ang desisyon mo; na kaya mong maging successful kahit pa hindi ka graduate ng college."
Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi talaga siya nawawalan ng payo na nakakapagpalakas sa loob ko.
"Salamat sa motivation, Paulo."
Muli kong nasilayan ang dimples niya. "Wala iyon; I really just believe in you."
I laughed. "Hindi mo pa nga ako gano'n kakilala pero talagang naniniwala ka na sa 'kin ha."
"Bakit? Kapani-paniwala ka naman." He laughed.
Pinalobo ko ang pisnge ko at saglit na iniwas ang tingin sa kanya. "Salamat."
Tumango siya at napatingin ulit sa maleta ko.
"Pa'no pala iyan? Saan ka titira?" he asked.
I shrugged. "May alam ka bang murang upahan?"
Baka maubos lang ang ipon ko kapag sa condo ako umupa; hindi naman pwedeng dorm dahil kailangan ko ng malawak na space para sa sisimulan kong business, shocks.
"Wala ng mura sa panahon ngayon eh." Nagpigil siya ng tawa habang labas na labas iyong cute niyang dimples.
Napangiti na lang din ako pero bumagsak pa rin ang balikat ko. "Malay mo naman, mayroon. Maghahanap na lang ako."
"Hindi ka agad makakahanap niyan," he said. "Pwede kang mag-stay muna sa condo ko, if you want."