Chapter 2

1545 Words
"Feeling ko maraming gwapo mamaya. Big time mga bisita ni Farah for sure." Sabik na sabik na sabi ni Emily. Kanina pa siya hindi mapakali sa pag-aayos ng mukha niya at pagtingin sa blue off shoulder fitted dress niya. Debut kasi ngayon ng kaibigan naming si Farah kaya todo ayos kami lalo't bongga palagi ang birthday niya. "Puro ka gwapo, wala ka ng ibang inisip kundi mga gwapo." Sita ko sa kanya, bago ako magkabit ng Burgundy colored lipstick. Binato niya naman ako ng hanger. "Excuse me? Parang hindi ka mahilig sa gwapo ha." Napangiti ako nang makitang bumagay sa pula kong damit na may slit ang lipstick na napili ko. "Oo gusto ko ng gwapo, pero hindi marami. Isa lang naman trip ko." Mas lumawak pa ang ngiti ko nang pumasok sa isip ko ang mala-kpop star na si Paulo. Isang linggo na rin nang huli kaming magkita pero hindi naman nawala ang connection namin. Sa bumble pa rin kami nag-uusap. Sinearch ko siya sa f*******: at gusto ko na sanang i-add kaso nahihiya ako kaya nag-decide ako na hintayin ko na lang na siya na ang mag-add sa 'kin para roon na sana kami mag-usap sa messenger. Gusto ko na rin kasi burahin 'yong bumble ko; kontento na 'ko kay Paulo. Badtrip lang kasi hindi ko siya ma-stalk. Naka-private kasi ang account niya. Ewan ko ba, sana maisip niya man lang i-search ako sa sss at i-add. "Hoy! Lutang ka nanaman kakaisip sa Paulo na 'yon." Natawa ako nang mabalik ako sa huwisyo. Madalas akong matulala nang hindi ko namamalayan, ewan ko ba, ang cute kasi masyado ni Paulo. Tinaasan ko ng kilay si Emily. "At least ako isang lalake lang 'yong nasa isip. Di kagaya mo, basta gwapo crush agad." Binatukan niya ako at bigla na lang kaming nagtawanan na parang baliw. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Kung tutuusin siya nga ang nagturo sa 'kin kung paano gumamit ng mga dating apps; siya ang nagmulat ng inosente kong pagkatao. Nakarating kami ni Emily sa venue ng seven thirty nang gabi dahil eight daw ang simula ng party. Akala ko nga unti pa lang ang mga tao pero nagulat ako nang halos kalahati na ang nasa venue. Sa sariling resort nila Farah ang party niya. Malaki naman ang hall nila at talagang napakaganda. May pool din sa likod nung mismong venue. Gusto niya nga sanang magpa-pool party na lang kaso ang gusto ng mommy niya 'yong traditional na debut. Black and red ang theme ng party niya, ewan ko ba rito kay Emily kung bakit blue ang sinuot, para raw siya ang mag-stand out sa mga lalakeng guest. Nakakahiya tuloy dumikit sa kanya. Gusto ko na nga lang umarte na hindi ko siya kilala. Imagine lahat ng balloons, decorations, candle lights, and led lights ay puro black and red pagkatapos itong epal na katabi ko naka-blue na dress. Agad kaming nagngitian nang makita namin 'yong table ng mga classmates naming, close rin namin. Naki-share na kami ng table sa kanila since iyon naman ang plano. "Bakla bakit naman naka blue ka? Pabida ka talaga eh 'no?" Sinita ni Seddy si Emily na nagpatawa sa 'ming lahat. "Ganoon talaga; para ako 'yong center of attraction." Umupo na si Emily kaya umupo na rin ako sa tabi niya. "Ay sis hindi ikaw ang may-birthday, 'wag kang ano riyan." Nagtawanan lang kami nang nagtawanan hanggang sa nagsimula na ang program. Mabuti na nga lang at may sense of humor 'yong host at hindi ko gaanong naramdaman 'yong gutom ko. May iba pa kaming classmates sa other table na minsan lumilipat dito at nakikichika. Busog na busog naman ang mata ni Emily sa mga gwapong bisita ni Farah. Iyong iba ka-schoolmate lang namin at 'yong iba ay totally stranger. "We will now proceed to our handsome eighteen roses." Finally, kaunti na lang ay magkakainan na. Nagsimula ng makipagsayaw si Farah sa iba't ibang lalake. Nagkantyawan pa ang lahat nang isayaw siya ng ka-m.u niya. Si Emily naman ay nilista sa phone niya ang bawat pangalan ng nagustuhan niya sa eighteen roses ni Farah. "Next in the line, the very handsome, Paulo Alistare Custudio." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pamilyar na pangalan na iyon. Malinaw na malinaw sa tainga ko na tinawag ng emcee ang pangalan ng crush ko. Siniko ako ni Emily. "Diba iyon 'yong pangalan nung naka-meet mo?" Hindi ko siya pinansin at hinintay lang kung sinoman ang lalakeng lalapit kay Farah. Halos malaglag ang panga ko nang makumpirmang si Paulo nga na crush ko 'yong magsasayaw sa kaibigan ko, teka paano? Bakit nandito siya? Nakasuot siya ng black suit na talaga namang bumagay sa aura niya. Ang ganda rin talaga ng katawan niya; bagay sa height niya ang broad shoulders niya. May suot siyang white polo sa panloob ng coat niya; nakabukas ang tatlong butones nito na mas lalong nagpa-hot sa dating niya. Kitang-kita talaga ang hilig niya sa pananamit. I like his sense of fashion. Medyo nawala lang ako sa mood nang makita ang kamay niyang nakakapit sa baiwang ni Farah habang ang arms naman ni Farah ay nakapulupot sa leeg niya. Lalo akong napasimangot nang may ibinulong si Paulo sa tainga ni Farah na talaga namang nagpatawa sa kaibigan ko. What the hell is the meaning of this? Wala namang nabanggit sa 'min si Farah na may kinikita siyang lalake o baka kasi totoo nga ang gossips na pinaplastik lang kami ni Farah. Imposible naman 'yon. "Hoy chill ka lang, baka matunaw sila." Binaling ko ang masamang tingin ko sa natatawang si Emily. "Ibang lalake 'yan. Kapangalan niya lang." I lied. Sigurado naman akong si Paulo 'yong nasa harapan. Hinding-hindi ko makakalimutan ang singkit niyang mga mata lalo na ang dimples niya. "Ibang lalake, kaya pala kulang na lang patayin mo si Farah sa tingin." "Tumahimik ka nga riyan." I hissed. Baka mamaya may makarinig pa sa kanya at magkaroon nanaman ng issue sa pagitan namin ni Farah. Binalik ko ang tingin kina Paulo nang hindi pa rin tumigil sa pagbungisngis si Emily. Kahit wala naman kaming relasyon ni Paulo, pakiramdam ko niloko niya 'ko. Syempre bakit siya makikipagkita at babanat sa 'kin kung may iba siyang gusto. Worst case scenario, baka nililigawan niya pa ito o di kaya naman ay jowa niya na si Farah tapos nilihim lang sa 'min ni Farah na may boyfriend na siya. Tss! I felt heartbroken. Nawalan tuloy ako ng gana kumain. Chineck ko 'yong phone ko kung nag-chat si Paulo, hindi rin naman. Kaya pala hindi nag-reply. Busy sa iba si crush. "Hey guys!" Napairap ako nang marinig ang boses ni Farah. Hindi naman sa nagselos agad ako, nainis lang siguro. "Happy birthday sis!" Lahat ng ka-table ko ganon ang hiyawan kaya nakisabay na lang ako. Nakipag-picture kami sa kanya bago siya umupo sa bakanteng upuan sa kabilang tabi ko. "Kamusta kayo? Are you enjoying the party?" Farah was energetic as always tapos maganda rin, kaya siguro natripan siya ni Paulo pero maganda rin naman ako eh. "Yes we are, except for this young lady." Pinanlakihan ko ng mata si Emily. Kahit kailan talaga napakadaldal. "Hala bakit naman? What's wrong Wendy? Ang ganda pa naman ng ayos mo tonight." Pakiramdam ko tuloy pinaplastik niya lang ako. Bakit kasi hindi niya sinabi sa 'min na may manliligaw siyang cute na chinito. "Hindi mo raw kasi sinabi na may boyfriend ka na pala." Sabat nanaman ni Emily. "Boyfriend?" Kunot na kunot ang noon ni Farah. Nag-maangmangan pa, huli na nga. Sumabat na ako sa kadaldalan ng bibig ni Emily. "Wag ka maniwala sa pinagsasasabi ni Emily, kung ano--" "Oo boyfriend, 'yong Paulo ba 'yon, oo iyon." Napanganga ako nang sumabat nanaman sa 'kin si Emily. Kulang na lang patayin ko siya sa tingin. Tumawa naman si Farah na parang may nakakatawa. "Si Paulo Alistare ba?" Nilibot niya ang paningin at saka ngumiti nang huminto sa isang direksyon ang mga mata niya. "Pau!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang cute na lalakeng lumingon sa amin. Si Paulo nga talaga! At Pau pa ang tawag ni Farah ha. Mukhang close na close na talaga. Yumuko ako at tinago sa wavy kong buhok ang mukha ko. s**t 'di ako ready na makita niya today. "Bakit mo tinawag?" Bulong ko kay Farah habang bungisngis naman nang bungisngis si Emily. "I will introduce him." Niyukom ko ang kamao ko, alam ko na agad na magiging awkward ito. Paulo kasi, babaero ata kaya nakipag-meet pa sa' kin. Considered cheating na kaya 'yon; what a cheater. "Sup Farah!" Nagwala ang puso ko nang makumpirma sa husky na boses ni Paulo na siya talaga 'yong naka-meet ko. Iyong boses na nagpakilig sa 'kin, sasawiin din pala agad ako. Siniko ako ni Emily pero nanatili akong nakayuko. Bahala sila riyan, ayokong magpakita sa kanya. I felt corner. "Hey Wendy." Hinawi ni Farah 'yong buhok ko na nakaharang sa mukha ko na mas lalong nagpayukom sa kamao ko. Kitang-kita na tuloy ang buong kagandahan ko. Diniretso ko ang tingin kay Farah habang pilit kong nilawakan ang ngiti sa kanya. Sa likod ng mga mata ko, sinasabi ko sa kanyang tigilan niya na ang kalokohan niya. Mapang-asar lang na humagikgik si Farah. "Pau, I want you to meet my close friends; Wendy and Emily."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD