EPISODE 46 IN THE NAME OF LOVE… ALEXIS RILEY’S POINT OF VIEW. “ALEXIS, paano mo nagawa sa amin ‘to? Akala ko ay magtitino ka na, pero hindi pa rin pala! Mas lalo mong sinisira ang reputasyon ng pamilya natin! Paano na lang ang Grandpa mo? He’s the president of the Philippines, but his grandchild is a troublemaker! Paano na lang rerespetuhin ang grandpa Raoul mo niyan?!” Napapikit ako sa aking mga mata ng muli akong pagsasabihan ni Mom. Dinalaw ko siya rito sa hospital dahil inatake siya sa puso. Tumaas ang kanyang blood pressure kaya agad siyang dinala rito. Ganun din si Ate Alessandra, isinugod din siya sa hospital dahil may nakita kaming dugo sa kanyang hita. Akala namin ay may mangyayari nang masama, buti na lang at wala. Safe ang baby ni Ate Alex at ni Alonzo. Nag-aalala ako sa