EPISODE 45 FIGHT PHOEBE’S POINT OF VIEW. UMUWI ako sa apartment habang umiiyak. Gusto ko lang na magkulong ngayon sa akin kwarto at umiyak ng umiyak. “Ate Phoebe, paano mo nagawa ‘yun?” Nang makapasok ako sa loob ng apartment ay agad kong nakita ang aking kapatid na si Ellie na halatang naghihintay sa aking pagdating. Seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha ngayon habang nakatingin sa akin. So she saw it too. Bumuntong-hininga ako at humarap sa kanya. Pagod na pagod na ako. Pagod na ang katawan ko… pati ang utak ko. Gusto ko munang matulog. “Bakit, pagagalitan mo ba ako? Sasabihan mo rin ba ako na madumi? Na makapal ang mukha dahil pinatulan ko si Alexis?” inunahan ko na si Ellie sa kanyang sasabihin dahil alam ko naman kung ano ang sasabihin niya eh. Katulad lang din naman ng m