EPISODE 47 PETER PHOEBE’S POINT OF VIEW. NALAMAN ko na rin sa wakas kung sino ang kumuha kay Shawn para maging attorney ko, walang iba kundi ang lalaking umabandona sa amin ni Ellie. Hindi talaga niya kami tinigilan kaya hiningi ko kay Shawn ang numero niya upang makapag-usap kaming dalawa. “Why are you still bothering us, old man?” malamig kong tanong sa kanya. Pinili ko talaga ang pinakamahal na restaurant kung saan kami magkikita dahil siya rin naman ang magbabayad. Huminga siya ng malalim bago magsalita. “I want to help you, anak.” Hindi ko mapigilan ang inis ko kapag tinatawag niya akong anak. “Can you please stop calling me anak? Nawawalan ako nang gana na makipag-usap sayo kapag tinatawag mo akong anak. Magsabi ka ng totoo, Peter, ano ang kailangan mo?” seryoso kong sabi s