EPISODE 27 REALITY PHOEBE’S POINT OF VIEW. UMUWI na kami ni Alexis sa Manila at hindi na namin ipagpapatuloy ang paghahanap kay Alessandra dahil okay lang naman talaga ito kaya ‘wag na kaming mag-alala. Syempre ay masaya ako sa aking kaibigan na okay lang siya at kasama niya ang lalaking pinakamamahal niya. Pero may parte rin sa akin na malungkot ako dahil balik na kami sa realidad ni Alexis. Babalik na rin ako sa aking pagiging professor habang siya naman ay estudyante ko. Hindi namin pwedeng aminin ang relasyon naming dalawa ni Alexis. Gustuhin ko man pero hindi pwede lalo na’t nagtatrabaho ako sa isang university. I can’t lose my job, hindi pwede. Ga-graduate na rin naman si Alexis eh… kakayanin ko. Mag-iipon din ako ng lakas ng aking loob na masabi ko ang katotohanan kay Alessandr