EPISODE 26 FINALLY OVER PHOEBE’S POINT OF VIEW. NAGBALIK kami sa aming paghahanap kay Alessandra. In the first place ay iyon naman talaga ang dahilan kung bakit kami nandito ni Alexis—nasingit lang talaga ang tungkol sa aming dalawa. Pero ang kaibahan lang namin ngayon dito sa aming paglalakbay ay masaya kaming dalawa. Nailalabas na namin ang mga nararamdaman namin sa isa’t isa ng hindi nahihiya—ay… ako lang pala. Kasi palagi naman akong nilalandi ni Alexis. Ako lang talaga ang nagmamatigas dahil ayokong aminin na may nararamdaman ako para sa kanya. “Baby lock the door and turn the lights down low… And put some music on that’s soft and slow… Baby we ain’t got no place to go… I hope you understand.” Hindi ko mapigilan na mapangiti at kiligin nang nakisabay sa pagkanta si Alexis sa tugt