EPISODE 28 EXCITEMENT PHOEBE’S POINT OF VIEW. “SEXY babe, kanina ka pa tahimik diyan. May problema ba?” Napakurap kurap ako sa aking mga mata ng magsalita si Alexis. Nandito kami ngayon sa kanyang condo unit—kung saan ang secret place naming dalawa. Dahil hindi pa kami pwedeng magkasama at maging sweet sa publiko, dito sa kanyang condo unit ang parang hideout naming dalawa. Nandito kami ngayon sa kama ni Alexis at nakasandal ako sa kanyang dibdib habang siya naman ay hinahagod ang aking buhok. Katatapos lang naming magtalik dalawa at ngayon ay nagpapahinga pa lang kaming dalawa. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang maging kaming dalawa ni Alexis. Ang daming mga tumatakbo sa aking isipan na mga what ifs, at naiinis na ako. Hanggang ngayon ay kasama pa rin ni Alexis ang mga