EPISODE 4
YOU CAN’T AVOID ME
PHOEBE’S POINT OF VIEW.
PAANO ko ba matatakasan ang tukso? Bakit kada kita ko kay Alexis ay bumabalik iyong alaala sa nangyari sa amin? Kailangan ko nang kalimutan ang gabing iyon! Kailangan ko na siyang kalimutan! F-ck. Nababaliw na siguro talaga ako. Baka sa susunod ay hihilingin ko na lang na magka amnesia ako para tuluyan ko na talaga siyang makalimutan.
“Phoebe, kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi mo pa rin ako pinapakinggan!”
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at napatingin ako sa aking nag-iisang kaibigan na si Alessandra—ang nakakatandang kapatid ni Alexis.
Napakamot ako sa aking buhok at bahagyang napanguso.
“H-Huh? Ano nga ulit ‘yung sinabi mo, Alex? Sorry, may iniisip lang ako,” mahina kong sabi at nag peace sign ako sa kanya.
Inirapan niya ako at bumuntong-hininga siya.
“Sino ba kasi ‘yang iniisip mo?! May boyfriend ka na ba?” tanong niya sa akin.
Nanlaki ang aking mga mata sa naging tanong niya at mabilis akong napailing.
“W-Wala! Wala akong boyfriend, Alessandra. Ano ka ba! Tungkol lang sa mga bayarin ko ang iniisip ko ngayon, wala nang iba,” sabi ko at mabilis na umiwas ng tingin sa kanya.
Paano na lang kaya kung malaman niyang ang nakababatang kapatid niya na si Alexis ang iniisip ko ngayon? Sigurado akong mababaliw si Alessandra kapag malaman niya iyon at itatakwil na niya akong bilang best friend niya! Hindi ako makakapayag na mangyari ‘yun.
“Sure ka ba talaga niyan? Kasi noong isang linggo ka pa laging nag sa-space out eh. Nag-away ba kayong dalawa ni Ellie?” muling tanong ni Alessandra sa akin.
Muli akong napatingin sa kanya at tinignan ko siya ng seryoso at umiling.
“No, Alessandra. Hindi kami nag-away ng kapatid ko at okay lang talaga ako. Sorry talaga kung palagi akong nag sa-space out. Ano nga ulit ‘yung sinabi mo? Promise, makikinig na talaga ako sayo,” sambit ko.
Bumuntong-hininga si Alessandra at muli na niyang ipinagpatuloy ang kanyang pagkukwento sa akin. Kailangan ko munang pakinggan si Alessandra at mag focus sa kanya dahil napapansin na niya ang pag sa-space out ko at baka sa susunod ay malaman na niya kung sino ang dahilan nito at ayokong mangyari ‘yun.
“Alessandra! Nababaliw ka na talaga! ‘Wag na ‘wag mong isipin na pumatay ng isang tao!” taranta kong sabi.
Hanggang ngayon ay galit pa rin talaga siya sa ipinalit ng dad niya sa kanya sa kanilang team sa agency. His name is Alonzo Altimari and according to Alessandra, he’s arrogant kaya galit na galit ang best friend ko sa kanya.
“I hate him—I loathe him! Kung pwede lang talaga na patayin ko na siya ay matagal ko na iyong ginawa, Phoebe. Pero hindi ko siya pwedeng patayin kaya iba na lang ang aking gagawin para makapag higanti ako,” sabi ni Alessandra at bigla na lang siyang ngumisi na para bang may pinaplanong masama.
“What plan is that?” I asked her.
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
“I will seduce him and make him fall in love with me! I will hurt his feelings and make him my slave,” sabi ng aking kaibigan at humalakhak siya.
Napailing na lang ako habang nakatingin kay Alessandra at hindi na ako pumalag sa kanyang sinabi at sinuportahan ko na lang siya.
Nandito nga pala ako sa kanilang mansion dahil dito muna nag stay si Alessandra upang ma kombinsi pa rin ang kanyang Dad na maibalik sa kanya ang kanyang posisyon sa kanilang agency. Ngayon ay nag te-text na ang aking kapatid na si Ellie at hinihintay na niya akong makauwi sa apartment namin dahil sabay kami sa aming pagkain ng dinner. Namomroblema ako ngayon kung paano makakalabas dito sa kwarto ni Alessandra nang hindi ko nakakasalubong sa labas si Alexis. Malaki naman ang mansion nila at pwede rin akong dumaan sa likod… pero paano kung makasalubong ko pa rin siya?
Bahala na nga!
Siguro naman ay wala pa siya dito sa mansion nila diba? Baka may praktis pa iyon sa basketball kaya hindi na dapat ako nag-iisip nang ganito. Tama… tama!
“Bye, Alessandra! Kita na lang tayo sa susunod kapag hindi na ako busy, okay? Text at tawagan na lang tayo ulit,” pagpapaalam ko sa aking kaibigan.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi.
“Bye, Phoebe! Mag ingat ka rin,” sabi ni Alessandra.
Kumaway ako sa kanya at lumabas na sa kanyang kwarto. Nang makalabas na ako sa kanyang kwarto ay bumuntong-hininga ako at lihim na napadasal na sana ay hindi ko makasalubong si Alexis sa pagbaba ko sa hagdan, o dito man lang sa hallway.
Nakahinga ako ng maluwag nang makababa ako sa hagdan ng hindi ko nakasalubong o nakikita si Alexis. Sabi ko na nga ba… hindi pa siya nakakauwi dahil siguro ay may praktis pa siya sa basketball—
“Hey, prof!”
Natigil ako sa aking paglalakad at nanlaki ang aking mga mata ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Napalunok ako sa aking laway at hinay-hinay akong humarap dito at mas lalo akong nagulat nang makita ko siyang nakahubad ngayon sa aking harapan. Kitang-kita ko ang kanyang dibdib ngayon at ang kanyang abs. Tanging shorts lang ang kanyang suot ngayon. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at mabilis na umiwas ng tingin sa kanya nang maramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.
“A-Aalis na ako,” nauutal na sabi ko. Akmang aalis na ako nang mahawakan niya ang aking braso at hinila niya ako palapit sa kanya.
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat sa kanyang ginawa at para akong napaso ng mahawakan ko ang kanyang pinagpapawisan na dibdib ngayon.
Tinignan ko siya ng masama at itinulak ko siya palayo sa akin.
“Alexis!”
Humalakhak siya at nginisihan niya ako.
“What’s the problem, sexy babe? Bakit parang nandidiri ka sa akin nang mahawakan mo ako? Baka nakakalimutan mong—”
“Shut up, Alexis Riley Coleman!” pinutol ko ang kanyang pagsasalita at pinanlakihan ko siya ng aking mga mata upang warningan siya. Sinabi ko na sa kanya noon na ‘wag na naming pag-usapan ulit ‘yung gabing may nangyari sa aming dalawa.
“Shut the f-ck up, Alexis. Kahit anong gawin mo ay hindi kita papatulan! I’m your professor and I’m older than you so respect me!” galit kong sabi sa kanya.
Ang ngiti sa kanyang labi ay unti-unting nawala at napalitan ito ng seryosong ekspresyon sa mukha. Hinay-hinay na lumapit sa akin si Alexis at ang lakas na ng kabog ng aking puso ngayon sa kaba at napatingin din ako sa paligid dahil natatakot ako na may makakita sa amin o may makarinig sa aming pag uusap ngayon.
Tumigil si Alexis sa aking harapan at pinantay niya ang kanyang mukha sa aking mukha habang nakatingin pa rin ng seryoso sa akin.
“Hindi papatulan? Sexy babe, you just did. Baka nakakalimutan mong ilang ulit mong sinigaw ang pangalan ko habang binabaliw kita—”
“Bastos!” sinampal ko siya ng malakas sa kanyang pisngi.
Natigil siya sa kanyang pagsasalita at napahawak siya sa pingi niyang sinampal ko bago muling tumingin sa akin at nginisihan ako.
“You can’t avoid me forever, Phoebe. Darating ang araw na ikaw din ang magmamakaawa sa akin. You still want me, sexy babe,” mapang-akit na sabi ni Alexis at kinindatan niya ako bago siya umalis sa aking harapan.
Napa singhap ako at napahawak sa aking dibdib. Ngayon ko lang din naramdaman ang nanginginig ng aking mga paa kaya mabilis akong pumunta sa may pader upang may masandalan ako.
Nakaramdam din ako ng inis sa aking sarili dahil lahat ng sinabi ni Alexis kanina… lahat ng iyon ay totoo.
I still want him, and I hate myself for that!
TO BE CONTINUED...