EPISODE 3
GUILTY
PHOEBE’S POINT OF VIEW.
“Alessandra! OMG! I missed you!” napatili ako at patakbong lumapit sa aking best friend at niyakap ko siya ng mahigpit.
Niyakap ako pabalik ni Alex at narinig ko rin ang mahina niyang pagtawa.
“Ano ba, para ka namang tanga diyan!” natatawa niyang sabi habang yakap ko siya.
Napasimangot naman ako at tinignan siya. “Che! Tatlong taon ka kayang nawala, ‘no! Tapos minsan mo lang ako kino-contact.
Akala ko na kung ano ang nangyari sayo, baka namatay ka na!” inis kong sabi sa kanya.
Si Alessandra Marie Coleman, ang nag-iisa kong bestfriend. Isa siyang secret agent sa kanilang security agency. Tatlong taon siyang nasa ibang bansa upang gawin ang mission niya tungkol sa isang mafia boss na hindi ko naman kilala. Astig itong bestfriend ko dahil ang galing niyang bumaril at wala siyang kinatatakutan. Malaki ang pagkakaiba namin ni Alex pero hindi ito naging hadlang para maging mag bestfriend kaming dalawa. Pinagkakatiwalaan niya ako, pinagkakatiwalaan ko rin siya.
Inakbayan niya ako at hinalikan ang aking pisngi. “Sorry na nga! Nandito na nga ako, oh? Hindi na ako aalis, okay?” nakangiti niyang sabi.
Inirapan ko naman siya. “Baka muli mo na naman akong iwan, ‘no! Palagi mo na lang akong iniiwan, Alessandra Marie Coleman!”
Muli siyang natawa ng malakas at bahagya niyang kinurot ang aking pisngi. “Sorry na nga, girlfriend ko!”
Maraming pasalubong sa akin si Alex at parang hindi ko ito kayang tanggapin dahil lahat ng kanyang mga dala ngayon para sa akin ay puro branded lahat. Nakalagay rin sa isang karton ang lahat ng pasalubong ni Alessandra at hindi ko alam kung paano ko magagamit itong lahat. Ako lang din ang nag-iisang kaibigan na pinagkakatiwalaan ni Alex ng sobra at kami lang din dalawa ang close talaga kaya sobrang spoiled ako sa babaeng ‘to. Sanay na ako sa kanyang pagbibigay ng kung anu-anong mga branded na gamit sa akin kaya kapag ginamit ko ito sa trabaho ko ay maraming naiinggit sa akin.
“Kumusta pala ang performance ni Alexis, Phoebe?”
Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway ng bigla iyong itanong ni Alessandra sa akin. Tangina naman kasi! Bakit iyon pa ang ginamit na word ni Alex? Performance saan? Sa pag-aaral ba, o sa ibang bagay? Kasi kung sa ibang bagay… sobrang galing ng performance ni Alexis Riley. Tangina—ano ba ‘tong pumasok sa isipan ko! Kung siguro ay nababasa ngayon ni Alessandra ang aking iniisip, baka kanina niya pa ako nabaril sa ulo ko.
Nilalandi ko ang kapatid niya at hindi maganda ‘yun—hindi pwede ‘yun.
“H-Huh? Si Alexis ba? Okay lang naman siya,” sagot ko sa kanyang tanong at inabala ang aking sarili sa pagtingin sa mga regalo ni Alessandra sa akin.
“Sa tingin mo, makaka graduate na kaya ngayon ang lalaking ‘yun, Phoebe? Ilang taon na siya sa kolehiyo pero hindi pa rin siya guma-graduate. Alam ko naman na hindi siya pini-pressure ng mga magulang namin at pinapabayaan lang nila si Alexis sa gusto nitong gawin, pero masyado na siyang matanda. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandito kami para sa kanya. Kailangan na niyang humarap sa totoong mundo, Phoebe. How I wish na magtino na siya,” seryosong sabi ni Alessandra at napabuntong-hininga siya.
Bago umalis si Alessandra papunta sa ibang bansa para gawin ang kanilang mission, pinagkatiwalaan niya sa akin si Alexis at pinabantayan niya ito sa akin dahil isa ako sa professor nito sa kolehiyo. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-graduate si Alexis dahil lumipat na naman siya ng ibang course.
Nakokonsensya na naman ako sa ginawa kong katarantaduhan sa kapatid ni Alessandra. F*ck! Habangbuhay ko ata itong kasalanan sa bestfriend ko. Pero natatakot ako na malaman niya ang totoo sa nangyari sa amin sa kanyang bunsong kapatid. Sigurado ako na magagalit si Alessandra sa akin at natatakot ako na mawalan ako ng kaibigan. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko at hindi ko rin siguro kakayanin kapag kinamuhian niya ako bigla.
“Naka tatlong tawag lang naman sa akin ang dean’s office sa taong ito dahil kay Alexis, Alex. Improvement din ata ‘yun dahil noon ay naka lima o anim na tawag sila sa akin dahil sa pakikipag-away ni Alexis sa mga kaklase o kalaro niya sa basketball. Siguro naman ay last na niya ngayon na taon dahil graduating na rin siya,” sabi ko sa aking kaibigan.
Bumuntong-hininga naman siya at napa hilamos sa kanyang mukha.
Nagkukwento ngayon si Alessandra tungkol sa inis na nararamdaman niya sa kanyang dad sa nangyari sa kanilang security agency. Inalis siya sa kanyang trabaho at pinalitan siya ng isang lalaki na hindi niya naman kilala. Habang nagkukwento ngayon si Alex, hindi ko maiwasan na makaramdam ng guilt sa mga pinaggagawa ko. Kahit na umiwas na ako kay Alexis sa mga nagdaang araw, hindi pa rin mawala sa aking isipan na pumatol ako sa kanya.
I was drunk at that time. We were having fun in a bar, and I was with my colleagues. Hindi ko alam na nandoon din pala si Alexis kasama ang kanyang mga kaibigan. Nakasayaw ko siya sa dance floor at biglang uminit ang katawan ko sa kanyang mga haplos sa akin hanggang sa hinalikan ko na siya sa kanyang labi. Inilabas niya ako sa bar at isinakay niya ako sa kanyang sasakyan at hindi ko na alam kung saan niya ako dinala. Ang alam ko lang ay isinuko ko na ang sarili ko sa kanya… may nangyari sa aming dalawa ni Alexis Riley Coleman, ang pasaway na bunsong kapatid ng bestfriend ko.
Limang taon ang agwat ko sa lalaking ‘yun at alam ko na wala akong mapapala kay Alexis dahil puro lang kalokohan ang alam niya. Ni minsan ay wala akong nakita na nag seryoso siya sa mga naging girlfriend niya. Palagi niya na lang itong iniiwan na luhaan at madali lang din siyang magsawa sa mga naging girlfriend niya.
Inaamin ko na may nararamdaman akong kunting feelings kay Alexis, pero kailangan ko itong pigilan dahil bawal… hindi pwede.
Masyado siyang bata sa akin at sakit sa ulo at puso lang din ang mabibigay niya sa akin kapag ipinagpatuloy ko pa itong kahibangan ko na ito.
TO BE CONTINUED...