EPISODE 5: REJECT

1625 Words
EPISODE 5 REJECT PHOEBE’S POINT OF VIEW. I still want him—iyon ang laging tumatakbo sa isipan ko ngayon simula nang sinabi ‘yun ni Alexis sa akin. Nakakainis! Bakit ba hindi ko maalis sa aking isipan ang pasaway na lalaking ‘yun? Hindi dapat ako mag-aksaya ng panahon sa batang ‘yun. Wala namang maibibigay na mabuti iyon sa akin, puro lang naman sakit sa ulo eh. “Ate Phoebe, okay ka lang ba?” Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at napatingin ako sa aking kapatid na si Ellie. Ayan na naman, nag sa-space out na naman ako at hindi lang habang kasama ko si Alessandra kundi pati na rin sa aking kapatid na si Ellie. Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti habang kaharap ko ngayon ang aking kapatid. Tumango ako at nagsalita. “Y-yes, Ellie! I’m completely okay. Bakit, may problema ka ba? Ano nga ulit ‘yung sinabi mo?” pinilit kong maging masigla ang aking boses habang kausap ko siya. Pero mukhang hindi siya naniniwala sa pagsisinungaling ko dahil hindi siya ngumiti pabalik sa akin… seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin ngayon at parang pinag-aralan ang aking mga galaw. “You’re spacing out, Ate Phoebe. May gumugulo sa isipan mo ngayon, hindi mo lang maamin sa akin. What happened? Is it about your work? Financial? Lovelife? What, Ate? I’m here for you,” alalang tanong sa akin ni Ellie habang nakatingin pa rin siya ng seryoso sa akin. Huminga ako ng malalim at napahilamos ako sa aking mukha bago muling tumingin ng seryoso sa kanya. Sabi ko na nga ba, mahahalata na rin talaga ng karamihan itong kahibangan ko eh at kailangan ko na talaga itong tigilan dahil nakakasama na sa aking sarili at sa aking katawan. “O-Okay lang ako, Ellie… ‘wag kang mag-alala sa akin. Ikaw, may problema ka ba sa trabaho mo? Hindi ka na ba pinapahirapan sa kompanyang tinatarabahuan mo?” tanong ko pabalik sa kanya. Kaga-graduate lang ng kapatid ko at agad din siyang nakapasok sa isang kompanya at dahil baguhan pa lang siya, pinapahirapan siya doon ng mga ka workmates niya. Ewan ko ba kung bakit may mga ganun talagang tao. Bakit nila pinapahirapan ang mga baguhan na mga empleyado? Pwede naman nila itong tulungan eh. Mga toxic talaga! Ngumiti si Ellie sa akin. “Okay lang ako sa trabaho ko, Ate Phoebe. Unti-unti na rin silang nagiging mabait sa akin. Kailangan ko talaga sila siguro na pakisamahan muna.” Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng kapatid ko. Buti naman at hindi na siya masyadong nahihirapan sa trabaho niya. Gusto ko na mag enjoy lang si Ellie sa kanyang ginagawa sa kanyang trabaho kagaya ng ginagawa ko. Masasabi ko talaga na itinadhana ako na maging isang guro. Simula pa noong bata pa ako ay pangarap ko na talagang maging teacher hanggang sa ito talaga ang kinuha kong kurso at nakapasa rin ako sa board exam. Masaya ako sa pagiging guro ko. Mas pinili kong maging guro sa kolehiyo dahil hindi masyadong stressful. Matagal na akong professor sa unibersidad na pinagtatrabahuhan ko at alam ko na dito na rin ako mag re-retire. “Ikaw ate, mukhang may problema kang dinadala. May boyfriend ka na ba? Wala na talaga akong balita sayo eh. Nagsasama naman tayo sa isang bahay, magkapatid naman tayo… pero wala talaga akong alam sa nangyayari sa buhay mo,” sabi ni Ellie at napanguso siya. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at hindi nakakapagsalita kaagad sa sinabi ng aking kapatid. Paano ko ba eh ku kwento kay Ellie ang totoo? Sa nangyari sa amin ni Alexis? Sigurado akong maloloka ang kapatid ko at hindi niya matatanggap ang aking sasabihin… kaya ‘wag na lang. Mas mabuti pang itago ko na ito dahil hindi na rin naman mauulit iyong nangyari sa amin ni Alexis. Isang malaking pagkakamali ang aking ginawa na nagpadala ako sa tukso. Malayong-malayo si Alexis sa kanyang mga kapatid at mga magulang. Siya ay… siya ay puro kalokohan lang ang alam at hindi alam ang salitang respeto. Ang nasa isip lang niya palagi ay kalokohan. Dapat na talaga akong lumayo sa kanya at… at ‘wag ko na siyang isipin ulit. Iyon ang mas makakabuti sa akin at para matigil na rin ako dito sa aking kalokohan. Pati si Ellie ay napapansin na ang pag sa-space out ko lagi. Kailangan ko na talaga itong tigilan. “MISS Pascua, may maganda akong news na sasabihin sayo na tungkol kay Mr. Coleman.” Bahagya akong nagulat sa sinabi ng Dean ng papasukin niya ako sa kanyang office. Akala ko ay may nagawa na namang kasalanan si Alexis dahil iyon naman ang rason kung bakit ako palaging pinapatawag sa dean’s office dahil ako ang guardian ni Alexis dito sa university. “P-Po?” Tumango si Ma’am. “Yes, Miss Pascua. Pumunta dito si Mr. Dela Cruz, isa sa kanyang professors sa major subject niya. Nasa focus na ulit si Mr. Coleman sa kanyang pag-aaral at mukhang mapapasali na talaga siya ngayon sa ga-graduate! Sana ay tuloy-tuloy na ito dahil gusto ko na rin talagang maka graduate na ang batang ‘yun at humarap na sa totoong mundo,” sabi ng dean sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon. Pero nakaramdam ako ng tuwa sa aking nalaman. Syempre bilang guardian ni Alexis dito sa campus at puro stress lang ang nakukuha sa lalaking ‘yun ay makakaramdam talaga ako ng labis na tuwa. Buti naman at naisip ng lalaking ‘yun na magtino para naman matuwa ang mga magulang niya sa kanya. “Sana tuloy-tuloy na ito, Miss Pascua.” Ngumiti ako at tumango. “Sana nga po. ‘Wag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para mapagpatuloy niya ang pagiging matino ni Alexis.” Lumabas na ako sa office ng dean namin at naglakad na ako pabalik sa aming faculty upang makuha ko ang aking mga gamit para sa aking isa pang class. Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway ngayon, nagulat na lang ako nang may biglang kamay na humawak sa aking braso at hinila ako bigla. Dinala ako nito sa loob ng isang bakanteng classroom at isinandal ako sa may pader. Sisigaw na sana ako nang bigla kong makita kung sino ang may gawa sa akin nito ngayon. “Alexis?!” hindi ko makapaniwalang tawag sa kanyang pangalan. Ngumisi siya sa akin at kinulong niya ako sa kanyang mga braso. “Hey, sexy babe. Hmm, I missed you….” Akmang ilalapit na niya ang kanyang mukha sa aking mukha ng itinulak ko siya palayo sa akin. Nakita ko ang gulat sa kanyang ekspresyon ng gawin ko ‘yun, pero hindi ako naawa dahil naiinis ako sa kanya. Tinignan ko siya ng matalim at nagsalita. “Ano na namang kalokohan ito, Alexis?! Nasa paaralan tayo ngayon! I’m your goddamn professor for your information!” galit kong sabi sa kanya. Baka nakalimutan niya na professor niya pa rin ako. Ngumisi si Alexis. “Okay… then, I missed you… my professor,” mapang-akit na sabi ni Alexis at kinindatan niya ako. Napasinghap ako at umiwas ng tingin sa kanya. Ang lakas na rin ng kabog ng aking puso at pinagpapawisan na rin ako ngayon. Bakit sa tuwing iniiwasan ko si Alexis at gusto ko siyang ialis sa aking isipan ay bigla na lang siyang susulpot sa aking harapan?! Nakakainis. “S-Stop flirting me, Alexis,” malamig ko na sabi at muli ko siyang tinignan. Nakangisi pa rin siya ngayon habang nakatingin sa akin, pero hindi ako nagpadala sa kanyang mga ngisi sa akin ngayon at nanatili pa rin na seryoso ang ekspresyon sa mukha. “Pwede bang itigil mo na ang ginagawa mo, Alexis? Hindi na ako natutuwa sa mga kalokohan mo.” Unti-unting nawala ang ngisi sa kanyang mukha at napalitan na rin ito ng seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Bahagyang tumaas ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin. “Sinong nagsabi na nagloloko ako ngayon, Phoebe?” Bahagya akong nagulat sa kanyang sinabi. Ngayon ko lang narinig na tinawag niya ako sa aking pangalan… na walang Ma’am, Ate Phoebe, o pati na rin ang tawag niya sa akin na sexy babe. Bakit mas lalong nakakakaba nang tawagin niya ako sa aking pangalan? “Seryoso ako, Phoebe,” muli niyang sabi habang seryosong nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at matapang na sinagot ang kanyang sinabi ngayon. “Seryoso sa ano? Sa paglalandi sa professor mo? Sa bestfriend ng Ate mo? Sa babaeng mas matanda sayo ng ilang taon? Seriously, Alexis? Pwede ba… tama na! Kung iniisip mo na papatulan kita diyan sa paglalandi mo sa akin, pwes nagkakamali ka! Isang malaking pagkakamali ang nangyari sa ating dalawa at hindi na iyon mauulit pa. I don’t like you. Stop playing with me and focus on your studies!” Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha ng sabihin ko ‘yun at may nakita rin akong galit sa kanyang ekspresyon pero hindi ko na ito masyadong pinansin. Huminga ako ng malalim at muli ko siyang itinulak palayo sa akin at lumabas na ako sa bakanteng room kung saan ako hinila papasok ni Alexis. Inayos ko ang aking sarili at nagsimula na ulit ako sa aking paglalakad papunta sa faculty. Habang papalayo ako kung saan naiwan si Alexis sa bakanteng room, hindi ko mapigilan na makaramdam ng sakit ngayon sa aking dibdib. Tama naman ang ginawa ko diba? Maling-mali ang magkagusto kay Alexis Riley Coleman! Isang malaking pagkakamali kung papatulan ko pa siya ulit. Tama lang ang ginawa ko… ang ginawa kong pag reject sa kanya. Kailangan ko nang kalimutan ang namumuong feelings ko para sa troublemaker na si Alexis… dahil hindi ito makakabuti sa akin—at sa lahat. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD