EPISODE 6
JEALOUS
PHOEBE’S POINT OF VIEW.
TAMA lang ang ginawa ko… ang sinabi ko kay Alexis. Kailangan na niyang tigilan ang kalokohan niya dahil hinding-hindi na ulit ako papatol sa kanya. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ng kapatid niya na si Alessandra at ayoko ring sirain ang tiwala ng kanyang mga magulang sa akin. I’m supposed to be his guardian, not his fling.
“I hate it, Phoebe! Hindi ako makatakas dito sa condo unit ko dahil bantay sarado ako ni Alonzo. Nakakainis siya! Hindi nga niya ako pinapansin, para akong multo sa kanya eh. I wish you were here.”
Kausap ko ngayon sa phone ang bestfriend ko na si Alessandra. May sarili rin siyang problema at ito ay si Alonzo Altimari. May death threats na namang natanggap si Alessandra at ngayon galing ito sa pamilya ng pinatay niyang si Tomaso Brioschi, isang mafia boss. Masyadong delikado ang trabaho ni Alessandra, lalo na’t apo rin siya ng Presidente ng Pilipinas kaya kailangan niya talagang mag ingat. Galit na galit siya dahil ginawa siyang baby ng kanyang mga magulang at bawal siyang lumabas sa kanyang condo unit hangga’t hindi nahahanap kung sino ang nagpapadala sa kanya ng mga death threats at ang mas worst pa rito ay si Alonzo ang ginawang bodyguard ng kanyang mga magulang sa kanya… ang lalaking kinamumuhian niya as of now.
“Phoebe, mamamatay na ata ako dito!” sigaw ni Alessandra sa kabilang linya at narinig ko ang kanyang pag iyak na parang bata. Isa si Alessandra sa masasabi kong pinakamalakas at pinakamatapang na babae, pero kagaya ng ibang babae… marunong din siyang umiyak at maging mahina at sa akin niya lang ito ipinakita.
Huminga ako ng malalim at napasandal ako sa aking kinauupuan.
“Alessandra, para rin naman ‘yan sa kaligtasan mo eh. Siguro ay pakinggan mo muna ay iyong mga magulang at ‘wag ka munang magpasaway,” sabi ko sa kanya.
“Argh! Pati ba naman ikaw, Phoebe? Ayoko na nga! Bahala na kayo!” sabi niya at agad niyang pinatay ang tawag sa akin.
Napailing na lang ako at hindi ko na kinulit si Alessandra. She’s stubborn and a brat at gusto niya na lahat ng gusto niya ay nasusunod. Tumayo na lang ako at hinanda ang aking sarili para sa susunod ko na class… ang klase na magiging estudyante ko si Alexis. Dalawang subjects ang magiging student ko si Alexis kaya kahit anong iwas ko sa kanya, magkikita pa rin talaga kaming dalawa dahil professor niya ako… at student ko rin siya.
Kasalukuyan kong sinusuklayan ang aking buhok ngayon at nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Kailanman ay hindi ko pa nasubukan na magka boyfriend kaya hindi ko alam ang aking gagawin kung paano ako haharap sa isang lalaki. Wala akong oras sa pag-ibig noon dahil ako ang nagpaaral kay Ellie. Sa mura kong edad ay nagtatrabaho na ako upang may makain kami ng aking kapatid. Wala ring naglakas loob na lumapit sa akin at ligawan ako. Siguro ay dahil masyado akong seryoso sa buhay ko? At… at mahirap lang ako. Isa lang akong scholar sa paaralan namin noon ni Alessandra at kailangan ko talagang ma maintain ang aking grades dahil kung hindi, hindi ko maipagpapatuloy ang aking pag-aaral.
Ngayon ay ginugulo ni Alexis ang puso at isipan ko, pero natatakot ako kapag pinatulan ko siya. He’s a playboy. Marami na siyang pinaiyak na babae at hindi rin siya seryoso sa mga nakarelasyon niya noon. Ang gusto niya lang ay sarap… saya… adventure. At hindi ako para doon—ayoko ng ganun.
Gusto ko ng lalaking mature at maiparamdam sa akin na mahal na mahal ako. Marami na akong problema sa buhay ko at ayoko ng madagdagan pa ito ng dahil kay Alexis. Ayoko rin talagang masira ang pagkakaibigan namin ni Alessandra dahil kapag nalaman niya ang tungkol sa nangyari sa amin ng bunso niyang kapatid, magagalit siya sa akin.
Huminga ako ng malalim at napahawak ako sa aking pisngi.
Minsan ay napapaisip din ako kung bakit walang lalaking nagpaparamdam sa akin. Mahirap ba akong mahalin? Hindi ba ako maganda? Alam ko naman na hindi ako kagandahan kagaya ng bestfriend ko na si Alessandra na sa isang tingin niya lang ay magkakagusto kaagad ang mga lalaki sa kanya. Ako? Simple lang akong babae… at hindi rin ako mayaman.
Siguro ay nakatadhana na akong maging isang matandang dalaga. Sanay na rin naman akong mag isa sa buhay ko kaya hindi na ako maghahanap ng lalaking makakasama ko sa buhay ko kapag ako’y tumanda.
Nang matapos ko ng ayusin ang sarili ko, ginamit ko na ang aking mga gamit sa pagtuturo at lumabas na rin ako sa aking office. Marami akong nakasalubong na mga students sa hallway at binabati nila akong lahat at nginitian ko rin sila upang pagbati pabalik. Masaya ako sa trabaho ko… ang pagiging professor sa isang unibersidad. Sinubukan ko na magturo sa elementary at highschool noon pero hindi talaga ako para doon, para ako dito sa college. Malaki naman ang sahod ko at mas gusto ko rito, hindi masyadong mahirap.
Pumasok na ako sa loob ng room 25 kung saan ang klase ko sa GE 9, ang Ethics.
“Good morning, Miss Phoebe!” bati ng aking mga estudyante ng makapasok ako sa loob.
Pumunta na ako sa may harapan at inayos ko ang aking mga gamit. Muli akong tumingin sa aking mga estudyante at nanlaki ang aking mga mata sa sobrang gulat sa nakita ko sa may likuran.
“Alexis, nandiyan na si Miss Phoebe! Mamaya na ‘yang landian niyo ni Stacy,” narinig ko na sabi ng isa nilang kaklase.
May babaeng nakaupo sa kandungan ni Alexis ngayon at magkahalikan silang dalawa. Parang biglang umusok ang ilong ko at nakaramdam ako ng sobrang galit sa aking nakita.
“Mr. Coleman! Ms. Tabudlo! It’s class hours! Sinong may sabi na pwede kayong maglandian dito sa campus at sa loob ng classroom?!” galit kong sigaw habang nakatingin ng masama sa kanila.
Mabilis na umalis ang babaeng nasa kandungan ni Alexis at yumuko siya habang nakaharap sa akin.
“S-Sorry po, Miss Phoebe,” nauutal nitong sabi at nagmamadaling lumabas sa classroom. Hindi nga pala iyon kaklase nila Alexis dito sa klase ko ngayon, pero kilala ko ang babaeng ‘yun dahil estudyante ko siya sa isang subject.
Muli akong napatingin kay Alexis at nakita ko siyang nakangusong nakatingin sa akin ngayon habang nakahalukipkip. Para siyang nang-aasar sa akin ngayon sa kanyang tingin sa akin kaya mas lalo akong nakaramdam ng galit at… at hindi malaman na pakiramdam.
“Mr. Coleman, sumama ka sa akin ngayon! I need you in my office… now!” galit kong sigaw at padabog akong lumabas sa classroom. Nakita ko namang sumunod si Alexis at lumabas din siya sa classroom.
Nagmamadali ako sa aking paglalakad upang hindi niya ako maabutan. Nang makapasok na ako sa loob ng aking office ay agad akong humarap sa kanya. Nakita ko rin siyang pumasok sa loob at sinirado niya ang pinto at… ni locked niya ito.
“Anong ginawa mo kanina ah?” seryoso kong tanong sa kanya.
Muli siyang humalukipkip. “Hmm, nakikipaghalikan?”
“Sa loob ng classroom, Alexis?!”
“Bakit, saan mo bang gusto maghalikan kami ni Stacy? Hmm, sa CR ba? Okay, iyon ang gagawin namin next time—”
Hindi na naipagpatuloy ni Alexis ang kanyang sasabihin ng sampalin ko siya sa kanyang mukha. Nanginginig ako ngayon sa galit na aking nararamdaman para sa kanya. Tinignan ko siya ng masama ngayon at pinipigilan ko ang sarili na mapasigaw dahil sa aking galit na nararamdaman.
Hinawakan niya ang kanyang pisngi na aking sinampal at muli siyang humarap sa akin na may halong pagtataka.
“Wala kang respeto, Alexis Riley Coleman. Kahit man lang pagiging teacher mo ay hindi mo ako kayang respetuhin, huh?! Ganyan na ba talaga katigas ang ulo mo?! Wala ka ba talagang modo?!” galit kong sigaw sa kanya at naramdaman ko na ang pagtulo ng aking luha at agad ko naman itong pinunasan.
Napasinghap ako at nagulat sa kanyang ginawa… mabilis siyang lumapit sa akin at mahigpit niyang hinawakan ang aking braso at hinila niya ako palapit sa kanya. Ang lapit na ng aming mga mukha ngayon at kitang-kita ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Alexis habang nakatingin sa akin.
“Why are you acting like this, Phoebe, hmm?” seryosong tanong ni Alexis habang nakatingin pa rin sa aking mga mata.
Napalunok ako sa aking laway at naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng aking puso.
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at matapang na sinagot ang kanyang tanong.
“Because you disrespect me as your professor! Sana ilugar mo ‘yang kalandian mo! Kung sinu-sino na lang ang babaeng kahalikan mo!”
Ngumisi siya kaya mas lalo akong kinabahan.
“Hmm, talaga? Iyan lang ba talaga ang dahilan… sexy babe?” humina ang kanyang boses at unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha at dinampian niya ng halik ang gilid ng aking labi bago niya ako muling tingnan at nginitian.
Para akong kakapusan ng aking hininga ngayon sa kanyang ginagawa sa akin.
“Iyan lang ba talaga ang dahilan? Hmm, hindi ka ba nagseselos?”
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Alexis at itinulak ko siya palayo sa akin.
“A-Anong selos?! Bakit naman ako magseselos, aber?!”
Napataas siya sa kanyang kilay at bahagyang ngumuso. “Kasi nakita mo kaming mag kahalikan ni Stacy kanina? Nakita mong nakaupo siya sa kandungan ko na ang dapat na gumagawa nun ay ikaw….”
Muli akong napasinghap sa sinabi ni Alexis. Namumungay na rin ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya ngayon at nawalan ako ng kapangyarihan na makapagsalita ulit.
“H-Hindi ako nagseselos!” galit kong sabi sa kanya at matalim siyang tinignan.
Humahalakhak siya at umiiiling na nakatingin sa akin sa ngayon.
“Sige, ipilit mo pa ‘yang pagmamatigas mo, Phoebe. Alam ko na gustong-gusto mo pa rin ako, pero pinipigilan mo lang ang sarili mo.”
Ngumisi si Alexis at muli siyang humakbang palapit sa akin. Hindi naman ako makagalaw sa aking kinatatayuan ngayon habang nakatingin sa kanya na papalapit sa akin. Hinawakan niya ang aking baba at inilapit niya ang mukha sa aking mukha at ngumiti siya sa akin.
“You will beg for me someday, Phoebe. Hihintayin ko ang pagkakataon na iyon, pero ‘wag kang mag-alala, nandito ako para hintayin ka,” paos niyang sabi at hinalikan niya ang gilid ng aking labi bago siya lumayo sa akin at lumabas sa aking opisina.
Nang makalabas si Alexis ay labis na panghihina ang aking nararamdaman. Agad akong napaupo sa aking swivel chair at napahawak ako sa aking dibdib at napatulala.
Malala na talaga ‘to…. unti-unti na akong naaangkin ni Alexis at hindi pwede ito.
TO BE CONTINUED...