EPISODE 7: DADDY ISSUES

1147 Words
EPISODE 7 DADDY ISSUES PHOEBE’S POINT OF VIEW. NAGSESELOS ba talaga ako? Bakit ba hindi ko magawang iwala sa akin isipan ang lalaking ‘yun? He’s a troublemaker! Nakababatang kapatid din siya ng aking bestfriend na si Alessandra. Mas matanda ako sa kanya ng ilang taon at… at professor niya ako! Hindi pwede na magkaroon kami ng isang intimate relationship. I’m his guardian sa university. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila na may nangyari sa amin ni Alexis? Sigurado akong magagalit sila sa akin at gagawan ng iba’t ibang storya. “Phoebe! Phoebe, putang ina ka! Buksan mo itong pintuan!” Bahagya akong napatalon sa gulat nang makarinig ako ng malakas na pagsigaw sa labas ng apartment namin at ang malakas at sunod-sunod na pagkatok sa aming pintuan. Inayos ko muna ang aking sarili at naglalakad na ako ngayon papunta sa pintuan. Wala ngayon ang aking kapatid dahil maaga ang kanyang trabaho. Bago pa lang siya sa kanyang trabaho kaya kailangan niyang magpakitang gilas dahil kinakawawa na lang siya doon ng mga kasamahan niya dahil baguhan lang ito. Nang buksan ko ang pinto ng aming apartment ay agad na bumungad sa aking harapan ang pagmumukha ng aming landlady. Pormadong-pormado ngayon ang kanyang kilay at ang pula rin ng kanyang labi ngayon at handang-handa na siyang sigawan ako at pagalitan. “M-Madame,” nauutal kong bati sa kanya at nginitian siya. “Hindi mo na ako madadaan sa pambobola mo, Phoebe! Ano na? Hindi pa rin kayo magbabayad ng kapatid mo sa rent dito sa apartment? Aba! Sumosobra na ata ang kakapalan ng mukha niyong dalawa, hija. Tatlong beses na akong nagbigay sa inyo ng pagkakataon, pero wala pa rin?!” Napakagat ako sa aking labi at bahagyang napayuko. Hindi pa pala kami nakakabayad dito sa apartment na tinutuluyan namin ng aking kapatid dahil kapos kami sa pera. Marami akong binayaran na utang na dapat kong unahin dahil baka ipakulong na ako kapag hindi pa ako magbayad. Nabaon kasi ako sa utang nang nag-aaral pa ang aking kapatid. Hindi naman pwede na hindi ko ibigay ang lahat ng pangangailangan ni Ellie sa kanyang pag-aaral noon, lalo na’t graduating na siya. Kahit na gustong-gusto ng mag part-time job noon ng aking kapatid ay hindi ko siya pinayagan. Mahirap ang mag part-time habang nagpapatuloy sa pag-aaral, kagaya ng ginawa ko noong nag-aaral pa ako. Ako ang nagpaaral sa aking sarili at bumubuhay sa aming dalawa ng aking kapatid na si Ellie. Ayokong matulad siya sa akin kaya ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang maibigay ang lahat sa kanya… kahit mabaon man ako sa utang. Ganyan ko kamahal ang aking kapatid na si Ellie at wala naman akong pinagsisisihan sa aking ginawa dahil may trabaho na ngayon ang aking kapatid at nakikita ko naman sa kanya na masaya siya. Ako na ang bahala rito kay Madame. Gagawa ako ng paraan para makabayad ako sa renta namin sa apartment. “M-Madame, bigyan niyo naman kami ng ilang days po bago makapagbayad, please?” pagmamakaawa ko sa aming landlady. Napahawak siya sa kanyang noo at bumuntong-hininga bago muling nag angat ng tingin sa akin. “Extension na naman, Phoebe?! Baka sa susunod ay magdadala na ako dito ng extension wire dahil ang hilig mo sa extension! Sige, pasalamat ka at alam ko ang background mo at mga sakripisyo mo sa buhay, pero may binubuhay rin ako na pamilya, Phoebe! ‘Wag mo sanang kalimutan iyan. Sige, bibigyan kita ng five days para makapag bayad sa renta dito sa apartment. Kung hindi ka pa rin nakapagbayad, magsimula na kayong magbalot ng mga gamit ng kapatid mo at doon na sa gilid ng kalye matulog!” wika ng landlady at umalis na ito. Napakagat ako sa aking labi at hindi ko mapigilan na makaramdam ng hiya dahil lumabas na ang ibang mga kalapit apartment namin at pinanood ang pagpapahiya ng landlady sa akin. Huminga ako ng malalim at nagmamadaling pumasok sa loob. Napasandal ako sa may pintuan at naramdaman ko ang pagpatak ng aking mga luha sa aking mga mata. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend. Wala akong panahon sa pag-ibig dahil marami akong responsibilidad sa buhay ko. Marami pa akong utang na dapat bayaran kaya wala akong karapatan na maging masaya… wala akong karapatan na maging masaya sa piling ni Alexis. Kaya kailangan ko nang alisin itong kahibangan ko at pumasok na ulit sa realidad. “Ate, tumawag si Papa….” Natigil ako sa aking paghuhugas ng pinggan ng marinig ko na nagsalita sa aking likuran ang aking kapatid na si Ellie. Humarap ako sa kanya at tinignan ko siya ng seryoso. “Ellie, wala na tayong Papa,” malamig ko na sabi. Huminga siya ng malalim at tumango. “Ate Phoebe, he’s willing to help us. Magpapadala siya ng 100k sa atin—” “Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na ‘wag mo na siyang kontakin, Ellie Elizabeth Pascua?! Matagal na tayong inabandona ng lalaking ‘yun! Naintindihan mo ba ang sinasabi ko, Ellie?! Hindi siya ang Papa natin!” hindi ko na napigilan ang aking sarili at nasigawan ko na talaga ang aking kapatid na si Ellie. Sinabi ko na noon na patay na ang mga magulang namin. Ang totoo niyan ay buhay pa ang aming biological father ni Ellie at nasa Moscow, Russia ito ngayon. Matagal ng hiwalay ang aking mga magulang. Bagong panganak pa lang si Mama sa kapatid ko ay iniwan na kami ng lalaking ‘yun at mas pinili ang kanyang trabaho sa ibang bansa. Naghiwalay silang dalawa at nagkaroon ulit ng bagong asawa si Mama na tumayo ng totoong ama sa amin ni Ellie. Parehong namatay si Mama at Tatay sa isang car accident kaya naiwan kaming dalawa ni Ellie. Wala na ang mga magulang namin ng aking kapatid… kaya ang tumawag sa aking kapatid, hindi siya ang Papa namin. “Ate Phoebe, gusto lang namang tumulong ng tao…” mahina niyang sabi habang malungkot na nakatingin sa akin. Muli akong tumalikod kay Ellie at napahawak ako sa aking bewang at huminga ng malalim. Nakakaramdam pa rin ako ng matinding galit ngayon at ayoko ulit na masigawan ko ang aking kapatid. “Ellie, wala kang alam,” malamig kong sabi. “Ama ko pa rin siya, Ate!” Galit akong napatingin kay Ellie at bahagya akong nakaramdam ng pagkadismaya sa kanyang sinabi. “Really Ellie? Bakit, nagpakaama ba siya sa atin? Hindi. Hinayaan niya tayong maghirap. ‘Wag na wag mo na ulit na mabanggit ang demonyong ‘yan dahil sasampalin na talaga kita sa mukha mo kapag hindi ako nakatiis,” madiin kong sabi at naglalakad na papunta sa aking kwarto at pumasok sa loob. Hina naman akong napaupo sa gilid ng aking kama at napahilamos sa aking mukha. Ang hirap maging mahirap. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD