EPISODE 19 HEAVEN PHOEBE’S POINT OF VIEW. “ATE Phobe, maraming salamat po dahil sa samahan niyo ako sa paghahanap sa Ate Alessandra ko!” nakangiting sabi ni Alexis sa akin. Hindi ko mapigilan na mapataas sa aking kilay ng sabihin niya ‘yun sa akin. Ate? Wow! Kapag may kasama kaming iba ay Ate or Professor ang tawag niya sa akin, pero kapag kami na lang dalawa ay sexy babe na. “Mag-ingat kayo sa byahe niyo, Alexis! Ingatan mo ang ate ko, huh?” nakangiting sabi ng aking kapatid na si Ellie kay Alexis. Masyado siyang halata sa kanyang tingin at ngiti kay Alexis na crush niya ito. “Don’t worry, Ellie. Ako ang bahala kay Ate Phoebe,” nakangiti na sabi ni Alexis at kinindatan niya si Ellie. Kinilig naman ang aking kapatid kaya napailing-iling na lang ako at lumabas na ng apartment. Si