EPISODE 18 READY PHOEBE’S POINT OF VIEW. HANGGANG ngayon ay hindi pa rin sinasabi ni Alexis kung paano niya nagawang solusyunan ang aking problema tungkol sa trabaho. Hindi ako makapaniwala na mag tetext sa akin personaly ang aming Dean dahil kapag may pakay naman siya sa akin ay sa email niya ako kino-contact at hindi sa text messages. “Ate Phobe, aalis ka ba? Nakita kasi kitang nag iimpake ng mga damit mo eh,” tanong ni Ellie sa akin. Nag angat naman ako ng tingin sa kanya at nginitian siya. Humakbang palapit sa akin si Ellie at umupo siya sa aking tabi at seryoso niya akong tinignan. “Ate, may nagawa ba akong kasalanan? Galit ka ba sa akin?” muli niyang tanong. Bahagya naman akong nagulat sa tanong ng aking kapatid. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay. “Ellie