EPISODE 20 TEMPTATION PHOEBE’S POINT OF VIEW. BAKIT ba ako pumayag na sa iisang room lang kami matutulog ni Alexis tapos isa lang din ang kama?! Nakakainis! “Kakaiba ang motto ng inn na ‘to, ah?” nakangusong sabi ni Alexis ng makapasok na kami sa loob ng kwarto. Hindi siya maliit nang ako pa lang ang pumasok sa loob, pero nag mukha siyang maliit at masikip nang tuluyan na pumasok si Alexis dito sa loob ng kwarto. Malaki naman ang kama rito sa kwarto, pero parang ang sikip para sa aming dalawa ni Alexis. “Manahimik ka nga. Ang manyak mo talaga,” inis kong sabi sa kanya at umupo na ako sa gilid ng kama habang nakatingin ng masama sa kanya. Natigilan ako nang bigla kong makita ang isang couch… na parang hindi couch. Napakurap kurap ako sa aking mga mata nang ma-realize ko kung ano ito